Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sep 2020 · 582
Labing Limang Taon
Kalawakan Sep 2020
Hulyo, 2005.
Nag simula bilang taga masid,
Sa kadahilanan na ika'y mapang-ismid.
Pero puso ay di sumuko,
Lagi ang isipan sayo'y patungo.

Salamat sa iyong ngiti
Ni minsan ay di mo kinubli,
Kaya nga ika'y agad napansin
Naka bihag ng puso na di akalain.

Mukhang laging nakasimangot,
Nababalot ng lungkot.
Ngunit sa ngiting iniwan,
Naging isang magandang larawan.

Humarap sa salamin,
Handa na ba aminin?
Biglang natakot ang sarili
Alam na ika'y mapili.

Naging magulo ang isipan,
Na para bang masisiraan,
Pero sa sarili'y nagkaroon ng kasunduan
Na mananatiling magkaibigan.

Labing limang taong pag-ibig na tinago,
Kailan nga ba mabibiktima ni kupido?
Kinaya na mamuhay mag-isa,
Ngunit hindi nawawalan ng pag-asa.
Patuloy na mangangarap at mananaginip,
Na sa tamang oras ang tadhana ay sumilip.
Sep 2020 · 162
Ulan
Kalawakan Sep 2020
Sa lakas ng pagbuhos ng ulan,
Sabay ang pagbagsak ng mga luha.
Paano nga ba aayusin ang nararamdaman?
Tulong, sino ang nakakaalam?
Masakit na damdamin puno ng pait,
Tulad ng maitim na ulap sa langit.
Lungkot man ang nararamdaman,
Pagtapos ng ulan may liwanag sa kalangitan.
Pag ubos na ang luha papalitan ng ngiti,
Ngunit sana ito'y hindi pilit.
Sep 2020 · 159
Kuwarto
Kalawakan Sep 2020
Pumikit at humingang malalim,
Hindi alam kung ano ang iisipin.
Bigla tumulo ang mga luha,
Na hindi ko inakala.
Ang puso ko'y bumilis sa pagtibok,
Parang nakaramdam ng paglugmok.
Nagdarasal habang dahan-dahan sa pagpasok,
Sa isang madilim at may apat na sulok.
Ako'y napatigil ng ilang minuto,
At marahan na sinara ang pinto.
Ang mabilis na tibok ng puso parang ngayo'y hihinto,
Nadaramang sakit 'di maikubli sa loob nitong kuwarto.
Sep 2020 · 700
Liwanag
Kalawakan Sep 2020
Lahat tayo’y lubak na daan ang tinatahak,
Pagtupad ng pangarap sa buhay ang binabalak.
Maraming sakripisyo ang kailangan,
Upang maging maayos ang kinabukasan.

Karamihan sa atin ay sa Diyos kumakapit,
Dalanging bagong umaga’y sumapit,
Mabawasan ang mga nararamdamang sakit,
Kaya liwanag ng pag-asa ang nais makamit.

Pagdarasal ng mataimtim,
Ang sandata sa daang madilim.
Upang ang liwanag ay ika’y sikatan,
Maging gabay sa landas na walang kasiguraduhan.

Sa Diyos ay nagpapasalamat,
Para sa gabay na walang humpay.
Hiling na magkaroon ng lakas,
Sa pagharap sa  mga pagsubok sa buhay.
Sep 2020 · 103
Kalawakan ツ
Kalawakan Sep 2020
Ako nga pala si Kalawakan,
Naniniwala sa walang-hanggan.
Kung nais mo maliwanagan
Tungkol sa kasalukuyan,
Huwag mahiya na ako'y sabihan
Para iyong maunawaan. ツ

— The End —