Tinatahi ko ang tubig sa'king kamay Pinapanuot ang gayelong lamig. Sa paghampas ng alon; Habang binabagtas ang di malirip na kalawakan, Sinisikap kong ilarawan ka. At sinusubukan kong hanapan ng letra Ang tubig-alat na nagpapalunod sa'king puso
Napagtanto kong sa pagpalaot Sa gitna ng kalawakan at kalaliman Habang ako'y iginigiya ng mga alon Hahayaan kong dalhin ng hangin ang 'king layag, Magtitiwala sa tibay ng katig Mamamangka sa gitna ng kainitan ng araw Hahalik sa'yong daluyong ng kalayaan
*nagsimula rito ang mga buntung hininga sa'yo m.a.