Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
akda ni: Babelot

Maraming bagay na ang nangyari simula ng gabing yun.
Yung gabing di ko malilimutan, nagsimula sa simpleng usapan.
Nagkapalitan ng koro-koro,nagkaroon ng tawanan.
Hanggang di natin namalayan na inabot na tayo ng umagahan.

Ngayon ito na naman sila unti-unting bumabalik sa aking ala-ala.
Yung araw na una kang nakilala, yung unang larong ikaw ay nakasama
Ang unang tawag sa teleponong ating ginawa.
Ang unang tulang sayo ay nagpasaya.

Yung mga oras na ikaw ay nakasama, ang isa sa pinakamasaya.
Binigyan ng kulay ang buhay na napuno na ng lumbay.
Simula ng makilala ka kayganda ng bawat umaga.
Kaysarap matulog at umasa na lahat magiging ayos na.

Kaya heto na naman ako bumubuo ng isang imahinasyon.
Gumagawa ng kwento na puno ng ilusyon.
Ipipikit ko na lang ang aking mga mata.
Hahayaan dalhin ako sa kadiliman sinta.

Kung saan ikaw at ako ay may nahuhulma.
Kaysarap ng lugar na ito pagkat ikaw ay kasama.
Nandito ka saking tabi, masayang nakahiga sa kama.
Habang ika'y katabi lubos na saya ang nadarama.

Oo dito sa mundo ko, magkahawak ang ating kamay.
Habang sinasabi mo na sakin ay magiging kaagapay.
Nagbibigay enerhiya sakin ang yung mga sinasabi.
Mga problemang kinakaharap ay naisasantabi.

Habang sa mga mata mo ay nakatitig, di maiwasan ang kilig.
Di ko makayang tumitig sa mata **** makapangyarihan.
Dinadala ako sa dimensyon ikaw lang ang tanging naririnig.
Hinihipnotismo ng bawat titig mo ang aking puso at isipan.

Ngunit,

Habang lumalim ang ating koneksyon, ako ay nagising.
Nanumbalik sa realidad, ako ay biglang nalungkot.
Napapaisip sa imahinasyon na lang ba ang lahat.
Sayang, panaginip lang pala.Kaydali ko namang nagising.

Sinta kung sa imahinasyon na lang kita.
Salamat pa din at nagkaroon ng mukha ang babaing sinisinta.
Ang babaing hiniling ko sa MAYKAPAL.
Ang babaing sakin ay nagbalik ng pagmamahal.

Hayaan mo lang akong mahalin kita kahit sobrang sakit.
Hayaan mo lang kahit walang epekto aking pangungulit.
Kung ikaw lang naman ang SAGOT, sa bakit kaysarap umibig.
Aasa ako kahit patuloy na puso ay madurog sa iyong pag-ibig.

Dahil kahit sa dami rami ng rason para sumuko na.
Kahit gaano pa kadami ang dahilan para kalimutan ka.
Puso ay di makayang pigilan na gustuhin ka.
Isipan ay laging bumabalik sa dako na kasama ka.

Alam ng Diyos kung gaano kita kamahal, at ayaw kong mawala ka.
Pero di ko makayang ipaglaban at patunayan yun, kaysakit amining ako'y talo na.
Sana dumating yung araw na pwede na ang pag-ibig nating dalawa.
Ako ay patuloy na aasa sa istorya nating magkakatotoo pa.
Pilipinas anong nangyayari sa'yo?
Ang dating bayan ng matatalino.
Bakit, lahat ata ay nawala na sa huwistyo.
Ginagawang biro pandemyang ito.

Huwag po sana tayong ningas-kugon.
Noong una lamang magaling ang pagtugon.
Ngunit naging suwail at pabibo ng naglaon.
Sige lang, hanggang lahat na tayo nakabaon.

Hindi ninyo ba talaga alintana?
Ang sa ating lahat ay nagbabadya.
Kalabang di nakikita, sakunang nakadamba.
Walang malakas, walang mayaman lahat tayo ay biktima.

Hindi ba kayo naaawa sa mga bata at matatanda.
Idagdag nyo pa ang mga may sakit na madaling mahawa.
Maaaring ilan po sa kanila ay iyong kapamilya.
Tumahan ka po sa bahay para sa kanila.

Tulungan po natin ang ating lingkod bayan.
Mapa Sundalo, Doktor, nars o basurero pa yan.
Huwag nating dagdagan hirap na kanilang pinapasan.
Huwag na nating ilagay buhay nila sa kapahamakan.

Huwag na po nating antayin lumalim.
Hanggang masaksihan ang di kakayaning lagim.
Magdadala sa ating buhay at bansa sa takipsilim.
Pakiusap, tayong lahat ay magdasal ng taimtim.

Labanan po nating lahat ito, Kapwa ko Pilipino.
Iyan ang lahi ko at lahi mo.
Diba likas sa atin ang pagiging matatalino.
Ngayon natin patunayan ito.

Sumunod na po tayo sa Gobyerno.
Simpleng utos na kayang sundin ng kahit kanino.
Wag na pong lumabas ng bahay ninyo.
Kung di man lang importante ang rason nito.

Sumunod na po tayo, Please lang
Ang makukulit ay babarilin, BANG BANG
Para kang latang nasipa, TANG TANG
Andyan na ang sundo mo, **** ****

Siguro nga kailangan na ang Kamay na bakal.
Para ang mga suwail tuluyang masakal.
Ang rason ay masarap ang bawal.
Kaya pati buhay ng iba ay isusugal.

Huwag na nating pabayaan, Inang bayan.
Matatalo lamang itong kalaban.
Kung tayong lahat ay magtutulungan.
Bagkus na magturuan at magsisihan.

— The End —