Noong bata pa ako
Gustung-gusto ko kapag malamig
Iyong tipong hindi ko na kailangan ng electric fan
At hindi rin ako pinagpapawisan
Pero noon 'yon
Nang wala pa akong ibang depenisyon ng lamig
Nang hindi ko pa alam kung ano ba ang pakiramdam kapag may nanlalamig
Akala ko kasi dati ang taong malamig lang ay iyong patay
Akala ko kasi dati ang lamig ay dulot lang ng malakas na hangin, paparating na bagyo o kaya ng amihan
Akala ko kasi dati hindi darating sa punto kung saan unti-unti ka nang magpapaalam
Unti-unti mo na ako iiwan
unti - unti mo na akong kinalimutan
bakit? bakit kung kelan na magiging pamilya na tayo
bakit kung kelan maroon ng laman ang sinapupunan ko
bakit kung kelan may tatawag na sayong "ama ko"
bakit mo kami binitawan at pinabayaan ng anak mo
Malamig
Hindi dahil sa amihan o sa kung ako pa man
Maayos ang panahon ngunit bakit ganoon
Dati naman kapag malamig ay kuntento ang tulog ko
Ngunit simula ng manlamig ka
Nakakatulog ako matapos ang pagbuhos ng mainit na likidong nanggagaling sa mga mata
Simula nang manlamig ka hindi ko na alam kung ano ba ang kaibahan mo sa yelo
Simula nang manlamig ka hindi ko na alam ang gagawin ko
Hindi ako sanay ng ganito
Sanay ako sa mainit **** yakap
Sanay ako sa mainit **** pagtanggap
Pero sa lamig ng iyong tono'y naninibago ako
Bakit ka nagbago?
Ikaw pa ba iyan?
O ang katauhan mo'y in-abduct na ng mga yelo
Pero hindi ko matanggap
Na sa pagbitaw mo sa aking mga yakap
Sa hindi mo pagpaparamdam
Sa hindi mo pagpansin
May iba akong nalaman
Kaya pala
Kapag pala nanlamig na
May nagpapainit na palang iba
Its a spoken poetry that I wrote and about an early pregnancy