Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#110615 Umaapaw ang pag-ibig na alay sayo, Kinaligtaan mo, kaya nasayang nang bigla. Pag iniisip ka, hindi maiwasang hindi maisapuso Ganoon katotoo ang pag-ibig. Iniisip ko, minsan, bomba lang ako nang bomba, Wala namang sumasahod, Wala ka naman at di ka nakatanghod. Posible bang iniwan lang nang saglit At saka babalikan? Paano kung hindi? Hindi ba't nasayang na lang? Natuto akong irespeto ang panahon, Pagkat ang oras ay bilang At may takdang panahon, Hindi lang natin alam, Basta't ako'y iigib muli.
0
Nov 19, 2015
Nov 19, 2015 at 5:58 AM UTC
Timbang Pag-ibig

May nakita akong timba, umaapaw. Para kasing pag-ibig.
psalmiseta
Written by
33/F/Dubai
Nov 19, 2015
Nov 19, 2015 at 5:58 AM UTC
Request permission to use this poem