Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
485 · Jul 2019
Sa katabi ko kanina
Minsan pang kita'y inalo
sa dusa mo't kalbaryo
"tumakas kaya tayo..
dito.. dito..  sa magulong mundo" Sabi mo.
(at tumakas ka nga.. patungong karimlan)

Hinahayaan ang mga paa'y humakbang..
na sundan yaong mga iniwang bakas
nitong mga aninong nagpumiglas
At nilamon na tayo ng kawalan.
(at hindi.. hindi ito ang alapaap)


Ngunit gigising parin tayo..sa reyalidad..
sa buhay.. at sa tunay na anyo ng mundo
"Hindi ba dapat ikaw mismo ang magbago nito,
na sa halip ay ikaw ang binago ng mundo?"
453 · Jul 2019
Kung Iibig Si Pythagoras
Ni Omar Valdezamo-Tolosa

Sa indak ng singkil na iyong pagsinta
Gaslaw-galaw sa hampas **** mosala
Wari’y talastas sa aking pandama
At  sumabay sa saliw ng Octavina
  
Tumpong mo ay lira sa aking diwa
Sa ihip mo’y sumaksi ang bathala
Tila Oyayi O kaya’y Diona
Na bahagi tayo ng Morpolohiya!

— The End —