Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"yugto" poems
“Mahirap na daw turuan ng bagong laro ang matandang aso”, siguro nga totoo ito. Pero may mga bagay na nalalaman ang matandang aso na hindi alam ng mga kabataan ngayon. Alam ng matandang aso ang sagot sa maraming talinghaga at hiwaga na taglay ng buhay. Nakita n’ya ang mga paliwanag na nagbibigay ng liwanag; nakita n’ya ang mga katotohanan at kasinungalingan na nasa pagitan ng mga sulok-sulok ng buhay. Alam n’ya na hindi lahat ng kumikinang ay ginto, na hindi porke kalmada ang dagat ay wala nang darating na unos. Hindi ibig sabihin na kapag komokak ang palaka ay tag-ulan na. Alam n’ya na ang kamatayan ay hindi talaga kasawian kundi isang bagong yugto, isang bagong pagsisimula at isang bagong anyo ng buhay. Alam ng matandang aso ang pagkakaiba nang tunay na umiibig sa nalilibugan lang. kaya natatawa s’ya kapag nakikita ang mga kabataan na inaabuso ang salitang “pagibig”. Mahina na ang katawan ng matandang aso subalit nananatiling malakas ang kanyang isip; malabo na ang kanyang mga mata pero malinaw parin ang kanyang puso at pandama. Marami na s’yang naisulat at marami na s’yang binigkas na mga talumpati, alam n’yang hindi lahat ng nagbabasa at nakikinig ay natututo. Marami sa kanila ay nananatiling mga ungas at gago. Alam n’ya na ang karunungan ay hindi agad-agad na tinatanggap ng mga hanagal na nakikinig, na hindi ang talumpati at panulat ang talagang nagmumulat kundi ang mga karanasan at mga pinagdadaanan. Malalim na ang gabi pagod at inaantok na ang matandang aso pero hindi s’ya makatulog. Dahil alam n’ya na sa bawat pagkahimbing ay laging may naka-abang na bangungot. Na ang bawat bukang-liwayway ay hindi laging may dalang pag-asa. Na, ang maghapon madalas ay isang tanikala na iyong kailangan na hatakin. Hindi naging masaya subalit hindi rin naman naging malungkot ang buhay ng matandang aso, pero hindi s’ya nanghihinayang sapagkat alam n’ya ang ibig sabihin ng kasabihan na “ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw ka minsan naman nasa ilalim ka”.
0
Nov 30, 2017
Nov 30, 2017 at 7:32 PM UTC
ANG MATANDANG ASO

Continue reading...
3
Unang gabi sa huling sandali Nag-aagaw ang ilaw at dilim Katahimika'y namamayani. Nakatayo sa gilid ng bangin Isang hakbang tungo sa libingan Nakapikit ngunit nakatingin. Sumilip ang buwan sa kalangitan Hudyat ng katapusan ng duyog Tuluyang bumukas ang pintuan. Lumiyab ang bawat alikabok Mga alitaptap na dumadapo Sa bawat sugat nangingimasok. Buhok ay nagsimulang lumago Sabay sa pag-ikli ng hininga Nagpupumiglas sa bawat pulso. Isang bulaklak na bumubuka Dugo at ginto ang tanging dilig Usbong sa hungkag at tuyong lupa. Buto at laman ay nanginginig Balat ay nagsimulang uminit Halik ng apoy sa pulang tubig. Umuungol sa bawat pagpunit Likuran na may bagong pasanin Ngipin na sukdulang nagngangalit. Nakalutang sa payak na hangin Kamay ang nagsisilbing kandila Maglalakbay sa tulay na itim. Isang sulyap bago kumawala Ibinuka ang pakpak na pilak Huling yugto ng pakikidigma.
0
Nov 18, 2018
Nov 18, 2018 at 11:28 PM UTC
ELUSIDASYON / GARGUWALYO (Gargoyle Terza Rima 1)
Ang kuwentong ito ay tungkol sa pinakamagandang yugto ng buhay ko, ang high school. Sa high school kasi, maraming uri ng kalayaan ang pwedeng gawin. Malaya tayong gawin ang gusto natin. Pwedeng mag-aral tayo nang mabuti, pwedeng hindi. Depende sa estudyante kung paano niya tatpusin ang araw niya a loob ng paaralan. Dito ko natutuhan kung paano makisalamuha at makisama sa iba't ibang tao. Dito mo mararanasang bumarkada, magsinungaling sa magulang, makasama lang sa mga lakad ng kaibigan, magkaroon ng boyfriend/girlfriend, gabihing umuwi sa lakwatsa, tapos. Idadahilan sa magulang na gumawa ng project at hihingi ng pera kahit wala namang babayaran sa eskwelahan. O, di ba? Saya! Noong ako ay nasa high school, simula 1st hanggang 3rd year ay pang-umaga ang klase ko. Mahirap man gumising nang maaga, kailangan talaga, ayoko kasi sa lahat yung late. Noong ako ay nag-1st year, hindi ko alam kung paano makikipag-usap sa mga kaklase ko. Nahihiya pa kasi ako at nandoon pa yung kaba. Isip bata pa ako noon at hindi pa gaano ka-matured ang ugali ko. Ang ginagawa ko lang ay manahimik at mag-aral ng mabuti. Dito rin ako nagsimulang magkaroon ng crush, kinikilig kapg nahuhuli ko siyang lumilingon sa akin. Hahaha! Todo kilig to the max naman ako. Yung akala mo wala nang bukas sa sobrang tuwa! Punta nama tayo sa buhay 2nd year ko. Sobrang saya ng tumuntong ako sa taon na ito. Dito ako nakakilala ng mga tunay na kaibigan. Naging barkada ko hangtag ngayon, kaso bihira na kaming nakakapag-usap at nagkikita kasi iba't ibang section na rin kami napunta. Dito ko unang naranasang maglakwatsa kasama ang mga kaibigan ko. Ngayon naman ako ay nakatuntong na ng 3rd year. Dito ay unti-unti nang nag-matured ang aking ugali. Medyo hindi ako masaya kasi bago na naman lahat ng kaklase ko pero kilala ko silang lahat. Haap ng bagong kaibigan na naman sa klase pero mas naging close ko kung mga lalaki. Ewan ko kung bakit. Hahaha! Ayoko sa mga kaklase kong babae noon, ang aarte. Pero may ilan sa kanilang naging kaibigan ko rin. Excited na ako sa pagtuntong ng 4th year. Mukhang masaya Pero ito na ang huling yugto sa high school life. Siguro lahat iiyak, maghihiwa-hiwalay na kasi. Pero mayroon pa namang reunion, at ito ang buhay high school.
0
Jun 18, 2018
Jun 18, 2018 at 1:43 AM UTC
High School Life ...

11
Sa pagdating **** napabalita Unang sulyap palang namangha na Gayak na sinauna Sa paningin mahalina Musikang kaytanda na Sa pandinig mahiwaga Mahalaga ang gabi Simula ng pagsaksi Kwento kong inabangan Hatid niyang kasaysayan Sa aking talambuhay Gabing iyon may saysay Nasa pagtitipon Mga kaklase noon Kapitbahay inuman Masaya ang kwentuhan Subalit ako’y saglit Umuwi sa malapit Iyon ay dahil batid ko Simula na ng kwento Ng kanyang unang yugto Gabing Trenta ng Mayo Mula nang araw na ‘yon Pagsubaybay tradisyon Naging makabuluhan Likhang pampanitikan Subalit ‘di naglaon Nawalan telebisyon ‘Di hadlang gayunpaman Sa radyo’y pinakinggan Mula pagkabinukot Hanggang aliping tulot Babaylang naging **** Mandirigmang pinuno Nilupig at nanlupig Inusig at nang-usig Natulig at nanulig Inibig at umibig Nagtago at naglakbay Namatay at nabuhay Tinanggap at nagpanggap Naghirap at nilingap Sakay ng karakoa Tinungo ibang banwa Naghanda sa pagbalik Upang ganti’y ihalik Sa mabagsik na raha Na pumatay sa ama Sa pinunong baluktot At sa harang nanalot Mangubat at Angaway Mga rahang kaaway Lamitan na ninanay Nais siyang maging bangkay Sa kahuli-hulihan Lahat sila’y talunan Sa babae ng tagna Walang iba – Amaya Salamat, umalagad Maging hanggang sa sulad Salamat, kapanalig Laban sa manlulupig Salamat, Uray Hilway Mga tinuran gabay Salamat kay Bagani Pag-ibig nanatili Salamat sa Banal na Laon Diyos ng mga ninuno noon Kina Amaya’y panginoon Tagapagpala ng kanilang nayon Ang dulo ng epikong kapapanaw Akala’y ‘di na matatanaw Salamat sa unang Christmas bonus May TV na bago taon ay matapos Mahalaga rin ang gabi Katapusan ng pagsaksi Huling yugtong tinunghayan Ang kamatayan ni Lamitan Sa aking talambuhay Gabing iyon rin ay may saysay Nasa huling burol at lamayan Bago at matapos subaybayan Iyon ay kakaibang alaala ko Sa katapusan ng kwento Ng kanyang huling yugto Biyernes – Trese ng Enero Nagbrown-out pa nga Habang oras ng balita Buti nalang at umilaw Sa tuwa ako’y napahiyaw Sa pagtunog ng huling musika At paggalaw ng katapusang eksena Bukas TV at radyo Sa makasaysayang mga tagpo Ngayong gabi ng paglikha Ng tulang handog sa programa Unang gabing kapani-panibago Dahil wala na sa ere ang paborito ko Subalit ang Alaala ni Amaya Mga gayak, musika, tauhan at kultura Mga aral, tinuran, inspirasyon at ideya Mananatiling buhay sa aking diwa! -01/16-17/2012 (Dumarao) *missing my favorite program
0
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 10:03 PM UTC
Alaala ni Amaya

105
Ikaw ang pintuang may bukas, Siyang pag-asang maibsan ko ang taglamig na kalinga. Ikaw ang bintanang may hangin, Siyang susulyap sa pangungulila. Ikaw ang sahig na sasalo, Siyang saklolo sa pagkahingal at pang-aabuso. Ikaw ang mesang may hain, Siyang magbibigay lakas sa panloob na damdamin. Ikaw ang kutsilyong gagalos, Sa yugto ng buhay na akala'y perpekto. At ang tubig na didilig, Sa uhaw at lantang isip.
0
Apr 10, 2016
Apr 10, 2016 at 10:24 AM UTC
Bahay-Kubo
Pero hindi, hindi 'iyan ang dahilan kung bakit ayaw ko na. Ayaw ko na kase... Gusto kong maging kaibigan ka pa Ayaw kong dumaan lang sa buhay mo At maging yugto nito Hindi ko gustong maging tayo Sana lang maging magkaibigan lang tayo Yung matagal at walang hiwalayan Ayaw kong mahulog sa'yo Gusto ko lang parating nasa tabi mo Ayaw kong mahulog sa'yo Kasi ayaw kong maghanap pa uli ng tulad mo Ayaw kong magsimula uli sa iba Pero hinahanap ko sakanya ay ikaw parin pala Ayaw kong mahulog sa isang kaibigan Dahil lahat sila, wala nang kabigan Wala nang balikan Kaya ayaw ko Gusto kong magkasama lang tayo Walang kuryente, walang kabog ng dibdib Hindi slow motion o fortune teller Gusto ko magkasama lang tayo Walang tayo pero may pagmamahal Bilang kaibigan, parang magkapatid lang Walang mas malalim pa Walang lalalim pa Kasi kapag gano'n, ayaw ko na Iiwan na kita. Ayaw ko na.
0
Jun 26, 2016
Jun 26, 2016 at 9:04 AM UTC
'Wag
"hindi pa pala ako handa" yan, yan ang mga katagang binitawan mo sakin 'nung gabing ika'y nagpasya nung gabing ika'y nagpasyang manatili na lamang tayo sa pagitan ng magkaibigan at hindi magka-sinta parang isang hampas ng alon na lumunod sa'kin mula sa dalampasigan na tila nagpahinto sa aking paghinga, tulad ng ihip ng hangin na pumapatay sa apoy ng kandila, ang siyang pagbitaw mo sa mga salitang "nasanay na ata akong mag-isa" parang isang eksena sa isang pelikula na tila gusto **** palitan ng mga bagong linya, na para bagang nais **** gawan ng panibagong wakas, ang siyang pagsambit mo sa ilusyong hindi kapa ata handang may makasama oo, ilusyon ilusyon kong maituturing ang hindi mo na paniniwala sa minsang inakala nating walang hanggan sa minsang inakala kong hindi mo bibitawan at susukuan, tulad ng  noo'y pagkapit mo sa mga palad ko sabay sabi ng "walang iwanan" naalala tuloy nung minsang sinabi mo na darating ang mga oras na magiging mahina ka na baka maguluhan ka, o matakot ka, at sa mga pagkakataong 'yon, ang sabi mo sa'kin, sana 'wag kitang bibitawan sana 'wag kitang  susukuan sinubukan ko, sinubukan ko naman sinubukan kong ilaban sinubukan kong ipaalala ulit sa'yo lahat ng mayroon tayo, kung gaano katotoo bawat sandali at minuto sa piling mo ngunit siguro nga'y tama ka sa minsang sinabi mo na lahat ng bagay ay walang kasiguraduhan na kahit gaano pa katibay ang pag-ibig na nasimulan at nabuo, hindi ito magiging sapat para ilaban ang isang bagay na ikaw mismo ay bihag; bihag sa isang rehas na kumupkop sa puso **** tila nasanay ng mag-isa manhid na sa kahit anong pakiramdam at tila may mga nawawalang piraso hindi alam kung saan naiwan o saan hahanapin, hindi mawari kung gusto nalang hayaan o gusto pa bang buuin, tanging tiyak na lamang sa ideyang hindi pa handang manindigan sa isang pag-ibig na minsang ginusto mo ring ilaban hanggang dito na lang nga siguro tayo, 'hanggang dito nalang tayo", tulad ng kantang likha niyo na hindi ko inakalang ako ang magiging bida dito na para bagang isang bangungot na tila nagkatotoo ang "bigla" **** pagpili na manatili na lamang "sa pagitan" ng ikaw at ako at lisanin ang pagiging tayo salamat, salamat sa maiksing panahon ng pagpaparamdam mo sa akin ng walang hanggan at sa pinaka-huling pagkakataon, hayaan mo sana akong sambitin ang mga salitang to hayaan **** ipabatid ko sa'yo ang nag-iisang bagay na gugustuhin kong mangyari sakali mang pagtagpuin ulit tayo sa panibagong yugto na kung sakali mang sa  panahong 'yon ika'y handa na, handa nang magmahal muli ng buo at walang takot, pakiusap, yakapin mo ang pagkakataong 'yon para subukang muli ang pag-ibig na minsang naging atin kung sa panahong 'yon ay may natitira pa akong puwang dyan sa puso mo, pakiusap, sa panahong 'yon ay ilaban mo na ako tulad ng minsang paglaban ko sa pag-ibig ko para sa'yo "hanggang dito nalang tayo" hanggang sa muli, rebelde ka at ako ang iyong sundalo.
0
Nov 30, 2016
Nov 30, 2016 at 2:07 AM UTC
Hindi pa pala ako handa

55
Ilang beses ko na bang sinabi na hinding hindi na magyoyosi. Tila sindami na ulan noong Hunyo. Pero bakit ganito wala pang pinagbago. Walang pinagbago gaya ng nararamdaman ko. Alam kong isang malaking kahangalan na sabihin na ikaw parin ay mahal ko. Marahil nga, katangan ito. Mga patak ng ulan ang nagpapaalala Sa mga kahapon na ikaw ay kapiling at kasama. Nalulunod ako, nalulunod sa katahimikan. Katahimikan sa sunod sunod na patak ng ulan. Sa tuwing umuulan, Sinasambit nito ang iyong pangalan. Sinasambit ang mga pangako at mga alaaang hindi kailan man makakalimutan. Mahal kita, mahal mo ako. Yan ang mga salitang naniwala ako. Sinabi ko at sinabi mo. Pero sa isang iglap, nasaan na tayo? Sadya bang nakakaadik Ang nikotin sa ngala-ngala at gilagid? O sadya lang makulit at pasaway Ang aking paglapit? Sa yosing siyang sumagip Sa damdaming pinuno ng sakit Pinuno ng hinagpis at lungkot Mula ng madurog ang pusong nakakapit Sa sumpaang sa tadhana ay sumabit. Naaalala mo pa ba ang ating mga pangako? Na ikaw ang siyang mamahalin hangang sa maging upos ang buhay at hininga ay sumuko. Nagsimula ang lahat ng ikaw ay lumisan Ang pinakamadilim na yugto sa puso at isipan May mga bagay talaga na walang kasagutan Isa na dito ay ang paglayo, mundo ay tinakasan Mula nang ikaw ay nawala sa bisyo ako ay nakipisan. Kasama sa magdamagan nang sakit ay mabawasan Hindi madali nang ikaw ay nawala Hindi ganun kadali na ikaw ay kalimutan Parang isang kanta na paulit ulit Bawat kataga sinasambit ang iyong pangalan. Pangalan at katagang walang katapusan. Bawat hithit bawat buga Ang usok ay siyang sa akin ang nagpapaalala ng iyong wangis at itsura. Sa bawat buga. Nakikita ko ang iyong mukha. At sa isang iglap mawawala. Pero ngayong kaya ko na. Bakit ang bisyo di na maisara? Sadya bang nasanay na? O dahil hinihintay ka pa?
0
Jul 25, 2016
Jul 25, 2016 at 2:28 AM UTC
Huling Buga

52
Sa isang parihabang kwaderno Nasilayan ko ang iba't ibang kulay ng panulat Mula sa malayo, hawak hawak niya ang pluma Umaasang may malalathalang kakaiba Sa kaniyang utak na blanko't walang kusa Nais lang naman ng kaniyang puso ang malaman Kung mayroon pa nga bang siyang pag-asa Pag-asang makalikha ng bagong yugto at makatakas sa kulungan Mistula bang napakaraming emosyon ang nanaig Onti-onti niyang nabubuksan ang kaniyang mga matang tago sa realidad Sinulat niya ang unang saknong ng kaniyang tula at isinaad, "Sana'y matagal na akong namulat sa katotohanang panaginip lamang ang makasama ka magpakailanman." Bawat kulay na aking nasilayan mula sa kwaderno'y nabubura Ang lalaking manunulat ay sumisigla Napagtanto niya na kinakailangan niyang magparaya Magparaya upang siyang patuloy nang lumigaya
0
Nov 12, 2018
Nov 12, 2018 at 10:12 AM UTC
Tinta
Ang posporo ay isang entabladong ginawa para masira, Para magbigay ng panandaliang liwanag, Para sayawan at indakan ng apoy, At sa huli, Lilisanin din ito, Iiwan ang sunog at durog na entabladong isang beses niya lang sinayawan. Tayo ay dalawang taong ginawa at itinakda ng tadhana para maintindihan natin ang pag-ibig, Ginawa tayo para masira at maging buo muli, Para sumayaw at umindak sa bawat kantang maririnig natin sa radyo, Pinilas at tinapon natin ang huling yugto sa storya natin. At lahat ng 'to, ay isang posporong nasindihan na at nadurog, nagngangalang sana Eto ang posporong nagngangalang tayo Sinindihan ito ng tadhana, Nagliyab tayong dalawa sa kabila ng gabing malamig Hindi nawala ang indayog ng apoy na pilit hinihipan ng hangin, Patuloy na nagliliyab, kinakain ang kabuoan ng posporo Hanggang sa nawala, Hanggang sa napagtanto ko na ako pala ang posporong sinayawan mo. Ako ang posporong hangarin ang masayawan ng apoy **** mapangsindak, At ayaw maubos ng iyong liyab, Ako ang entabladong pwede **** sayawan nang walang hanggan, Sana'y hindi ka umalis nang natapos pa lamang ang isang kanta, Ngunit Nawala ka Umalis, Iniwan ang sunog at durog kong entablado Ikaw ang apoy na pumuno at umubos sa akin, Ako ang posporong nagsisilbing patunay ng ating munting sandali Pinilit kong hanapin muli ang alab mo, Ngunit napagtanto Aanhin mo pa ang nasindihan na posporo? Hanggang ngayon, Hindi ko pa rin mawari na sa buong akala ko Sabay nating pinilas ang huling yugto ng storyang sinulat natin, Ngunit pagkatapos ng lahat, Tinago mo pala 'to at idinikit muli sa kwento nating dalawa.
0
Aug 13, 2016
Aug 13, 2016 at 12:20 PM UTC
Posporo

38
Ang maikling kasaysayan ay pilit kinakalimutan Nang nahulog sa bangin ng nakaraan itinali sa leeg ng walang pag-aalinlangan ang maiksi na lubid na pinanghahawakan Kumikinang na perlas ng silangan namumukod-tanging mutya sa dalampasigan Nang makatakas sa karagatan Di na bumalik sa kinagisnan Papalubog na ang araw nang hindi namamalayan Ang liham nito'y kanyang huling alab Yugto ng masamang pangitain kung kailan dadapo ang mga paniki Nagsilbi na piring sa pagsapit ng Biyernes ang takipsilim Sa walang pakundangan pugon Nagliyab ang lunggati ng pangangalit Marahas na pagbati nito ay pasakit Ang simpatiya ay kumukupas Sa trahedyang sumira Nang wala na makakapitan sa pag-aagaw buhay Walang paghikbi sa kapaligiran Labis na kasawian
0
Dec 16, 2018
Dec 16, 2018 at 6:24 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #11
Katulad ko, ang tao’y sadyang mapaglinlang kung minsan Hindi lubos maisip na kayang gawin ng sino man Sa mga nagtitiwala sa iyong karunungan At ito’y maging sanhi ng sugat sa munting tahanan. Ang mga nakapaligid ay apektado rin naman Ngunit hindi kailanman na mas binibigyang-pansin Ang mga mapanglait at mapanghusgang katauhan Kaysa hinagpis ng mga nagmamahal na magulang. Ako di’y nasasaktan sa kanilang pagdaramdam Salitang binitiwan ng mga taong malapit man Ang lakas ng loob ay unti-unting napapawi rin ‘Tsaka mag-isang nagkukubli sa loob ng tirahan. Hirap mang unawain aking naging karanasan Hirap ding tamuhin na ika’y kanilang tanggihan Bunga ng kasalanan ay buong-pusong tanggapin Akin ring susuurin kung ano man ang nailaan. Natitirang lakas at tapang ay aking gagamitin Tuloy pa rin ang laban sa likod ng kabiguan Hanggang masalimuot na pangyayari’y maliwanagan Namnamin pati ang nalalabi pang kasiyahan. Taos-puso kong panalangin sa iyo, Panginoon Na ipagkaloob ang hinihinging kapatawaran, Ipinagdadasal ko ang minimithing kapayapaan At ipagdiwang ang dalisay na bagong kabuhayan.
0
Feb 19, 2018
Feb 19, 2018 at 10:16 PM UTC
Isang Yugto Ng Buhay
Ang lahat ay may umpisa, Ang lahat ay may pinagmulan, Kalungkutan man o ligaya, Ang maaaring kahahantungan. Sa bawat pagsubok na haharapin, Tagumpay o kabiguan ang aabutin, Ito'y pagsisikapan, Kahit sakit man ay umulan. Pero lahat ay gagawin, Hanggang sa kayang abutin, Hanggang sa huling patak ng dugo, Ibubuhos hanggang sa huling yugto. Tatanggapin ang kalalabasan, Tatanggapin kahit ano man yan, Kahit masaktan man, Tatanggapin ng aking kalooban. Dahil ito ang aking destinasyon, Sa byahe ko kasama ka, Sa panahong nakasama ka, Ngayon, ang oras ko para bumaba. Salamat aking sinta, Salamat sa ligayang iyong dala, Salamat, kahit ito'y panandalian, Maraming salamat, aking kaibigan. Ang kwentong di natin inakala, Ay nasa huli na palang kabanata, O kay rami kong natutunan, Mula sa mga bagay na nagdaan. Ito'y aking kayamanan, Umabot man ang katandaan, Itong karanasan, Di matatanggal sa isipan. Heto na ang huling pahina, Huling pahina ng ating kabanata, Ang kabanatang ito'y lalagyan ko ng bantas, Isang tuldok: katapusan ng aking kalatas. Ang kalatas ng aking paghanga.
0
Jul 14, 2017
Jul 14, 2017 at 9:36 AM UTC
Tuldok
"Life is either a daring adventure or nothing at all" - Helen Keller May mga taong tinutugis na parang mga hayop, may mga hayop na nagpapanggap na tao. Mga halimaw na nagaanyong pangkaraniwan. Ang mundo ay isang malaking gubat na punong-puno ng mga ganid sa laman, uhaw sa kapangyarihan at mga alipin na lumuluhod sa kinang ng salapi. Ang lupa ay hindi inilaan para sa mga mababait na tao, ito ay para sa mga ulol, imbi at mga tarantado. Ang mga baliw, sadista at mga putang-ina ang itinakdang maghari. Sa bawat yugto ng kasaysayan ay laging may pag-aaklas, ito na ang panahon nang pag-aalsa. Buksan ang isipan at gisingin ang natutulog na damdamin. Wakasan ang pang-aapi at pabagsakin ang nang-aapi. Sabi nga ni **** Abay "magkakaroon ng rebolusyon". Ngayon ang panahon nang pagbabangon, simulan natin sa ating sarili. Tularan natin ang mga bayani nang ang bayang nakalubog ay maka-ahon. Simulan natin sa tula upang gisingin si Juan sa malalim n'yang pagkakahimbing.
0
Nov 13, 2017
Nov 13, 2017 at 9:23 PM UTC
Ngayon ang panahon nang pagbabangon
Ngayon ang araw na ang tagsibol ay naging taglagas Nagmistulang mga banderitas na may kani-kaniyang pahiwatig Ang mga balitang may madalamhating panimula. At kung ito nga ang katapusan ng isang mandirigma Sa kahon at sa lilim ng Malacanang, Ay dito ko rin nais magsimula ng aking pagtaya. Ginuguhit ko sa aking isipan Ang paulit-ulit na malalaking tuldok At ang kani-kanilang dugtugngan Na tila ba hindi lamang sila kabahagi ng kabuuan Ngunit ang kanilang kabuuan ay sya ring kabahagi Sa pinagtagpi-tagping mga kalahok ng kasaysayan. Natatandaan ko pa noong elementarya, At sa tuwing bubuksan ang aklat ng nakaraan Ay tila magiging mga itak na matutulis ang mga pahina nito At sabay-sabay na susugod at lulusob Na para bang mga manlalayag sa panibagong misyon nito. At kahit pa, kahit pa gustuhin ko mang manatili Ang mga imahe sa realidad Ay wala naman akong kakayahan Para pigilan ang tadhana sa pagkitil Ng kanilang mga pinaglumaang orasan. Ngunit sigurado akong ang mga mukhang nililok ng panahon Ay magiging katulad din ilang pahinang ipinapangkalakal At doon sila'y magpapatuloy ng panibagong yugto Ng mga kwentong hindi man maiukit sa kasaysayan Ay magsisilbi namang pamana Sa henerasyong may iba nang ipinaglalaban. Hindi man ito ang sinasambit kong katapusan Ngunit sa pagitan ng magkaibang panig at paniniwala Ay balang araw itong maisasara na may iisa ng pamagat. At marahil bukas o sa makalawa'y Sabay-sabay din tayong magbunyi Sa umagang hindi na lulubog pa magpakailanman.
0
Jun 26, 2021
Jun 26, 2021 at 12:53 AM UTC
Equinox

34
#112415 Siyang tinalikdan ang sarili't Inagos ng sariling mithiin, Nagpatangay at yakap ang iilang kalansay, Maging dibuho ng winaldas na pagkatao. Doon sa eskinitang hindi na masilayan At sa mitsa ng pamumukadkad ng bukas, Siya'y nagmistulang ahas Nanunuklaw ng estrangherong Minsan na rin siyang binalasubas. Hampas lupa -- Walang malalaking pader ang di nagpayanig, Sablay man ang agos at may iilang nakaligtas, Wari naman nila'y siya'y magbabalik. At sa pasunod pang yugto, Sila'y magsisipang-tampisaw Sa putik na uhaw sa sansinukob.
0
Nov 24, 2015
Nov 24, 2015 at 8:07 AM UTC
Tidal Wave
'Wag **** sabihing mahal mo ako Kung noong mga panahong hinahanap ko ang yakap mo Ako'y tinalikuran mo't iniwang nakalutang Sa pag-asang ako'y iyong babalikan. 'Wag **** sabihing mahal mo ako Kung ang pagsuyo mo ay mas malamig pa sa yelo, Ang ulan ma'y bumubuhos Ang damdamin ko'y nauubos. Tama na ang paikot-ikot na laro Wakasan na ang ugnayan na dati'y kay lago Hiling ko lamang, nawa'y ang ating luha ay matuyo Sa lakas ng hangin dala ng ating pagtayo.
0
Sep 25, 2015
Sep 25, 2015 at 7:41 AM UTC
Panibagong Yugto
bagong simula sa bagong kabanata. liliparin muli ang langit na dati'y pinuno mo ng mga unang beses at mga unang bagay na bumuo sa aking pagkatao. liliparing muli ang mga blankong espasyo't lalagyan ng bagong panimula. hindi ko malaman kung paano muling magsisimula.  sapagkat ako'y nanghihinayang sa alaala nating sa isang saglit ay iyong iniwan. nahihirapan itugma ang bawat salitang lumilitaw sa aking isipan. ang bawat tunog sa saknong ng bawat taludtod ay nabibigatang ilapat sa  damdaming nag aalinlangan. muling bubuksan ang librong naglalaman ng ating kwento. susubuking burahin ang mga kwentong alanganin na mas mabuti pa lamang kung ito'y gugusutin. muling babasahin ang sira-sirang pahina na may tagpi-tagping parirala at kulang kulang na mga salita. hindi ko mawari kung ano ang dahilan sapagkat ang ating kwento'y nagtapos sa kawalan. tila bang maikukumpara mo ito sa mga pahinang nagupit gupit dahil sa kasuklaman ng pag ibig. ako'y humiling sa mga bituin na sana—  sana'y may panibagong kwentong kinabukasan muling bubuuin. bagong simula sa bagong kabanata. muling magbubukas ng bagong libro na saya ang kailangan at hindi sakit ang nilalaman. iisa-isahin ang bawat paksang nilalaman upang ito'y lubos na maintindihan ang bawat pag-aalinlangan sa bagong yugtong paruruonan na tila hindi alam ang patutunguhan ng wakas na iyong sinimulan. sa bagong yugto ng aking buhay,  ngayo'y handa nang magsimula sa sariling paraan. hindi man pinalad sa nakaraan, sisiguraduhin ko na sa paglipas ng panahon at pagtapos ng bawat kabanatang may kaukulang paksa, iiyak na ako. iiyak na ako sa taong alam kong mahal ako at sa pag iyak na iyon ay sabay kaming nangangako— ikaw, ikaw lamang ang aking mamahalin dumating man ang dulo ng pahina ng aking librong sinimulan.
0
May 2, 2020
May 2, 2020 at 10:50 AM UTC
PANIMULA

6
Hindi ko alam kung bakit pa nagtataka, Kung bakit pa nagtatanong kung may pag-asa pa, Bakit pa nga ba aasa pa? Kung ang pag-asa ay sa simula pa lang ay wala talaga. Ilang taong  nagsikap para makita mo na ang pagmamahal ko ay hindi katulad ng kaniya, Para kapag sinabing “nag-iibigan” ay tayo ang magiging kahulugan at hindi ang halimbawa, Na hindi na mananatiling konsepto ang “magkasama tayong tatanda”, At hindi na mananatiling pangako ang “hindi ka na mag-iisa”. Pero ang tayo’y parang ningas na hindi man lang naglagablab ay namatay na, Parang apoy na hindi pa man nagbaga ay agad inapula, Na hanggang ngayon tinatanong kung bakit nagpipilit umalab para sa iba, Kung kaya namang huwag upusin ang mga sarili sa piling ng isa’t isa. Ako’y nakagapos sa iyong pagmamahal na hindi naman talaga naging akin, Kinukulong sa hawla ng kahibangan na baka sakali mag-iba ang ihip ng hangin, At sa wakas ay ako’y iyong pakakawalan sa kadena ng pag-iilusyon, Baka sakaling ang tayo’y magiging bahagi ng kasaysayan at hindi na piksyon. Pero ang kasaysayan nating hindi pa man nagsisimula ay nais nang isulat ng iba, Isang taong nagsusumikap maging bayani sa bawat yugto, naghihintay na mabigyang halaga, Na sa akin ay nagtatanong, “magiging tayo kaya?” At bago siya masagot, ay kailangan pang magtanong sa’yo, “magiging tayo kaya?” Kasi kung hindi, hindi ko na ipipilit ang sarili ko at tatanggapin ko na, Na sa pagtupad ng pangarap kong pagpapalaya mo sa’kin sa kadena ay iba ang nakatakda, At  sa piling niya, baka sakaling makuha kong maging lubusang masaya, At ako naman, hindi na ikaw, hindi na ang damdamin mo ang nakataya. Kasi kung hindi, hahayaan ko siyang apulahin ang aking apoy na nag-aalab para sa’yo, At gisingin ako sa katotohanang nauupos na ako, nauubos na ako, Na kaya ang tayo ay parang ningas na hindi lumalagablab kasi hindi pala ikaw ang baga, Hindi pala dapat ako umasa.
0
Sep 1, 2017
Sep 1, 2017 at 4:48 PM UTC
Kasi Kung Hindi

28
Aking kaibigan bakit ganon Nilamon na ata ng alon Lahat ng ating pinagsamahan, Sa mahabang panahon   Maari ba kitang tawaging kaibigan Nahihiya nga lang ba? O tunay ng kinalimutan Lahat ng ating mga alaala Nasaan na ang ating pangako Na kailan man ay hindi mapapako Nasaan na ang dating tayo Na tila ba ay naglaho Nasaan na ang masasayang ngiti Na nawala na sa aking mga labi Ngiting napalitan ng hikbi Hikbing napalitan ng pagsisisi Alam kong masaya na kayo Sa inyong bagong yugto Naiisip niyo pa ba minsan Minsan tayo ay naging isang tunay na kaibigan
0
Nov 22, 2018
Nov 22, 2018 at 10:52 PM UTC
Kaibigan
sa pagta- tapos ng aking panimula,,, hinde ko talaga alam kung kayo'y magtitiwala,,, dahil hinde pa ito ang wakas ng unang YUGTO. Sa panahong,,,,minsan kailangan nating MAGKALAYO mga puso't isipan ay pilit-muling IPAGTATAGPO kung saan at kailan,,,, siya nawa,,,,TADHANA ANG BAHALA!!! " Ikaw Sila Tayo Ang Mga Bantayog Ayaw Yumabang " mga pagkataong may pusong busilak nagbibigay sa kapwa ng may galak BATID NI BATHALA regalo ang gantimpala friends......less than 5 DAYS b-4 X'mas supil ~~~ twirl five-letter word © copyright 2015 - All Rights Reserved [8 of 12 marked voices of a dozen clusters of letters]
0
Dec 20, 2015
Dec 20, 2015 at 6:21 PM UTC
s u p i l (5L)
ilan pang mga paalam at mga luha pa na kailangan ko nang tanggapin sa pait nitong katotohanan na syang humubog bilang bago kong sarili upang ako'y makausad na rito sa bagong yugto na aking buhay na hindi ko na matatakasan pa? bakit kay kagyat kang lumisan? buhat ba nang ika'y iniwan? 'lam kong 'di mo tanggap ang lahat at 'yong tamo, lihim **** sugat bubura sa tamis **** kulay at syang kikitil sa 'yong buhay tangi **** handog sa 'king diwa: ang iyong pambihirang luha
0
Nov 24, 2024
Nov 24, 2024 at 9:18 AM UTC
PAG-USAD SA PAIT
Sa panibagong yugto may giyera ng dugo Mga sigaw sa kaparangan ikinubli sa kalasag ng karahasan Kung ang tanglaw ng sulo'y ninanais ang digmaan sigalot sa diwa'y hinahabing marahan Titiisin ng talampakan ang init ng apoy babatakin ng putik, lulubog sa kumunoy Hanggang kailan titiisin ang hilahil ng tadhana? pagal na ang mga paa't tuyo na ang mga luha Kung ang dahas ng dapit-hapo'y patuloy na nasasaksihan liwayway ng bukas, kailan kaya masisilayan?
0
Sep 11, 2023
Sep 11, 2023 at 7:46 AM UTC
Panaghoy Sa Kaparangan
Ako'y humakbang, bitbit ang damdaming puno ng kalituhan Nilakbay ko ito kasama ng aking mga paang nabibigatan Binibilang kung ilang tao ang nadaratnan Kagaya ko rin kaya sila? Mahirap tumakas sa mga bagay na pilit na humahabol sa'yo Mahirap maghanap sa mga bagay na nakatago Hindi ko nga alam kung ano na tong ginagawa ko Tatakas ba ako? O mananatili sa di mawaring yugto. Tumahak uli ang aking mga paa Rinig ang bawat tunog na likha Ngunit hindi ito tulad ng dati Hindi ko na kabisado ang mga tandaan Tinatapakan ko na rin ang mga nadaraanang linya sa daan Oo, hindi ito tulad ng dati Pero eto na, nandito na ako Sa wakas nakarating na rin ako Humanap ako ng angkop na puwesto Ako'y umupo at minasdan ang paligid na gulong-gulo Hinanap ko ang bakas sa mga silid Ikaw pa rin ang naiisip Litong-litong-lito na ako. Pilit kong tinatakasan ang gulo Pumunta ako sa ibang lugar, nag ibayo Ngunit isang malaking kamalian pala ang lahat Hindi ko pala to matatakasan sa simpleng pag ibayo lamang Dahil ito'y kasama ko Kasama ko ang aking tinatakasan Ang sarili ko Dahil ika'y nakatira pa rin sa aking puso At ngayon ako'y nasa kawalan, pilit pa ring kinakalimutan ang nakaraan
0
Nov 13, 2017
Nov 13, 2017 at 7:08 AM UTC
Kawalan