Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Saan ka nga ba tumatakas Sa anyo bang mapangahas Na katangiang ipinamalas Ng isang nag pupumiglas? Tumahimik ka riyan! Eto ang ating kaharian Mariing pinahihintulutan Tumakas ng lubusan Bantayan ang mga salita! Baka nakikinig ang bata Nag pulong upang ipakita Ang alam nating tama! Hoy! Ikaw na nananahimik Tila wala ka laging imik Nakukuha **** mag hilik Kahit ang hahat ay natitinik Ano ang iyong nginangawa Wala akong ginagawa Masaya lang akong natutuwa Ano ang aking magagawa? Mga maginoo kumusta? Hindi na po ako bata Nais ko na pong lumaya At subukang minsan ay madapa O kaytagal nyo akong itinago Iningatan sa pag papayo Sa mundo ay inilayo Sa takot na magpalalo Ngunit ako'y handa na Maari ko na bang bawiin ang luha? Na matagal nyong kinuha At ang pusong nangungulila?
0
Jul 26, 2022
Jul 26, 2022 at 1:51 PM UTC
Ako at Tayo

-JGA Have you ever talk to yourself like this? haha
pusang-tahimik
Written by
31/M/Quezon City, Philippines
Jul 26, 2022
Jul 26, 2022 at 1:51 PM UTC
Request permission to use this poem