Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsListsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsListsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Sa aki'y Paalala

by @jeraldene-dela-cruz

Isinulat ko ito hindi para mabasa mo Ito ay paalala sa sarili ko Kung anong meron tayo Na hanggang dito lamang ako Ipinagdarasal ko na sana ikaw na nga Ang sa akin ay nilikha at nakatadhana Hanggang sa pagtanda ay makakasama Kabiyak sa Hirap at ginhawa Ngunit sa kabilang banda Realidad ay sa aki'y bumabangga Ako ay kaibigan lang pala At hindi maaaring lumagpas sa linya Hindi ko alam kung bakit ikaw Ang sa atensiyon ko ay pumukaw Sa puso ko ay umagaw At sa buong pagkatao ko'y sumaklaw Sinusubukan kong sayo ay lumayo Ngunit Ako'y pinapangiti mo Mabigat na araw ko ay humahayo Araw ko'y muli mong kinumpleto At heto nanaman ako Gusto ko tayo pero mukhang malayo Imposibleng maging Ikaw at ako Iyong mga mata'y nasa kabilang dako Hanggang dito lamang at aking lilimitahan Upang Hindi masaktan Sa sampal ng katotohanan At magising na lamang kinabukasan Makita kang masaya at masigla At sa akin ay ibinabalita Ang natagpuang pagibig sa iba At makita kung gaano kayo kaligaya Wala na akong ibang hiling pa Na tunay na pagibig ay iyong makamit na Ating pagkakaibigan ay manatili sa tuwina Dahil ito lamang ang sa aki'y matitira
Request permission to use this poem
Written by
jeraldene-dela-cruz
For You?
Written by
jeraldene-dela-cruz
Published
Jun 7, 2018
Time
2m
Permission

Request to use this poem

Tell jeraldene-dela-cruz how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogSupportFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 [production] by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write