Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#120815 Siya ngang may pakpak, walang laya Siya ngang boses ang umaga, walang hininga. "Pisi Mo'y walang tugon, Sinumpang lupai'y may butil ng biyaya -- Pukpukin Mo ang pakong may anay na kalawang, Pagkat Balangkas Mo pa lang, Ako'y napayuyukod na. Ako'y marupok kaya't nasilo Mo -- Na-silong Sa'yong pag-ibig." "Aking paglisa'y pansamantala lamang, Ako'y magbabalik sa panibagong araw, Babalikan kita, Huni mo'y siyang sigaw sa balintawak, Ika'y patotoo sa Aking pagbabalik Kaya't humayong may sigla."
0
Dec 9, 2015
Dec 9, 2015 at 7:41 AM UTC
Fowl's Speech

psalmiseta
Written by
33/F/Dubai
Dec 9, 2015
Dec 9, 2015 at 7:41 AM UTC
Request permission to use this poem