Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jun 2016 · 3.0k
Prendzone
Anonymous Rae Jun 2016
"pasensya na, pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo."
hay, alam ko ng mangyayari 'to.
napangiti nalang at napailing,
ewan ko siguro nasanay na rin.

Nasanay na akong ipagpalit at kalimutan
na parang almusal sa umaga na kailangang ipagpaliban,
dahil huli ka na sa klase at alam **** ito'y mas importante
palaging mas may importante

Pero papano naman ako?

Papaano naman ang mga oras at luhang winaldas ko
para magkaparte o masingit man lang sa puso mo
Oo. Alam kong hindi ako perpekto,
pero hindi ba talaga ako karapat dapat sayo?

Sobrang imposible ba ng tayo?*

Lahat ng sikreto at baho mo, niyakap ko
Mahal, lahat lahat yun tinanggap ko dahil parte 'yon ng pagkatao mo.
Basta, tandaan mo nalang na patuloy ko parin 'yong yayakapin,
Kahit na alam kong hindi ako ang pipiliin.

At alam kong sinabi kong sanay na ako sa ganto,
pero hanggang dito nalang ba talaga yung kapalaran ko?
Kasi sa totoo lang nakakasawa maging kaibigan lang,
Parang ang ang lumalabas kasi

*"wag kang lalapit, pero diyan ka lang."
Awtsu prendzone
Jun 2016 · 11.5k
Ligaw
Anonymous Rae Jun 2016
Nakita ko ang sarili kong naglalakad sa pasilyo ng kawalan at makaraa'y sinisid ang karagatan ng katanungan, nasaan ako? hinanap ko ang  kasagutan, mapa o daan sa bawat ingay na binibigkas ng mga tao sa paligid ko. At kahit nasanay na'y natigilan ako, pero kasi hindi pwede 'to.

Nabuo ko na naman ang pangalan mo.

pasensya na pero sa tuwing ako'y nawawala sa landas o nararamdaman kong lumalayo ako binibigkas ko ito sa pag asang ibabalik ako nito sa kaharian na gawa sa mga ngiti at tawa mo na mag-isa kong binuo o simpleng papunta lang sa tabi mo.

Naliligaw ako, hindi ko alam kung saan pupunta o kung may paroroonan man lang ba, pero patuloy akong maglalaboy at tatakbo sa realidad na gusto na kita, tatakbo sa nararamdaman pero lilingon paminsan minsan dahil umaasa ako, kahit walang kasiguraduhan, hinahanap mo rin ako dala ang isang lampara. Umaasa ako na ikaw nga ang mapa, ibubulong ko sa hangin ang mga salita kasabay ng isang malalim na buntunghininga.

*"Asan ka na?"
I tried, thank you hello poetry :)

— The End —