Marami sa iilan ay isinuko ang sandata at armas
Hinubad ang baluti at nagsidampot ng palaspas
Nainip sa wakas at naghintay ng panibagong magliligtas
Ang iba'y nagtungo at naligaw sa ibat-ibang landas
At habang ang mga itoy walang kalaban-laban
Ang kalaban ay pupusang naghahanda
Ang kanilang hukbo sa bawat nayon ay dumaragsa
At sa dilim at lihim ang digmaan ay matagal nang nagsimula!
Sa bawat araw ang iba'y pinanghihinaan na ng loob
Tumatangis sa hirap at bigat ng dalahing pagsubok
Sa kamay ng kaaway namamatay ang bawat apoy
Hindi man makita ngunit maririnig ang bawat panaghoy!
Ngunit ang lahat ng ito'y nadaig na
Sa gitna ng gulo ang daan ay itinuwid na
Ang hari ng kalaban ay napaslang na!
Pulutin mo ang iyong sandata at sumunod ka!
Oct 27, 2025
Oct 27, 2025 at 1:47 PM UTC