Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Ang tema sa tulang ito ay nagsisimula sa ikaw at ako Para saan pa ang memorya nating dalawa kung kakalimutan din naman kita Para saan pa ang libong lakad kung hindi naman ikaw ang kasama Para saan pa ang kantang ginawa kung ang tugtog kong ikaw ay wala Para saan pa ang letrang isinulat kung pangalan mo'y di maibigkas Sa tatlong daang animnapu't limang araw na nakilala ka, asan ka na? Para tayong pares ng tsinelas, isang sukat, isang kulay Pero para saan pa kung kapares ko'y di ko na makita Magagamit pa ba? Para saan pa ang isinulat kung ang tema nito ay wala na? Sa bawat letra sa tula ay ilang beses akong nagmakaawa Sana bumalik ka Pero ang tanging sagot ay Para saan pa? (Ngayon ang tema sa tulang ito ay di tungkol satin o sayo kundi sa nag iisang ako.)
0
Nov 21, 2018
Nov 21, 2018 at 2:39 AM UTC
Para Saan Pa

silentserenade
Written by
Nov 21, 2018
Nov 21, 2018 at 2:39 AM UTC
Request permission to use this poem