Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Sa pagtatapos ng isang kabanata Malungkot na isasara ang huling pahina Mag-iisip sa sandaling pagpapahinga At magbubukas ng panibagong pahina Hindi na mababago pa ang mga mali Sa mga nagdaang pahinang naitahi Ngunit sa bawat aral na sukli Isusulat ang bagay na nagwagi Minimithi'y maisulat ko nawa Sa panibaong aklat na ginagawa Sa aklat na mayroong pahina Tatlong daan at animnapu't lima Ngunit hindi ako ang nagtatakda ng aking daliri May mga bagay na di alinsunod sa aking wari Ngunit pakiusap hangga't maari Ang iyong layunin nasa Langit ang maghari
0
Jan 3, 2023
Jan 3, 2023 at 6:56 PM UTC
Aklat

pusang-tahimik
Written by
31/M/Quezon City, Philippines
Jan 3, 2023
Jan 3, 2023 at 6:56 PM UTC
Request permission to use this poem