Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Oct 2019 · 278
Tingin ang Magsasabi
Ezekiel Navea Oct 2019
Matatawag bang kausap?
Taong nasa iyong harap
Kapag isip ay sa ulap
Kahit na ano pang sikap
Bagamat sadyang mahirap
Kung salita'y hinahanap

Bibig man ay bumubuka
Pero agad nawawala
Sa mga tingin ng mata
Na nais lang na makita
Sasabihin na'y nakuha
Dahil sa kariktang dala

Pagka't hindi naman sanay
Sa pagbibigay ng kulay
Ng aking mumunting buhay
Ngunit laging nasisilay
Ang ngiting nananalaytay
Sa maliliit na bagay
Aug 2019 · 1.3k
Paghihintay
Ezekiel Navea Aug 2019
Kung ito ang kahulugan
Pag-ibig na matagalan
Pangako'y panghahawakan
Hanggang 'di na makalaban

Ang damdaming lumiliyag
Siya ang namamayagpag
Tila narra na matatag
'Di kailanman matitinag

Hawak-hawak pa ang relo
Kahit maging isang yelo
Hinding-hindi susuko
Sa iyo, itong puso ko

Mag-iba pa man ang mundo
Ako'y hindi magbabago
Sayang lamang kung hihinto
Itataga ko sa bato

Handang sayangin ang oras
Sa pag-ibig **** kay wagas
Panahon man ay lumipas
Ngunit ito'y 'di kukupas
Aug 2019 · 368
Huling Tula (?)
Ezekiel Navea Aug 2019
Sakaling ito na ang huli kong tula
Hahayaan na, mga luha'y tumila
Palalayain, namumugtong mata
Hanggang sa muli natin na pagkikita

Tuwing gabi'y nalulunod ang isipan
Mula sa karagatan ng kamalian
Kung mabubuting binhi ang tinamnan
Hindi na ganito, aking kapalaran

Mga lihim kong hindi pa nasasabi
Pansamantala munang isasantabi
Ang panahon na ang kusang maghahabi
Ako'y hindi na titiklop at tutupi

Kaytagal na ang puso'y mananahimik
Sa pag-usbong nalang ng araw papanhik
Bagamat patutunguhan ay matarik
Maghahanda na sa iyong pagbabalik

Sakali mang ito na ang huling tula
Huwag sanang lumungkot ang mata
Ulan ay hihintayin pa ring tumila
Para sa muli natin na pagkikita

— The End —