Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Hawak ko ang tintang bilang ang kulay Pero di pa ganoon kabihasa, Di gaya Mo. Posibleng maiguhit ko ang langit Pero paiba-iba ang istilo nito Nagbabagong bihis ang ulap Pagkat hinihihipan siya ng hangin. Kukuha ako ng litrato Para lamang makuha ang detalyadong anyo At saka ko titingnang muli Unang tingin, pangalawa, pangatlo Ako'y nabibighani. Maaaring magaya ko ang mukha Pero pag ako'y titingala't sisilip Hindi rin pala magtatagpo sa iginuhit. Itatapon ko ang lahat Maging mga mamahaling kagamitan Pagkat hindi abot-langit Itong istilong tila pangmakasarili Hindi pasado sa panlasa **** Panglangit din ang batayan. Ako'y bilib Sayo Pagkat sa pagsuyod ng panaho'y Hindi Mo nauulit ang larawan ng langit Panibago araw-araw, Mula ulo hanggang paa nito. Walang kupas, walang katulad Gaya Mo, Eksperto sa Larangan ng Sining. Ako'y mapaluluhod, sasayad sa lupa Ihahain ang palad Hanggang sa kalyo na ang mga ito Pagkat ginagamit Mo na, Gamit na gamit Mo. Hindi Ka napapagod sa paghalo ng kulay May lungkot at saya ang timpla Pahiwatig mo'y ganyan ang buhay, Pabagu-bago ang, Ikaw lang hindi. At markado Mo ang araw, Saulado Mo ang lahat, Pagkat Ikaw ang Tagalikha Oo, Ikaw, Ama. Gusto kong magmana Sayo, Sa guhit **** hindi ko makuha-kuha, Sa istilo **** walang katulad, Pagkat iba ang Iyong paningin, Iba ang pag kumilos ang Iyong mga kamay, Lahat kayang hulmahin, lahat kayang baguhin. At ako'y isang hanging bula, Maglalaho't liliparin ng bukas, Bagkus ang bukas ay habambuhay Sayo, Salamat sa matamis na kahapon, ngayon at bukas.
0
Oct 9, 2015
Oct 9, 2015 at 8:28 PM UTC
Pamana ng Ama

psalmiseta
Written by
33/F/Dubai
Oct 9, 2015
Oct 9, 2015 at 8:28 PM UTC
Request permission to use this poem