Magrasang damit ng batang madungis tyang gutom at katawa'y malangis palaboy-laboy sa eskinita pagala-gala sa kalsada uupo sa sulok may katabing lata limos na inaabot ang lata sa mga tao nagmamakaawa para makakuha kahit kaka-unting barya
Paglipas ng hapon at pagsapit ng gabi walang paligo at katawa'y makati ang naipon nyang pera kulang kulang sampu ang halaga di na matiis ang gutom nagkalkal ng basura sa tagal walang makita nainip, nakatulog, nahiga, ang naipong barya idadagdag nalang bukas sa lata