Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
080216 Ayoko sanang sagutin Pero gusto kitang marinig. Naiinis ako Pagkat nilalampaso ang puso ko. Pagkat wala lang sayo, Pero heto ako't tila iniibig ka pa rin. "Hello" Sa tagal ng panaho'y Ngayon lamang ulit. Natatameme ako pagkat walang masambit. Tangan ko ang matatamis na alaala, Subalit dumadampi ang sakit Tumatagos higit pa sa damdamin, Ang iyong walang paalam na paglisan. Yung boses **** tila walang emosyon, At doon tumigil ang tibok ng puso. Hindi ko alam ba't hinahayaan ka Ba't ako'y tila umaasang Baka may pangalawang pagkakataon pa. Alam ko namang iba na ngayon, Walang malalim na dahilan. Wala kang dahilan Bagkus puso ko'y tila naghihintay. Nagtataka ako sa mga tanong mo Nagtataka ako sa pag-uusisa mo. Natatakot akong mahulog sayo, Pagkat alam ko kung gaanong sakit na ang natamo At sa ngayo'y hindi ko na ata kakayanin pang muli.
0
Aug 2, 2016
Aug 2, 2016 at 9:36 AM UTC
Call

Nasasaktan ako kasi mahal kita. Nasasaktan ako kasi totoo ang nadarama. Walang halong biro, pagkat ako'y sigurado. Sana makaya ko pagkat nakaya Niya para sakin. Alam kong mah dahilan Siya kung bakit. Kahit sobrang sakit ng ganito. Kahit mahal kita pero nasasaktan pa rin. Lahat ay ilalatag ko sa Maykapal. Ganun na lamang.
psalmiseta
Written by
33/F/Dubai
Aug 2, 2016
Aug 2, 2016 at 9:36 AM UTC
Request permission to use this poem