Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sep 2017 · 1.3k
Sa Simula
Bianca Sep 2017
Ang
Lahat
Masaya
Sa simula
Sa Bibliya man
O pagsasamahan
Sa simpleng kasiyahan
O magdamagang inuman
Lahat yan masaya hanggang sa
Matikman mo ang pait at hapdi
Na darating lamang sa'yo sa huli
Hayan na. Parating na ang pagsisisi.
Lahat ng nagsisimula ay nagtatapos

(uy, tignan niyo yung pagpapantig)
Sep 2017 · 729
Pabilisang Mabilisan
Bianca Sep 2017
Mabilis ko 'tong isusulat
Mabilis ko ring tatapusin
Hindi ko na pag-iisipan
Wala na kong gustong sabihin
Basta gusto ko na lang 'tong tapusin
Joke lang
Eto pa

Isang tula
Isang salita
Tapos na ba?
Ah basta

Mauuna akong matapos sa iyo
Ayokong mahuli
Hindi ako ang magiging kawawa
Ikaw ang iiwan ko
At ako ang nawala sa'yo
O diba ang bilis ko

Hawak
Awit
Indak
Patak
O, diba

Patapos na ko
Susulat na ko ng isa pa
Ikaw nandiyan pa
Ako ang panalo
Sa karerang ito

Wala bang sense?
Di na importante yun
Basta tapos na ko sa'yo
At may sisimulan na kong bago
I wrote this under 2 mins just to see what I can come up with. Read it fast na rin para mas feel
Sep 2017 · 825
Laban ng Isang Tulad Ko
Bianca Sep 2017
Inaabang-abangan ko ang yakap mo
Ngunit nakakapit pa siya sa iyo
At itanggi mo man, alam na alam ko
Na siya pa rin ang s'yang pipiliin mo
Dahil anong laban ng isang tulad ko
Sa tulad niyang minsan nang minahal mo?
Emotional 'no? I'm pretty sure I was just talking about my doggo HAHAHAHA

A poem from 10-20-2014
Sep 2017 · 800
Daplis
Bianca Sep 2017
Para bang natangnan ko na rin ang langit,
Nang ating mga kamay ay nagkadikit.
Ga'no ba kalaki ang mga kamay mo,
At nahawakan mo ang buong mundo ko?
A poem from 10-20-2014
I remember who I made this for
Aug 2017 · 388
Jeep
Bianca Aug 2017
Sa jeepney, mahirap sumabit
Nakakangalay, nakakangawit
Pero mas mahirap naman siguro
Kung ipagsisiksikan mo
Ang sarili mo
Sa isang lugar
Na wala namang puwang
Para sa iyo
A poem from 10-20-2014
Aug 2017 · 1.5k
Pambura
Bianca Aug 2017
Ang paborito kong bahagi ng lapis
Ay yung namumula-mulang pambura

Tunay na ang panulat ay higit na mahalaga,
Ngunit naisip mo bang kailangan mo rin ng pambura?

Sa mga panahong medyo bobo,
Sa mga panahong sumugal ka sa hindi sigurado

Tuwing may pagkakamali kang nais palitan,
Tuwing gusto **** ibalik ang nakaraan

Sa mga oras na ginusto **** umatras,
At ginusto **** umatras ang oras

Nariyan siya
Nagaabang

May kakaibang ligaya
Sa una ninyong pagkikita

Nakaupo siya sa ginintuan niyang trono.
Walang dungis, walang uka.

May kakaiba ring lungkot
Sa una **** paggamit sa kanya.

Ang dating makinis at silindro niyang hugis
Ay nasira na dulot ng iyong munting pagkakamali.

Mangangako ka na ito na ang una
At huling beses na gagawin mo ito sa kanya.

Dahil gusto mo siyang laging nakikitang maganda.
Nangako ka. Nangako ka

Pero imbes na iwasan
Ay tila lagi pang dumalas

Ang dali kasing maging mali
Lalo na kung kaya pang itama

Kaya't kinaladkad mo siya
Mula kanan hanggang kaliwa, at pabalik-balik pa

Ni hindi mo na pinansin
Ang itim na luha niyang tumutulo sa iyong papel

Mga himulmol ng luhang tinutulak mo palayo
Dahil nakakasagabal sa mga ginagawa mo

Napakadaling maging mali
Basta't nariyan siya

Ibibigay niya ang kanyang buong pagkatao
Maipakita lang sa kanila na tama ka

Pero darating rin ang araw
Na mauubos siya

Darating ang araw
Na mawawala na siya

Mapapatingin ka sa ibabaw ng iyong lapis
At doon mo lamang mapapansin

Ang namumula-mulang pambura
Ay wala na

Hindi. Hindi siya umalis.
Pero inubos mo ang lahat ng mayroon siya/
Nag-drawing kasi ako
Aug 2017 · 263
Ginoo ng Isang Puno #1
Bianca Aug 2017
Lingid man sa inyong kaalaman,
Isa siyang tunay na “gentleman.”
Yaong
Uunahin ang iba kaysa kanya.
At
Nariyan para samahan at sunduin ka
For the boys in my block
Aug 2017 · 318
Ginoo ng Isang Puno #2
Bianca Aug 2017
Ang lalaking bihirang makita ngunit
Ramdam ang kanyang presensiya lalo na noong lumabas sa ADMU
Crushes ang pangalan niya.
Hiling naming makasama ka sa tuwina.
Ilang araw ka mang hindi makita,
Eh… ok lang. Mamahalin ka pa rin namin
For the boys in my block
Aug 2017 · 201
Ginoo ng Isang Puno #3
Bianca Aug 2017
Rayuhin mang manahimik ay di makikinig
Eksaherado ang ingay
Ngunit gayun din ang sayang dala. Mahirap isipan ang
Z, kaya’t magpapasalamat na lang ako sa mga
Oras na ikaw lang ang nakakausap ko
For the boys in my block
Aug 2017 · 232
Ginoo ng Isang Puno #4
Bianca Aug 2017
Jusko, wala nang mas misteryoso pa sa taong ‘to. Sinlakas ng
Oyayi ang boses niya
Sagana siya sa “memes” at kung anu-anong  patawa, ngunit iisa ang
     aming
Hiling: ang marinig siyang kumanta
For the boys in my block
Aug 2017 · 200
Ginoo ng Isang Puno #5
Bianca Aug 2017
May angking talinghagang naninirahan sa kanyang
Isipan. Mag-ingat sa
Gayumang nakalakip
Sa bawat salitang kanyang binibigkas
For the boys in my block
Aug 2017 · 225
Ginoo ng Isang Puno #6
Bianca Aug 2017
Cute, ngunit mag-ingat sa iyong maririnig sapagkat tiyak na
Humaling ang iyong aabutin
Oras na umalingawngaw ang malamig niyang tinig na
Yayapos at banayad na dadampi sa iyong damdamin
For the boys in my block
Aug 2017 · 197
Ginoo ng Isang Puno #7
Bianca Aug 2017
Just so you know,
Oro ang bawat oras na kasama ka
Ewan ko ba, pero tila wala nang mas iinit pa sa
Yakap mo
For the boys in my block
Aug 2017 · 290
Ginoo ng Isang Puno #8
Bianca Aug 2017
Karimlan ay di matanaw sa tuwing ikaw
Ang kasama
Rumaragasa ang
Ligaya sa tuwing nariyan ka
For the boys in my block
Aug 2017 · 3.1k
Salamin
Bianca Aug 2017
Noon pa man mahilig na ako sa salamin
Hindi yung salamin na makikita ko ang sarili ko (kasi selfish yun)
Kundi yung salamin na nakaupo sa harap ng mga mata mo
Mga matang nanliliit tuwing napapangiti kita
Mga matang halos di ko matignan dahil sa liwanag nilang dala
Mga mata na noong kinindatan mo ako ay wala akong magawa
KASI NGA...
Crush kita

Minsan na akong nagsalamin pero
Hindi dahil mahina ang paningin ko.
Akala ko kasi gaganda ako
Pero hindi
Wala ring masyadong nagawa ang mga iyon.
Ang tanging luminaw lang sa akin
Ay ang katotohanang
Wala nang pag-asa
Ang mukhang ito

Sabi mo nahihirapan kang makakita
kapag masyadong malayo ang isang bagay
Kaya lumapit ako
Lumapit ako
Lumapit ako
At napalapit ako sa'yo
Tuwang-tuwa ako
Kaya't nasabi ko
"Siguro ngayon, makikita mo na ako"

Kasi noon pa man, ikaw lang ang nakikita ko
Literal
Sino bang bumibili ng pan de sal
Ng alas-sais ng gabi para gawing almusal
Bukas?
Ikaw
Sino ba ang nahuhuli kong umuuwi
Ng hatinggabi
Dahil galing sa walwal?
Ikaw
Sino ba ang pumupunta sa basketball court
Para sumayaw?
Ikaw
Ikaw
Ikaw
Ikaw ang nagturo sa akin
Na kaya ko palang mag-mahal

Na hindi ko kailangan ng salamin para gumanda
Kasi, oo, mayroon akong pag-asa
Na hindi ko kailangan ng salamin
Kasi malinaw na naman sa akin
Na gusto mo rin ako
Oo, alam kong selfish yun
Pero hindi pa kasi ako nakaramdam ng ganito.
Ngayon ko lang naranasan
Na may lumingon
Sa mga panahon
Na lagi akong tinatalikuran

Ipagpaumanhin mo
Kung akala kong minahal mo ako
Namalik-mata lang siguro ako
Nangyari lang kasi na noong nanlalabo sa luha ang mga mata ko
Kamay mo ang banayad na humaplos sa aking pisngi
At pinawi lahat ng lungkot na kumapit sa puso ko,
Tulad ng pagpunas mo sa iyong salamin
Tuwing mababalot ito ng hamog

Patawarin mo ako kung minahal kita
Pero highit pa doon,
Patawarin mo ko kasi sinabi ko pa sa'yo na mahal kita
Nabuhay ka na lang sana ng mapayapa
Kasama ang iyong kaibigan
Pero hindi kasi iyon ang naging tingin ko sa'yo
Ilang beses ko kinusot-kusot ang mga mata ko
Pero walang nagbago
Hindi kaibigan ang tingin ko sa'yo
Hindi kaibigan ang tingin ko sa'yo
Hindi kaibigan ang tingin ko sa'yo

Kung nasa tamang wisyo ako
Malamang ay magloloko na lang ako.
Sisigaw ng "Joke lang po"
"Hindi naman kayo mabiro"
Kayang-kaya kong magsinungaling ng ganito
Pero may ginawa kasi akong pangako
Na kailanman
Walang kasinungalingang lalabas sa mga tula ko

Bukas, magpapatingin na rin ako
Parang nanlalabo na kasi ang mata ko.
Mukhang kailangan ko nang kumuha ng salamin
Para malinawan na akong
Hindi ka na babalik sa akin
Halos lahat ng crush ko gwapo kapag nakasalamin pero sa pagkakataong ito, ikaw ang tinutukoy ko, MJL

Di bale na kung hindi maganda
Basta kailangan kong ilabas 'to sa sistema ko
Aug 2017 · 262
Lumayo Ka Sa Akin
Bianca Aug 2017
Paano ako lalayo
Kung sa ngiti mo pa lang
Ay di na ako makatayo?
A poem from 08-28-2014
Aug 2017 · 663
Pero
Bianca Aug 2017
Iyan ang dakilang panira
"Maganda ka pero..."
"Magaling ka pero..."
"Pwede na pero..."
"Tama ka pero..."
"Mahal kita pero..."
STOP! Tama na
Huwag mo nang ituloy

Mahalin mo na lang ako
Sabihin **** tama ang naging desisyon ko
Na pwede pa kitang kausapin
Kasi yan lang ang alam kong gawin
Alam kong diyan ako magaling
Ngunit ipinagpalit mo ako
Sa babaeng mas maganda
Kaysa sa akin
Today, I realized that nothing good comes after "pero" or "but"
Aug 2017 · 1.2k
Pagbabago
Bianca Aug 2017
Pumuti man ang uwak,
Umitim man ang tagak,
Tumigas man ang bulak,
Tumabang man ang alak,
Bali-baliktarin man ang mundo,
Gumuho man ang building na 'to,
Matuto mang mag-meow ang aso,
Mga tula ma'y mawala na sa uso,
Kahit napalitan mo na ako,
At iba na ang makatabi ko,
Walang makakapag-bago,
At mananatili itong totoo:
Minahal kita
Apr 2016 · 1.1k
Takbo (Reply)
Bianca Apr 2016
Tama na
Magpahinga
Hindi siya lilingon
Hindi ka makikita
Bakit di pansinin
Itong aninong iyo lamang nakikita
sa gilid ng iyong mata
Apr 2016 · 858
Takbo
Bianca Apr 2016
Pagod
Hapung-hapo
Pero sige
Tatakbo
Para kahit papaano
Mapalapit naman
sa iyo
Apr 2016 · 9.3k
Ano ang Malayang Tula?
Bianca Apr 2016
Ang pag-ibig ko sa iyo
Ay parang isang malayang tula
Ito'y walang sukat
at ikaw lamang ang tugma

— The End —