Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Sa pagdaan ng araw, nadaragdagan Mga katanungan sa aking isipan Ngunit paano ko nga ba sisimulan Saan matatagpuan ang kasagutan Tama ba na akin pang abuting pilit Pangarap na noo'y ninais makamit Kung katumbas nito ay hirap at sakit Idagdag pa ang mga pangmamaliit Minsan naisip ko, ano ba ang saysay? Bakit patuloy pa tayong nabubuhay? Nagtitiis sa mundong puno ng lumbay Kung sa huli tayo rin ay mamamatay Marahil ay alam ko naman ang sagot Dito sa tanong ko na paikot-ikot Ako ay sadya lamang na natatakot Na lahat ay magiging isang bangungot
0
Nov 20, 2019
Nov 20, 2019 at 6:27 PM UTC
Buhay

cookiemonster15
Written by
29/Philippines
Nov 20, 2019
Nov 20, 2019 at 6:27 PM UTC
Request permission to use this poem