Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Oct 2017 · 1.4k
THE REAL SCRIPTWRITER
sobrang hinahangaan Kita dahil napakagaling **** gumawa ng mga istorya,
mga istoryang tila talo na pero sa huli ay naipanalo Mo pa.
sa una'y aping api ang bida
pero di nakakapagtaka na sa huli sila ay naging masaya
dahil pangako Mo na hindi kami mag-iisa.
Hindi kami magiisa dahil Ikaw ay kasama,
kasama sa hirap at ginhawa, sa lungkot at tuwa,
talikuran man kami ng madla Ikaw ay hindi mawawala.
Ikaw ang napako hindi ang Iyong mga pangako
kasalanan naming lahat ay Iyong inako
Iyong pagmamahal ay damang dama saan mang dako.
Daan mang tinatahak ay bako bako
Direksyon mang sinusunod ay liko liko
Walang sapat na rason para kami'y sumuko
Dahil pinaglaban mo kami at hindi isinuko.
Oct 2017 · 496
AKO
AKO
Ako. Ako yung palaging nandito pero sya yung hinahanap mo. Ako. Ako yung handang ibigay lahat,pero sa totoo lang  hanggang ngayon ikaw ay hindi mulat. Hindi mulat na ako ang nandirito at sya yung malayo sayo. Malayo sayo, ako! Kase inilalayo mo at sya ang hinahabol mo. Ako. Ako. Ako. Kelan mo hahanapin yung ako. Ako na totoong nagmamahal sayo
Apr 2017 · 2.2k
Untitled
Naaalala ko pa noong musmos pa tayo palagi tayong nagtatampisaw sa ulan,
naglalaro ng tagu-taguan at ng paborito kong bahay-bahayan kung saan palaging sambit ng iyong maliit na bibig na ikaw yung nanay at ako naman yung tatay.
Nakakatuwa kase sa tuwing hindi ako sumasangayon, umiiyak ka at sinasabing, "ayaw mo ba akong maging asawa?".
At eto naman akong tatawanan ka at sasabihin, "tahan na, mukha kang tanga, pumapangit ka."
Tandang tanda ko pa kung paanong binuo natin ang mga alaala,
kung paano ka ngumiti ng abot hanggang tenga kapag tayo ay magkasama,
naaalala ko pa, tandang tanda ko pa kung ano ang itsura ng inosente **** mukha...
to be continued
Oct 2016 · 5.0k
Ang Pagbabalik
Everything was out of control, kumbaga kung ihahalintulad sa daan ay lubak-lubak, kung itutulad sa isang kwento ay palpak at kumbaga parang isang ibon na walang pakpak. Umikot yung mga nagdaang araw sa mga bagay na inakala kong bubuo sakin, sa mga bagay na akala ko ay totoong kukumpleto sa akin, sa bagay na inakala kong tootong magpapasaya sakin. In short umikot yung sem na to sa akin. Inakala ko na sa pagtalikod ko ay makikita ko ang sagot, ngunit sa kasamaang palad para akong isang lubid na nalalagot. Patuloy na nilalagot ng mga poblema at mga unos na masalimoot. Mistulan akong isang tupang nawawala. Walang direksyon at sobrang naghahanap ng atensyon.  Yung mga tawang humahagalpak ay unti-unting nawawasak. Tumalikod ako sa Kanya kase sabi ko hananapin ko lang yung sarili ko, time, days, weeks passed by pero para bang hindi gusto ng tadhana na makita ko ang sarili ko, hindi gusto ng tadhana na makita ko ang hinahanap ko kaya nagdesisyon ako na bumalik sa dating tinalikuran ko. Sa pagbabalik ko yung init nang yakap Nya ang unang sumalubong sakin, yung mga kataga Nyang sobrang nagpabalik ng mga ngiti na nawala sakin. Mga kataga Nyang nagsasabing “ Anak, mahal kita. Sagot kita, wag kang mangamba kase ako yung sagot sa yong mga problema” sa pagbabalik natagpuan ko mga sagot na kaytagal kong hinanap. Nasaksihan ko kung paanong naging patag ang lubak-lubak, kung paanong ang kumplikadoy naging payak, kung paanong lumipad ang ibong nawalan ng pakpak, kung paanong nagtagumpay ang dating palpak, kung paanong naging ngiti ang mga iyak, at lalong higit kung panoong nabuo ang dating wasak. Saksing saksi ko kung paanong ginantimpalaan ng Panginoon ang mga paghihirap ko. Kung paanong hinanap nya ang nawawala akong at tinanggal yung mga luha sa mga mata ko. Kahit na I turned my back to Him, never nya akong iniwan, sinukuan o kaya ay sinumbatan sa halip ay pinakita Nya kung paanong lumaban, kung paanong manindigan. Sobrang sapat na sapat na yung alam **** kahit na pumalpak ka, tanggap ka Nya. Yung tipong kahit na lumayo ka hahanap hanapin ka Nya. Kase ikaw ay anak nya at ikaw ay mahal na mahal nya.
May 2016 · 1.5k
Tulungan Mo 'Ko
Tulungan mo kong makalimot sa pait na iyong idinulot.
Tulungan mo kong makabangon sa sakit ng kahapon.
Tulungan mo kong turuan ang sarili ko, turuan ang sarili ko na umibig muli ng ibang tao.
Tulungan mo kong maging masaya muli dahil lungkot sa mga mata koy hindi na maikubli.
Tulungan mo kong kalimutan ka, kalimutan ka ng sa ganon buhay koy lumigaya.
Tulungan mo ko at baka sakaling mapatawad ko ang tulad mo.

— The End —