"May mga nararamdaman na umaagos sa pamamagitan ng mga salita, Meron din naman ginagapos sa pamamagitan ng tula Pinalilipad sa liriko at pagkanta Pinasasayaw sa papel at tinta
Ngunit sumagi sa aking isipan May mga nararamdamang tila Di mapaliwanag ng lubusan Parang sumpa sa karanasan Na magpapalesyon ng sistema at isipan
Kahit Ubusin ko man ang bawat letra At lumikha ng bagong salita Ubusin ko man lahat ng papel at tinta Di ko pa din maipakita, mailatag at ipahayag Tila walang katapusan Kahibangan Hindi ba sapat o sadyang kulang ang aking kaalaman? Kulang pa ba ang karanasan? O wala lang talagang katapusan ang ganitong pakiramdam?