Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#filipinopeoms
Marami sa iilan ay isinuko ang sandata at armas Hinubad ang baluti at nagsidampot ng palaspas Nainip sa wakas at naghintay ng panibagong magliligtas Ang iba'y nagtungo at naligaw sa ibat-ibang landas At habang ang mga itoy walang kalaban-laban Ang kalaban ay pupusang naghahanda Ang kanilang hukbo sa bawat nayon ay dumaragsa At sa dilim at lihim ang digmaan ay matagal nang nagsimula! Sa bawat araw ang iba'y pinanghihinaan na ng loob Tumatangis sa hirap at bigat ng dalahing pagsubok Sa kamay ng kaaway namamatay ang bawat apoy Hindi man makita ngunit maririnig ang bawat panaghoy! Ngunit ang lahat ng ito'y nadaig na Sa gitna ng gulo ang daan ay itinuwid na Ang hari ng kalaban ay napaslang na! Pulutin mo ang iyong sandata at sumunod ka!
0
Oct 27, 2025
Oct 27, 2025 at 1:47 PM UTC
Digmaan