Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Umulan man o Umaraw ikaw lang ang laging kaagapay.at sabay natin  tahakin ang landas patungo sa mga nakakabatu-balaning tanawin.Mapa dalampasigan man o kabundukan na ni minsan d pa natin nasisilayan.

KaSabay sa pag andar ng makina ang makita kang masaya.
Humawak lang sakin para masigurong ligtas ka.

Sa isang pitik ng kamera sabay ng mga ngiti **** manghang-mangha sa mga nakikita,
At ang masigurong natutuwa at naaaliw ka ay labis na rin sa akin ay nagpapasaya.
Nature Lover
Rides
Bonding
Labis nating inaalintana ang ating kinabukasan.
Natutulero sa pweding kalabasan,nang mga kilos na hindi pinag-iisipan.
Masyadong padalos-dalos sa ating mga hakbang.
Nababagabag, nauubos ang oras at panahon sa kakaisip ng ating kahihinatnan.

Nang hindi namamalayan,na ang Halaga ng Kasalukuyan ay atin ng nakakalimutan.
Sa pagnanais na makarating agad sa bukas,ang Ngayon ay hindi na napapahalagahan.

Kung hindi na alam ang nangyayare sa takbo ng ating buhay,Huwag kalimutan na anjan ang Maykapal.Laging gumagabay at nagbibigay ng tamang daan.
Manalig at magdasal at tayo'y Kanyang Papakingan.
Struggle
Worries
Just Pray
Sa pagnanais kong mapasaya ka kahit ikalulungkot ng puso ko sinasakripisyo ko na,makita lang kitang masaya.Kahit ang  rason ng tawa't halakhak mo ay sa iba na.
Ninais kong malibang ka pero d mo namamalayan napapalayo kana.
Minsan ni tapunan ako kahit sulyap hindi na magawa.
Sa sobrang pagkalibang mo ni hindi mo na namamalayan na ako pala ay nasa tabi mo.
May pagkakataon na kaylangan ko pang kalabitin ka para malaman ****,ay andito pala ako.
Pain
may mag araw na hindi ko maiwasan mag isip at malumbay.
mag isip na baka mapagod ka na at ako ay hindi na   hintayin.
malumbay at sa iba ay humanap ng kalinga.
na baka sa tagal ang puso't isip mo ay mahulog sa iba.
bakit hindi ko maiwasan ang takot ay maramdaman?
kahit madalas mo namang iparamdam na ako sayo ay mahalaga.
kalooba'y nababagabag sapagkat sayong tabi hindi ako ang katabi.
nakakapanlumo mag isip ng mag isip,na baka isang umaga hindi na ako ang nais makatabi.
hindi na ako ang nais makausap
hindi na ako ang nais makakulitan
hindi na boses ko ang nais naririnig
hindi na mensahi ko ang inaabangan,
langyan pag-ibig yan bakit sa taong nag mamahal laging may agam-agam.
Hindi ko maipapangako na yung sakit na nararamdaman mo ay mabura ko.

Pero maipapangako ko na nandito lang ako nakahawak sa kamay mo,maghihintay at aalalay sayo.

Hangang sa yung sakit na nararamdaman at sugat sa damdamin mo ay tuluyan ng maghilom dyan sa puso mo.
AKO
Nakakapagod din pala maging ako.
Nakakapagod din pala maging ok araw-araw kahit minsan ang bigat-bigat na.

Nakakapagod din palang ipakitang kaya mo kahit ang totoo nanghihina ka na.

Nakakapagod din palang ikaw lagi ang nagbibigay kahit walang wala kana.

Nakakapagod din pala salohin lahat kahit alam **** pag ikaw ang bumagsak walang kusang sasalo sayo.

Nakakapagod din pala iparamdam yung pagmamahal  kahit alam **** d ito nasusuklian ng sapat.

At higit sa lahat Nakakapagod din pala ang mapagod na hindi mo alam kung san o kanino ka magpapahinga!
Yung Tipong alam mo na yung Katotohanan pero mas pinaniniwalaan mo parin yung kasinungalingan.

Yung tipong nakikita na ng yung mga mata,mas pinipili mo parin mag bulagbulagan.

Yung tipong naririnig na ng dalawa **** tenga,mas ninanais mo parin mag bingibingihan.

Yung tipong hindi ka naman manhid pero mas pinipili mo parin papaniwalain ang sarili mo sa mga bagay na puro pagpapangap lang!

Ito yung tinatawag na Katangahan na tipong may pagpipilian ka naman pero mas ninanais mo parin ang magpakamarter at magpakahangal.
Next page