Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Jul 2023 · 196
Gusto kita
Xeril Zapanta Jul 2023
Gusto kita makilala
At gusto mo rin ako makilala
Dahil sa kagustuhan natin, masyado tayo nasaktan

kailan nga ba tayo nagsimula?,
Paano nga ba kita na gustuhan?,
Sa nakaukit sa aking memora'y nahulog ako sa
napaka tamis **** mga ngiti,
Ang mga mapang-akit **** titig at
napaka lamig na boses na binubulong ng yong labi

Sa bawat sandaling kapiling kita
Tila buong mundo ko'y napakasaya
Dahil tanggap mo ang buong ako,
Walang bahid ng panghuhusga
Kaya sa buhay ko talagang mahalaga ka
Pero sa huli na nang malaman kong mas gugustuhin pa pala kita
#***
Sep 2019 · 295
Abortion
Xeril Zapanta Sep 2019
Mama wag mo’kong iwan
Gusto ko pang makita ang totoong mundo
At malaman ang katotohanan.

Mama wag mo’kong bitawan
Ang lahat ng ito ay hindi ko kasalanan.

Mama pahinging buhay
Gusto pa kita makita at mahaling tunay
Kalimutan mo na ang sakit at galit

Mama ako’y iyong mahalin
Gusto ko pong maranasan
Ang totoong pagmamahal.

Kaya pakiusap ako’y iyong palabasin
Hayaan mo’ko alagaan kita
At makasama habang buhay.

Pero kung hiling ko ay di kayang tuparin
Sana isipin mo munaang desisyon mo bago ito gawin
At sana isipin mo rin ang akong kinabukasan.
Sep 2019 · 1.7k
SANA
Xeril Zapanta Sep 2019
MOVING ON...Paano nga ba?
Marahil para sa iba mahirap mag move on ...
Para makalimutan ang mga masasayang ala- ala
Mga panahong maayos pa sana ang lahat
Na maraming "SANA" ang tumatakbo sa isip
Na SANA nandito ako para mahalin kita
Na SANA hindi na lang nangyari yon
Na SANA hindi nalang natapos o SANA hindi nalang nag umpisa.
Sep 2019 · 1.8k
//Dilim
Xeril Zapanta Sep 2019
Isang madilim na kalungkutan
bumabalot sa aking isipan na para bang may
Nagpapahiwatig na mawawala na ako sa mundong ito

Sa huling gabing sandali na aking nararamdaman
Nag-aagaw ang ilaw at dilim
Katahimika’y ang namamayani

Nakatayo sa gilid ng bangin
Isang hakbang patungo sa kamatayan
At nakatingin sa kalangitan

Sumilip ang pulang buwan sa kalangitan
Na hudyat ng kamatayan
At tuluyang bumukas na ang pintuan

— The End —