Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#filipinopoem
Maski ikaw maguguluhan sa kung paano kita nagustuhan, ikaw naman kasi wala ka manlang pakiramdam. Walang pangungusap, Puro amba lang.
0
Jun 16, 2025
Jun 16, 2025 at 2:01 PM UTC
Walang titulo pt. 1
tsansa lang ang hinihingi bakit di mo mabigay? hindi ka pa handa, o sadyang may hinihintay? hindi ko lang inaasahan, masyado bang biglaan? ang lihim na pag-ibig ko'y nang iyong malaman? mukhang malabo pa siguro, malabo hanggang dulo hayaan mo munang i-proseso ko at isaulo nung sinabi **** 'hindi ko kayang suklian ang pag-ibig mo'
0
Jun 7, 2025
Jun 7, 2025 at 11:09 AM UTC
Lihim na Pag-ibig
Ano nga ba ang layunin at gusto kong marating? Mananatili nalang ba sa ilalim at ilihim na kailangan ko ng tulong at sasagip sa akin?
0
Apr 27, 2025
Apr 27, 2025 at 1:30 PM UTC
Ano nga ba?
Mata ay "dumilat" Saklap sa "dumi" ay namulat Hawak ang kwaderno't panulat Maduming sistemang di na nakakagulat Mahirap o mayaman, anong pinagkaiba? Parehas na tao estado lang ang naiba Pero sabi ng iba pantay lamang ang dalawa Ngunit pag may kaya ang nag kasala wala nang kaso basta may kwarta Masyadong inabuso, sinolo ang pwesto Kapangyarihang hindi nagagamit ng tuwid at diretso Pag tinutukan mo ng kamera magbabago't magmamano Pag salat kahit wala pang warrant agad na arestado Mabagal at di balanse na hustisya Bumabase nalang sa kung sinong malaki ang kita Ano na pambihira, utak lalo humihina Tara na't halika, isambit mo ang mga di tamang nakikita
0
Mar 10, 2025
Mar 10, 2025 at 2:52 PM UTC
Gumising
kapayapaan paano mararanasan? kung kapwa mo pilipino tingin sayo kalaban kada talikod mo nagagawa kang pag-usapan mga taong hanggang dun nalang at di kayang masabi ng harapan maituturing bang kapayapaan ang pakikipaghatakan pababa at walang ibang ginawa kundi mangialam sa buhay ng iba mga taong nagsasabing "magpakatotoo ka lang." tapos huhusgahan ka nila? mga literal na utak talangka lalo na kayong dumadami, kailangan na ng bangka maging maliit na "KITA" galing sa dugo't pawis pinupuna. kailan kaya kayo mauuntog sa bato at sasabihing " ako'y natuto na." Daig pa ang hukom kung manghusga ubos ang salapi, sa kakapusta sa mga kwentong nagpasalin salin sa bibig ng iba. pati pagiging mapangmata, ginawa ng katawa-tawa. paano mo mararanasan ang nais **** kapayapaan? kung ayaw **** iwanan dati **** nakasanayan niluluwa mo pati sarili **** bayan, nagmamataas kahit wala pang napatunayan. hayaan mo akong tulungan ka sa iyong kalagayan pusong puno nang galit kailangan mo nang tigilan Lawakan mo ang isip at iyong laliman na kahit 'magkakaiba man tayo ng pinanggalingan, ay iisa lang naman tayo ng bansang sinilangan'
0
Mar 8, 2025
Mar 8, 2025 at 12:35 PM UTC
Kapayapaan
Minsan, gusto kong itali ka sa dito puso ko, pero mas gugustuhin kong ako'y hawakan mo, at ipagsigaw sa buong mundo na ako'y sa iyo at ika'y akin lamang.
0
Oct 5, 2023
Oct 5, 2023 at 12:17 AM UTC
Tali
Akala ko, di ko naman siguro ikakamatay, Kung hindi ko mahawakan ang iyong mga kamay. pero Hindi ko yata tanggap ang buhay Kung saan di man lang ako sumubok magtagumpay. Handa akong harapin ang katutuhanan, Kahit pa ito ay walang katiyakan, Kahit pa may pangamba sa iyong kasagutan.
0
Jun 26, 2023
Jun 26, 2023 at 1:52 AM UTC
Hindi kaya
Minsan tayo'y pinaglalaruan ng tadhanang mapaglinlang. Kung kailan buo na ang loob **** isugal ang buo **** pagkatao. Tsaka naman siya hindi sigurado sa iyo.
0
Jun 25, 2023
Jun 25, 2023 at 4:57 AM UTC
Minsan
Akala ko ako'y kanyang pahinga, Pero yun pala, Isa ako sa mga bagaheng pinapasan nya.
0
Jun 22, 2023
Jun 22, 2023 at 8:40 AM UTC
Bagahe
Sa ilalim nitong mga ngiti at tawa, ay isang pusong nangungulila na puno ng mga hikbi at dalita. Kailan kaya kita muling makita? Kailan muli masilayan matamis **** tawa? Kailan ulit kita mayakap aking sinta?
0
May 30, 2023
May 30, 2023 at 3:14 AM UTC
Miss na kita
Ang turing kaibigan lang ay sana'y magiging ka ibigan sa walang hanggan
0
Apr 22, 2023
Apr 22, 2023 at 9:06 PM UTC
Ka(-)ibigan
Tama nga sila na sa simula lang masaya, Kasi simula nung nakilala kita, lagi na akong masaya.
0
Apr 19, 2023
Apr 19, 2023 at 3:12 AM UTC
Simula
Nasa dulo na ng aking dila, ang mga hinahanap na kataga. Maraming nais ibigkas na talata, pero ang buod ay nasa dalawang salita. Mahal Kita.
0
Apr 4, 2023
Apr 4, 2023 at 8:13 AM UTC
Mahal Kita
Bahagyang pumanaw na ang uhaw Sa mga bagay na nakakatunaw Sa mga bagay na tuluyang umaagaw Sa mga panahong tila naliligaw Dumating na yata ang hangganan At humarap na ng tuluyan Sa laban na laging iniiwasan Ng waring musmos na isipan Ngunit magtutungo ng mag isa Sa lugar na aking hinuhulma Sa bawat hakbang hindi lumilinga At sa harap ang tuon ng mga mata Sana'y huli na nga Sawa nang mag pa ika-ika Pagod nang tumingala At paulit-ulit na magsalita
0
Dec 23, 2022
Dec 23, 2022 at 7:19 AM UTC
Dalawampu at Siyam
Saan ka nga ba tumatakas Sa anyo bang mapangahas Na katangiang ipinamalas Ng isang nag pupumiglas? Tumahimik ka riyan! Eto ang ating kaharian Mariing pinahihintulutan Tumakas ng lubusan Bantayan ang mga salita! Baka nakikinig ang bata Nag pulong upang ipakita Ang alam nating tama! Hoy! Ikaw na nananahimik Tila wala ka laging imik Nakukuha **** mag hilik Kahit ang hahat ay natitinik Ano ang iyong nginangawa Wala akong ginagawa Masaya lang akong natutuwa Ano ang aking magagawa? Mga maginoo kumusta? Hindi na po ako bata Nais ko na pong lumaya At subukang minsan ay madapa O kaytagal nyo akong itinago Iningatan sa pag papayo Sa mundo ay inilayo Sa takot na magpalalo Ngunit ako'y handa na Maari ko na bang bawiin ang luha? Na matagal nyong kinuha At ang pusong nangungulila?
0
Jul 26, 2022
Jul 26, 2022 at 1:51 PM UTC
Ako at Tayo
Waring bihag na nais makawala Sa gapos ng isang tanikala At kahit walang mga salita Ang tinig sa isip ay nagwawala Ganap mo akong pinapatay Unti-unti sa iyong mga kamay Sa tuwing ako'y nasasanay Sa aking ngiting hindi naman tunay Marahil isa akong magaling na artista Ikaw ang derektor sa pelikula Ibibihis ang nais **** maskara At ang puso ko ang iyong obra maestra Hahayaan na lamang na ako ay hiramin Waring manikang lalaruin At kung magsawa na sa akin Maaari mo na ba akong palayain? -JGA
0
Sep 29, 2021
Sep 29, 2021 at 6:07 PM UTC
Manika
We use to glide With nothing to hide The smile we have On a waltz we dance May music won't end Eternal dance to spend We tried to hold And grip with hope But hope turned cold My grip you no longer hold The waltz changed its tone And now I dance alone
0
Oct 7, 2020
Oct 7, 2020 at 6:10 AM UTC
ABANDONED DANCE
Yayakapin ka nang mahigpit Pinagkainan mo'y ako ang magliligpit Tititigan ko pa rin ang mga mata mo Kahit na malabo na ang paningin ko rito Iintindihin kita sa pagiging makakalimutin mo Habang ipapaalala ko ang pagmamahal sa iyo Madali na rin siguro ako makalimot Ngunit pag-ibig ko sayo'y hindi ipagdadamot Marahil puti na ang ating mga buhok Matatamis na pagkain bawal na tayong makalunok Uugod-ugod, kulubot ang balat Ikaw pa rin ang aking prinsesa hangga’t ako’y nakadidilat
0
Oct 4, 2020
Oct 4, 2020 at 12:55 PM UTC
Sa Ating Pag Tanda
Dumating na naman ang mga alon Dala ang ala-ala ng kahapon Sa pag-ahon, mangangako Hindi na ulit magpapalunod Ngunit tinatawag ng tubig Hindi mapigilan ang pagbalik Sisisirin ang pinaka malalim Pangalan mo’y muling hahanapin
0
Aug 8, 2020
Aug 8, 2020 at 4:04 AM UTC
Alon
Hanggang kailan ako magiging ganito? gabi-gabi na lang tawag ko ang pangalan mo Kung pwede ka lang maibalik nitong mga luha ko Noon pa siguro’y nagawa ko na at ikaw ay nasa piling ko na’t ako ngayo’y yakap mo. Gabi-gabi na lang, nasa isip kita gabi-gabi ring dasal na panaginip kita dinig mo ba ang mga iyak ko at aking mga sana? “Isang beses man lang sana tayo ay nagkasama”. Ano kayang pakiramdam mahawakan ang kamay mo? Sa tuwa kaya ay mapatalon ako? Mga pisngi ko ba’y mamumula o manginginig ang katawan ko? Naranasan ko man lang sanang sa tabi mo’y minsang maupo. Sa takdang panahon kaya’y makita rin kita? Ang oras ba natin ay sa wakas magtagpo na? Isang beses man lang sana masabi kong mahal kita Isang beses man lang sana... Isang beses man lang sana ....
0
Jul 19, 2020
Jul 19, 2020 at 3:12 AM UTC
Yin at Yang
I'll forever yearn seeing the view Thoughts of kisses between me and you Never to part and never to break View of images my mind has made
0
May 22, 2020
May 22, 2020 at 4:25 AM UTC
View of You
I've found the right words I've felt the right emotions I've shown you that I care I've whispered many times ... I LOVE YOU You've said the right words You've felt the same emotions You've shown the care I need You've whispered many times ... YOU LOVE ME MORE We both already felt We both already care There's more I longed than whispering words ... BUT NO ONE SHOULD EVER KNOW, NO ONE SHOULD EVER LEARN ... TILL THEN MY LOVE, HEAR MY WHISPER HOW MUCH I LOVE YOU
0
Nov 27, 2019
Nov 27, 2019 at 1:30 AM UTC
WHISPER
Sa isang patak, Ito ay bubuhay; Sa isang dagat, Ito'y pumapatay. Mamutawi man ang takot Sa bawat pag-agos, Mamumutawi naman ang saya Sa bawat pagbuhos. O kay gandang pagmasdan Mula sa pampang. Ngunit sa taglay nitong lalim, Mananatiling mangmang. Sa bawat pagbuhos ng ulan, Sa pagbukas ng gripo, Magbuhat man ng sakit o sustansya, Mananatiling tubig ito.
0
Jun 3, 2019
Jun 3, 2019 at 6:57 AM UTC
TUBIG
"Nakalimutan ko na ba?" Yun ang pangamba Nakalimot na nga ba? Sino ka? Saan ka pupunta? Ilang araw din Ilang oras sa madilim Sa malabo Sa magulo Tuloy, nakalimot nga yata ako? Matagal na panahon Ang nilaan Sa paghahanap Nang kung saan Nang kung sino San nga ba tayo tutungo? Pagtapos ng lahat Ng isang mahabang panaginip Ang mga mata’y muling nakasilip Naalala ko na ulit Nakalimutan ko lang saglit Pero nagbabalik na muli ..ako
0
May 3, 2019
May 3, 2019 at 2:30 AM UTC
Sa Wakas
Pagkatapos ng takipsilim Bumabalot ang dilim Ilang oras maninimdim Ang gabi ay lalalim. Nag aantay sa iyong pag dating Naiinip, kung minsan pa'y napapailing Matagal na ring humihiling Katotohana'y gusto ka nang makapiling. Nakasilip na ang haring araw Hindi pa naman ako bumibitaw Habang sa mga pangako mo'y ako'y nakadungaw 'Andito pa rin ako, hindi gumagalaw. Wari ko nga'y ako'y maghihintay Sa pagibig **** walang humpay Pusong ginawa nang alay Sa pagibig **** nakamamatay Narito pa rin ako, hindi makagalaw wari'y napako na sa pangako **** nakakasilaw.
0
Mar 3, 2019
Mar 3, 2019 at 8:10 AM UTC
takipmata