Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Princesa Ligera Nov 2019
Nakilala kita at pinasaya moko.
Ikaw ang naging liwanag, sa buhay kong malungkot at nakakaloko.
Nagtyaga para mapasayo,
At oo nakuha mo ako.
Naging masaya tayo,
Pero unti-unting may nagbabago.
Akala ko'y hanggang sa huli ay tayo,
Pero hindi nagtagal pag-ibig mo'y naglaho.
Pinag-isa ang pag-ibig natin sa buhay kong to,
Ikaw rin pala ang ikalulungkot ko.
Princesa Ligera Nov 2019
Matutulala nalang,
At mapapaisip.
Handa ba ko para sa pag-ibig na to?
Kailangan kong maging
matapang para sayo.
Ngunit ayokong masaktan ng husto,
Pagkat itong puso ko'y iniingat ingatan ko.
Pero susugal ako para sayo,
Kase nga mahal kita, ano bang magagawa ko.
Princesa Ligera Nov 2019
Masaya pa tayo noon diba?
Masaya tayong magkakasama.
Nagsumpaan na walang iwanan,
Ngunit sa huli ako'y inyong iniwan.
Okay naman tayo dati kahit magkalayo tayo,
Pero oras nyo na nga lang hinihingi ko,
Di nyo pa mabigay ng husto.
Naghanap ng mga bago,
Pero di sila kagaya nyo.
Walang maipalit sainyo,
Pagkat kayo lang ang nakilalang totoo.
Naging malungkot buhay ko,
Kase wala na kayo.
Sana'y maisip nyo,
Ang nasayang na pagkakaibigan na to.
Kayo'y pinapatawad ko,
Pero asahan nyo ang aking pagbabago.
Princesa Ligera Nov 2019
Hindi na aasa,
Kase mukhang may bago na.
Hindi na mangungulit pa,
Kase nakuha ka na nya.
Wag kang mag alala,
Hindi na magchachat pa.
Ngunit mahirap kalimutan ka,
Pagkat minahal kita.
Ako naman kase talaga yung nauna,
Ewan ko lang kung bakit nung dumating sya,
Nagkaganyan ka na.
Walang 'TAYO' na nangyare dahil lang sakanya.
Hindi na mag-aalala pa,
Kase masaya ka na.
Malungkot man ako mahal ko,
Basta't masaya ka, okay na ako.
Princesa Ligera Nov 2019
Madaming luha,
Madaming luha ang nasayang dahil iniyakan ka.
Inibig ka pa rin,
Kahit alam kong may mahal kang iba.
Handang magpakatanga,
Ang isang tulad ko na mahal na mahal ka.
Pero salamat nga pala,
Don sa mga araw na ako'y iyong pinasaya.
Oo ikaw nga ang kasiyahan ko,
Ngunit ikaw rin ang kalungkutan ko.
Masakit kase mahal na mahal kita,
Pero wala lang yon sayo diba?
Bukas gigising nanaman ako,
Pero walang bago, ikaw parin ang gusto.

— The End —