Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Minsan nang naging utal Ang dilang Pait lang ang nalalasap At isang kalansay Sa malamig na sansinukob. Dumi ng iba’y Singkong duling Heto ako’t Isang krikitiko Sa mapanglait kong titig. Minsan nang Naging kasapi Ng pagluray sa bayan matatas ang pananalita Tangan ko pala ang madla. Saksi ako Pati silang kapwang Panay bulag Lahat sila Minsan ding nanibugho Sa taglay kong kagalingan. Ibinandera ang sarili Sa mga lapastangang dayuhan Ngayo’y sila na Ang yumuyurak Ang pumapalakpak Sa pagsalipadpad Ng mga letrang Ibig isuka’t ilabas. Mapusyaw ang kulay Ng aking pagbubunyi Pagkat bibig nila’y Kandadong mga Walang susi Walang kusang palo Talusira sa katotohanan. (11/29/13 @xirlleelang)
0
May 27, 2014
May 27, 2014 at 10:16 PM UTC
Mga Kandadong Walang Susi

psalmiseta
Written by
33/F/Dubai
May 27, 2014
May 27, 2014 at 10:16 PM UTC
Request permission to use this poem