Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
이반 47s
IDK
Utak ko'y nagugulumihan,
sapagkat ngayon lamang nasaksihan,
ang ganitong pakiramdam.

'Di ko mawari kung tama pa ba,
O, dapat na bang iwasan
Para di na lumalim pa.

Ngunit, ako ba ay magiging masaya,
Kung ikukulong nalang sa hangin
ang bugso na kakaiba.

— The End —