Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
1.0k · Feb 2019
Kung ang Sagot ay Tanong Din
Tinkerbel Feb 2019
Hindi lahat tayo, may dugong maharlika.
Hindi lahat tayo, iisa ang sinasamba.
Hindi lahat tayo, nais nang pantay na pag-asa.
Hindi lahat tayo, malinis at inosente tulad ng isang maya.

Batid kong alam mo, kung saan ka pupunta.
Batid kong alam mo, kung mayroon ka pang pag-asa.
Batid kong alam mo, kung sino ang nararapat sa kanila.
Si Juan, Si Pedro ba? O ang mapanlilang na si Luna?

Bagay na alam mo, pero nagbubulag-bulagan.
Mga maling turo, gawaing kinakalawang.
Kahit na may boses, nagdadalawang isip lumaban.
"Maririnig ba ako?", yan ang laging tanong mo kaibigan.

Mahirap nang sabihin, di pa kayang panindigan.
Mga bakal na kamay at piring na ginto sa karamihan.
Madalang na may tumayo, at isigaw ang prinsipyo ni Juan.
Hanggang dito na lang ba? Ang laban natin kaibigan.
194 · Feb 2019
Untitled
Tinkerbel Feb 2019
Dating tayo

Hindi na siya tulad ng dati,
Hindi na siya madaling maloko,
Hindi na siya kinikilig sa sulyap mo,
Hindi na din siya tumatanaw sa mukha mo.

Hindi na nya sinusubukang kausapin ka,
Hindi na nya kinakanta ang paborito **** musika,
Hindi na nya binabasa ang dating sulat nyo sa isat-isa.
Hindi na, hindi na, hindi na.

Masakit pala yung salitang "hindi na",
Depende sa nakakakita,
Depende sa nakakaramdam,
At depende sa umaasa.

— The End —