Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
ito ang siyang giit ng hangin. ano mang tindig ng puno ay kayang baluktutin ng hampas ng latigo nito. binabalinguyngoy na ang mga bato sa lalim ng dilim. ito ang siyang giit ng buwan. ano mang sagisag ng dilim ay kaya nitong burahin. hayaan lamang ang pag-bagsak nito sa hubad na imahe ng lahat ng bagay na lasing sa katahimikan. bumubukadkad nanaman ang bulaklak ng pag-iisa. ito ang giit ng pag-ibig. ano mang saplot ang suot ng pag-tangis ay kaya nitong hubarin - hayaan nating bukas ang mga bintana, at damhin ang lahat, abot-tanaw at papalapit ng papalapit, tulad ng hangin, tulad ng buwan, tulad ng pag-iisa.
0
Sep 18, 2015
Sep 18, 2015 at 11:27 AM UTC
Papalapit ng papalapit

windsor-i-guadalupe-jr
Written by
Sep 18, 2015
Sep 18, 2015 at 11:27 AM UTC
Request permission to use this poem