Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy poemsNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy poemsNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Have You Ever Love Some Body (Spoken Word PoetryPiece)

In tagalog… Nagmahal ka na ng ilang katawan? Sa lipunang ating ginagalawan  naranasan mo na bang matitigan  na para kang hinuhubaran?  Naranasan mo na bang maging barya?  Na gagamitin kang panukli  sa mga kasalanan nila.  Masarap pa bang mabuhay sa labas,  kung ang tingin sayo ay  labasan ng sarap ng loob.  Nagmahal ka na ba ng ilang katawan? na ang tingin mo lang sa kanya  ay panandaliang pulutan.  na kapag nabulatlat mo na't lahat   ay pssst waiter isa pa ngang ganyan,   ung malaman para  kumukulo kong kalamnan.   ung makinis,   masarap titigan,   ung masarap hawakan, nagsuot lang ng maikli  ay pinasok mo na agad  sa makitid mong utak,  napakabilis ng kamay mo,  sing bilis ng kabayo.  Nagmahal ka na bang ilang katawan?  dahil lang sa ika'y tigang  dahil lang sa hindi mo mapigilang maglibang.  Naputokan ka na ba?  ng mga sumasabog na alispusta?  dahil lang sa nagsuot ka ng maganda,  pokpok ka na?  Lumaki ako na ang tingin sa ari ng babae  ay parang laro sa perya,  iyong may itatapon kang matalim  para ang lobo'y pasabogin kung ilan ang naputok mong lobo  ay yun din ang estado mo,  syempre mas marami  mas malaki ang premyo.  Tinuruan ako ng lipunan  na tratohin silang parang salamin,  alagaan at mahalin,  pero pag sawa ka na't nauumay ay babasagin, na kapag ginawa mo ito  ay isa ka ng ganap na lalake.  Na para mapitas mo ang mansanas ni eba  ay dapat magbalat kayo ka.  ahas ika nga,  magbabalat ang katawan  para sa iba naman.  para makarami naman.  Na kapag napaikot mo na't  sumangayon na sayo  ay dahan dahan mong ipasok  ang pagkalalake mo. Ito ay para humingi ng tawag I  sa mga babaeng nagawan ko ng masama.  Sa lipunang ating kinatatayoan,  sa lipunang ating unti unting binubuo  para sa darating pang henerasyon  Magmamahal ka pa ba ilang katawan? Hanggang ngayon  maski ang ating lipunan  ay hindi alam depinisyonwas one  ng pagiging lalake.  Pero siguro panahon na  para tanongin natin ang ating sarili Kung tama pa ba ang ginagawa natin?  ito ba ang gusto nating gayahin ng mga susunod sa atin?
Request permission to use this poem
Written by
raquezha
31 / M / Iriga City
Published
May 21, 2018
Lines·Words
79·345
Permission

Request to use this poem

Tell raquezha how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write