Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
sa pagsasalubong ng araw at buwan hindi ko pa rin magawang tumahan ilang oras na nang ika’y lumisan pero pagbabalik mo’y patuloy pa ring inaasahan karapat-dapat bang hintayin ang pag-ibig na hindi na sa akin? mananatili pa rin ba akong sabik sa iyong mga yakap at halik? sa paglalim ng gabi tila ang mga bituin ang pumapawi sa sakit na dulot ng iyong labi na siyang dahilan ng aking mga hikbi hindi ba’t ikaw ay nangako na sa laban na ito’y di ka susuko? hindi ba’t ikaw ang sumuyo at sa aki’y noo’y nagsumamo? sa pagbabalik ng araw alam kong di na kita matatanaw ang hiling lamang ay agad malusaw itong pag-ibig na di mo pinukaw
0
May 21, 2014
May 21, 2014 at 11:35 PM UTC
paglisan

dramachine
Written by
May 21, 2014
May 21, 2014 at 11:35 PM UTC
Request permission to use this poem