Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Feb 2020 · 377
SAYA
Faye Feb 2020
Nagsimula sa isang kwentuhan
Hanggang umabot sa biruan
Nakangiti, nakatawa na parang walang problema
Lumulutang sa ulap na may saya.

Minsan sa pag-uwi magkasabay
Nakaalalay at hawak hawak ang aking kamay
Ang iyong labi na ma pula-pula
Ang mga matang kumikinang sa akin ay nakatingin pa.

Dumating ang gabi ikaw ang iniisip
"Kamusta na siya?" yan ang nasa isip
Agad-agad kinuha ang telepono
Tinawagan na walang alinlangan ang maginoo.

Hindi namalayan umabot na ng umaga
Mga kwentuhang napakasarap sa tenga
Mga halakhakan at tawanan nating dalawa
Basta't kausap ka, walang lungkot na madarama.❤️
Feb 2020 · 357
ORAS
Faye Feb 2020
Nagsimula sa isang hapunan
Hanggang umabot sa masarap na kwentuhan
Hindi namalayan ang oras
Hatinggabi na't tuloy parin ang tawanan.

Pagkikita ay nadugtungan
Muli ay nagkayayaan
Kain dito, gala doon
Ikaw at ako magkasamang nagbibiruan.

Kasama ka sa pag-uwi
Kasabay ng musika paulit ulit naririnig
Hindi namalayan ang oras
Makasama ka lg walang lungkot sa labi.

Labis ang lungkot sa iyong pag-alis
Mga boses at ngiti **** nakakasabik
Mga matang mapungay at labing mapula
Sa isip ko ay laging nakapinta.

Pero mahal, ako'y nasasaktan
Nasasaktan sa maling pagmamahalan
Pagmamahalan sa maling panahon
Panahon na sinusubok ng pagkakataon.

Sa iyong pag-alis ika'y may hiling
Ika'y huwag kalimutan at ang mga alaala natin
Natulala at hindi na alam ang ibibigkas
Pero pangako mahal, ako'y andito lang hanggang wakas.
Feb 2020 · 4.6k
PANGAKO
Faye Feb 2020
Andito na naman ako
Magsusulat na naman para matandaan
Mga pangako na minsan mo binitawan
Nagtatampo at nasasaktan
Nasaan ka? Bakit hindi kita maramdaman?

Natatandaan mo pa ba yung pangako mo?
Pangako mo na mananatili ka sa tabi ko?
Sinabi ko sayo na aalis na ako
Na ayoko na at sumuko na tayo
Pero nanatili parin sa piling ng pareho.

Mahal, alam natin saan tayo lulugar pareho
Kung hanggang saan lang ang meron "tayo"
Pero ang pangako mo na hindi mo ako pababayaan nasaan?
Naglaho na ba at tuluyang nakalimutan?
Nakalimutan o hindi mo mapanindigan?

Hindi mapakali't nanghihinayang
Mga binitawang salita at nararamdaman
Pilit binubura lahat ng ugnayan
Ugnayan na nabuo sa pag-iibigan
Hanggang umabot sa desisyon na wakasan.

Mga pangako natin sa isa't isa
Napako at nawala na
Tila ba kay bilis lang uli mapag-isa
Yung sakit na hindi ko maramdaman noon
Ay unti unti ng yumayakap sa akin ngayon.

Mahal, salamat sa masasayang araw natin
Mga araw na nabuo ng masarap na salita sa atin
Larawan mo na hindi makakalimutan
Haplos at yakap mo na hindi mapantayan
At sa mga pangako na iyong binitawan.

Salamat sa masasayang kwento
Na itatago ko hanggang dulo
Salamat dahil naging parte ka ng buhay ko
Masayang alaala ng babaunin ko
Ito na ang dulo na kayang tanggapin ng puso ko.
Feb 2020 · 10.0k
PAALAM
Faye Feb 2020
Madilim, kagaya ng pusong may lihim
Umiiyak, nasasaktan, natatakot aminin
Kailangan ba talaga maramdaman ito?
Ayoko na at napapagod na ako.

Magmumukmok sa isang tabi
Na parang hindi mapakali
Uupo, tatayo, tatakbo
Hindi alam kung saan patungo.

Isip ay lumulutang, puso'y nag aalab
Hindi na alam kung anu ang bibigkasin
Sumisigaw, sumasaklolo
Hindi na alam kung ano ang gagawin.

Tama na, pakiusap
Ako ay mananahimik na
Kaya ko tahakin ang dilim mag isa
Huwag ka lang magparamdam pa.

Paalam at ako ay lilisan na
Paalam at ika'y iiwan na
Paalam mahal hanggang sa muli
Paalam, kahit mahal na mahal kita.
Feb 2020 · 1.5k
TUKSO
Faye Feb 2020
Sa mundong maraming tukso
Handa na ba ang puso mo para dito?
Mga kalokohan na nauwi sa tuksuhan
Tuksuhan na nagkagusto sayo ng tuluyan.

Pinipigilan ang damdamin
Na tila ba lumalalim
Inuukit sa langit
Mukha **** mapang akit.

Haplos at yakap na naramdaman
Sa isip ay hindi makalimutan
Pag-iwas sa iyo ako'y nahihirapan
Mahal, kaya ba natin ito kalimutan?

Matang mapungay sa akin nakatitig
Mapulang labi mo'y nakakatuksong humalik
Buhok na kasing bango ng mga rosas
Boses **** parang anghel ang katumbas.

Mga braso mo kaysarap hagkan
Kamay mo na kaysarap hawakan
Mahigpit na yakap na sayo lang naramdaman
Nararamdaman na sana wala ng katapusan.

Pero tama na, mahal. Tama na 'to. Tigil na tayo
Burahin ang mga alaala na nabuo pareho
Kalimutan ang nararamdan at pangako
Sa mundong mapanghusga at puno ng tukso.

— The End —