nadarama'y pagmamahalan
kahit na nahihirapan
gusto nang kalimutan
ayaw naman ng isipan
nadudurog na ang puso
pilit pa ring binubuo
pagmamahal na totoo
ngunit sa iyo ay biro
nagawa man ay mali
ngunit ikaw ang paborito kong mali
nais mang magwakas
kung ang pag-ibig naman ay wagas
gaya ng ibon dapat na ba kita palayain?
kahit na gusto pa rin kita yakapin
sana dito sa piling ko
maisipan mo muling dumapo
kahit kabigatan ang kapalit
sa pagkawala ng damdaming ipinilit
nilalamon man ng kalungkutan
malulunod din sa kasiyahan