Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Umasa ako, naghintay sa alam kong hindi na babalik, 'Yung mainit na pagbabalik kagaya ng iyong mga halik. Lumipas pa ang panahon na kahit tawagin na lang na muntik, Ngunit hindi, ika'y hindi na bumalik. Sana man lang ay nag paalam at pinaalam, Nang sagayon ang paglisan ay nadamdam. Hindi ko naman minadali, hindi ko naman pinilit, Kaso lumisan ka ng unti-unti, at sadyang pinunit ang puso kong galit. Pinilit kong tanggapin, Ang sakit na aking kinikimkim. Nagsulat na para lang ba sa hangin, Sa sobrang balewala'y, ito'y lumubog na sa buhangin. Parang bang habang buhay akong naghintay, Sa mga salita **** wala namang saysay. Naiwan na lang akong tulala, Habang ika'y nawawala. Tuluyang bang ika'y ipagpapalaya? O wag na lang kaya? Hiniling ko, mununi ko, Ngunit hindi pa pala sapat—kaya sumuko na ako.
0
Apr 20
Apr 20, 2026 at 11:38 AM UTC
Ipagpapalaya na ba?

Bbyxx_zb
Written by
Apr 20
Apr 20, 2026 at 11:38 AM UTC
Request permission to use this poem