Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy poemsNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy poemsNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Tanda Mo Pa Ba?

Tandang-tanda ko pa kung paano tayo nagsimula Tandang-tanda ko pa kung paano tayo nagkakakila Sa una’y wala tayong pakialam sa isa’t-isa Pero dumating din tayo sa puntong magkausap sa telepono mula gabi hanggang umaga Tandang-tanda ko pa kung paano mo ako pinakilig ng iyong mga salita Kung paano mo ako pinakilig sa bawat tingin mo sa aking mga mata Akala ko sa libro at pelikula lang nangyayari ang ganoong mga eksena Ngunit mali pala, pati sa totoong buhay nadadama pala Tanda mo pa ba kung paano natin gamitin ang oras Ang oras na tila limitado ay kailan man ‘di natin hindi inabuso Kahit pa may pagsusulit sa klase kinabukasan Pinipili natin na magusap at maglakad hanggang tayo ay pagsabihan Tanda mo pa ba kung paano mo ako niyakap habang ako’y humahalaklak Kung paano mo rin ako niyakap noong ako naman ay umiiyak Tanda mo pa ba kung paano mo sabihin na mahal mo ako ‘Di pa ‘ko naniwala dahil aminado ka na ikaw ay sadyang mapagbiro Tanda mo pa ba kung paano natin iniwan muna saglit ang barkada Para lang sabay tayong bumili ng fishball o monay doon sa may kanto ng kalsada Kay tagal nating naglalakad para lang dayain at mapahaba ang oras ng pagsasama Pagbalik nama’y iilang piraso lamang ng fishball at monay ang dala Tanda mo pa ba noong tayo’y magkasama sa gabi at naglalakad Kamay mo ay nakakapit sa aking baywang sa pag-aalalang baka ako’y mawala Kahit pa maglakad sa umaga, kamay mo ay nasa aking likod Kahit saan mo man ilagay, tila lagi mong sinasabi ay “Lakad ka lang, andito ako.” Tanda mo pa ba noon kapag may miting ng sabado sa eskuwela Lagi tayong pumapasok ng mas maaga, isang oras bago ang natatakda Ngunit hindi sa eskuwela ang punta kundi sa parke nang makapaglaro saglit Tapos pagbalik sa eskuwela ay tayo na lang pala ang wala sa silid, dahil nahuli pa rin. Tanda mo pa ba noong tayong dalawa ang nag-representa Tayong dal’wa ang lumahok para sa titulo at karangalan ng eskwela At nang manalo’y lahat nagalak at sinabi na Tayo muli ang lalalok para sa susunod na laban sa makalawa Nakilala tayo sa ating galing, pati na rin sa kilig na ating inihatid. Kaya naman pag sa kompetisyon, tayo ay naghigpit. Ang dating magkasama sa lahat at magkakampi, Ngayo’y biglang naging magkatunggali. Tayo ngayon ay kinumpara sa ibang magkasintahan Bakit raw sila pagdating sa grado sa eskwela ay okey naman? Bakit raw sila ay parang walang pakialam sa kung anong kalalabasan Ngunit tayo ay tila naguunahan Kanya-kanyang labanan, kanya-kanyang istratehiya Kanya-kanyang napalanuhan, kanya-kanyang talunan Nagsarili at ‘di na namansin pa Para bagang dalawang taong ‘di magkakilala Nabalot ng yabang ang ating mga isip Ngunit ang puso nati’y nanatiling tahimik Hindi umimik kahit isang saglit Kaya naman isip lang ang namalagi’t naghari Tanda mo pa ba kung paano tayo noon? Tanda mo pa ba kung ano ang meron? O nakalimutan mo na kung ano ang mga sinabi mo sa akin noong okey pa? Dahil ‘di ka sumagot noong sinabi kong, “patawad” at inamin ko ring mahal kita. Unang beses kong sinabi sa iyo ang mga salitang iyon. Unang beses sa buong pagsasama natin ng isang taon. Ngunit nang binanggit ko hindi ka man lang tumungo Kundi pinabayaan mong katahimikan ang mag-ingay para sa’yo. Natatandaan mo na ba pagkatapos ang lahat ng aking pagpapa-alala? Natatandaan mo na ba kung paano sumibol at nawala Ang pagsasamang puno ng pangako at pag-asa Natatandaan mo na ba? Kung sakali man na talagang nalimutan mo na, Pasensya sa ingay kong ito kasi ako hindi pa. Hindi ko malimutan sapagkat sariwa pa. Sariwa pa lahat ang pangyayari kahapon na dahilan kung ba’t may luha ngayon sa’king mata Kung talagang nalimutan mo na, Lahat ng ginawa natin, malungkot man o masaya, Utang na loob, pwede ba ako’y turuan mo sana Kung paano limutin ang lahat ng alaala. Kahit na hindi na matago ang sugat na nameklat na, Peklat na kahit Sebo de Macho ay hindi kaya, Basta mabura lang alaalang nagdulot ng sugat na peklat na Okey na sa akin iyon, okey na. Okey na, oo. Kasi ‘di naman talaga peklat ang dahilan Ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ako ay lumuluha Eh ano naman kung may peklat ako di ba? Wala pa rin naman kasing papantay sa sakit na nadarama Sakit na muntik na akong malagutan ng hininga ‘Di ako nagbibiro sapagkat sa bawat pag-iyak at pag-singhot ko Naninikip ang aking dibdib, nagdidilim ang aking paningin Hindi ako makahinga Tanda mo pa ba, noong tayo’y muling nag-usap Tila ba gusto ko muling magpakilala Akala ko kasi isang pag-uusap para muling makapagsimula Yun pala, usapang pangwakas na. At doon na huminto lahat ng masasakit na mga alaala. Ngunit hindi huminto ang paghihinagpis ko bawa’t gabi, kada umaga. Kaya naman hinihingi ko ang tulong mo kung ‘di mo na naaalala Dahil kailangan kong malimutan ang lahat ng tanda ko pa.
Request permission to use this poem
f
Written by
formysanitynow
22 / Cisgender Female
Published
Sep 26, 2015
Lines·Words
116·818
Tags
#love#pain#tears#filipino
Permission

Request to use this poem

Tell formysanitynow how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write