Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Oct 2018 · 589
Rupok
Isang araw maririnig mo malambot Kong tinig.
Kalambutang nagpatigas sa iyong pusong pumapantig.
Pusong noon ay natutong umibig.
Natuto subalit nasaktan sa pagkabig.
  
Masilayan ka lamang ay labis na ang kasiyahan.
Makausap lang saglit umaapaw na ang kaligayahan.
Ang katawan ay nalantang bahagya nang maramdaman.
Mainit **** haplos sa hubad na katotohanan.
  
Subalit ikaw ay lumisan sa aking tabi.
Iba na ang dumadama ng matamis **** mga labi.
Sa pagmulat sa umaga Hindi ko na masabi.
"Mahal kita, Mahal kita" pagkat di ka na katabi.
  
Isang araw ako ay magigising at muling babangon.
Subalit di na para sa iyo sa limot ika'y ibinaon.
Ako ay tatayo upang harapin ang bagong hamon.
Sa kaluluwang lupaypay sa alaala ng kahapon.
  
Sa iyong pagbagsak ako ay aangat.
Sa iyong pagligwak ako ay masisiyasat.
Iyong hahanapin pag-ibig na nilapat.
Subalit pagtingin mo ay Hindi na sapat.
  
Kalambutan Kong nagpatigas sa iyong puso.
Di batid ang umibig subalit natuto.
Iyo mang sinaktan ang isang tulad ko.
Isang araw maririnig mo malambot na tinig ko.
Oct 2018 · 12.5k
Kristal
O, ang daang aking tinahak ay unti-unting kumikitid,
Ang daluyan ng hangin sa paghinga ay sumisikip.
Ang paningin ay nahati sa dalawang lagusan,
Isang madilim na madali, isang mahirap na naliliwanagan.
Ano ang pipiliin? Ano ang susundin?
Ang bulong ng isip? O ang tibok ng damdamin?
  
Ang landas na inakalang magdadala sa tagumpay,
Lulan ng isang bangkang inaalon sa karimlan.
Tinahak ang karagatan ng apoy na nagliliyab,
Nagsaya, nagpakasasa, nagsilbing ulap sa kawalan.
Ang daang binalewala ay bumubulong ng salita,
"Bumalik ka, pumarito ka, tutulungan kita".
Pilit na sumisiksik sa masikip na lagayan,
Ang katotohanang wala kang paroroonan.
  
Ikaw na ninais ang siyang iginapos,
Ng aking katauhan sa pusong naghihikahos.
Sa pagdama ng kasiyahang ikaw lamang ang magbibigay,
Aking tinalikuran pag-asang hinihintay.
Ang lahat ay tinalikuran, itinapon sa kawalan,
Upang makapiling ka sa matatamasang kaligayahan.
Subalit matapos ang gabi ng panaginip,
Ako ay nagising ang kasuota'y lagunit.
Ang lalamunan ay wasak, ang mata ay mapula,
Sa aking paglabas, kinatatakutan nila.  
  
Sa aking paglalakad sa mundong umiikot,
Mga mata'y nagsasabi na ako ay nakalimot.
Nang mapadpad ako sa kuwadradong silid,
Ay nanlaki, nagulat, sa sarili nakatitig.
"Sino ka?" "Sino siya?"Aking pagsusumigaw,
Nilisan ng katinuan, ang kaluluwa'y inagaw.
Nagpatiluhod at doon ay nagnilay,
Ako'y patay na, sinayang ang aking buhay.
  
Isang katauhan ang nababalot sa liwanag,
Nagsasabing " Bumalik ka, pumarito ka, tutulungan kita".
Ang nakaabang ang kamay ako ay hinihintay,
Bago pa man mahawakan ay isang dilim ang bumalot,
Sa likod ng aking isipan, sa harap ko ay may inabot.
Supot na naglalaman ng buhanging Kristal,
Kristal na nagpapasaya at wawasak ng ligaya.
  
Kukunin ba kita at titikmang muli?
Itatapon ba kita at sa liwanag kakapit?
Ano ang gagawin ng isipang sabog,
Sa sayang dulot sa pagkain ng durog?
Oct 2018 · 646
Ikinubling Kasinungalingan
Ang sabi mo mahal mo ko,
Sambit ng iyong mga labi.
Ipinakita **** lahat ay totoo,
Subalit lahat pala ay Mali.
Mahal, o mahal ko,
Bakit iyong nagawa?
Gamitin salitang "Mahal kita"
Upang ang puso ko'y mahiwa?
  
Ngayon ang lahat ay nagbago,
Hindi maintindihan.
Ikaw ay nilisan ng puso,
Ikaw ay iniwan.
Subalit mayroon nga bang kapatawaran,
Isang taong panloloko na sa akin ay tinuran?
  
Sa pagmulat sa umaga Hindi ka na kausap,
Bago matulog sa gabi, Hindi ka na napupuyat.
Laging bukambibig ang nag-iisang pangarap,
Pangarap na nawala, nawasak na lahat.

Huwag mo sana muling bigkasin,
Salitang "Mahal kita" sa akin.
Sapagkat ang isip ay sarado na,
Sayo'y Hindi na magtitiwala.
Oct 2018 · 1.5k
Kulungan
Ang binuo nating samahan
Mga pasimple kong tawa sa banat **** linyahan
Ang titig **** Hindi ko maipaliwanag
Lahat iyan ay aking iingatan

Hindi na nagpapansinan
Wala na rin ang matamis na titigan
Huwag kang Mag alala, ikaw ay tumahan
Ang mga iyan ay hindi ko pahihintulutan

Hindi ko hahayaang ang makinang **** mga Mata
Ay mapalitan ng pagtinging naiilang
Sa oras na marinig mo na ikaw ang nilalaman
Mga titik na bumubuo ng iyong pangalan

Hindi kailanman mangyayari
Na sa iyo ay aking masabi
Ikaw ang nais makatabi
Ikaw lang ang sambit ng mga labi

Hindi ko alam Kung kailan nagsimula
Bakit ikaw na ang hanap ng mga mata?
Nagpapanggap sa sarili, Hindi ikaw Hindi ikaw
Paano mangyayaring sa kapit mo'y di bibitaw?  

Tuksuhan dito,  tuksuhan doon
Tila ba sang-ayon sa atin ang panahon
Isang araw sa aki'y may nagtanong
"Paano Kung kayo sa dulo ?" paano nga kung umabot tayo doon?

Naisasala ng imahinasyon
Pinapangarap subalit di lubos maisip
Umabot tayo sa bangin ng limitasyon
Mayakap ka,  hanggang dito na lamang ba sa panaginip?

— The End —