Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"yapusin" poems
Minsan ako'y nanalangin, diwa ko'y nag-aalanganin. Di alam ang uunahin, di alam ang sasambitin. Gusto sanang alamin ano bang plano sa akin? Sana naman ako'y dinggin at wag nang pagisipin. Ang hirap kasing baybayin, lalo na kung hihimayin. Puso ko'y tila nakalambitin, nakalutang sa hangin. Pilit kong aalalahanin mga bilin mo sa akin. Mabigat man ang damdamin, alam kong andyan ka para ako'y yapusin.
0
Feb 10, 2019
Feb 10, 2019 at 4:14 AM UTC
PANALANGIN
Nakita kita na naka-ngiti Tumatakbo papunta sakin para yapusin ako ng mahigpit habang humahalik sa aking labi. Masaya tayong dalawa, sabay na kumakain sa umaga, sabay matulog sa gabi, sabay tumingin sa mga bituin sa langit. Pero may naririnig akong sumisigaw. Nagising ako sa katotohanan, panaginip lang pala.
0
Nov 28, 2015
Nov 28, 2015 at 12:17 PM UTC
Katotohanan
May mga gabing ihehele ka ng lumbay. Magpahele ka. Makinig ka sa uyayi nito. Wag **** iiwasan. Magpalambing ka, yapusin mo, at damhin mo. Yakapin mo nang mahigpit hanggang sa kumalas. Dahil minsan, 'yon ang paraan para pakawalan.
0
Dec 4, 2019
Dec 4, 2019 at 7:47 PM UTC
Uyayi
munting mga sandali, malalim na kahulugan dahan-dahang pinasok ang puso unti-unting inukit ang pangalan pahihintulutan mo ba? na tumalon sa balon ng iyong mga mata hayaang hawakan, haplusin, yapusin ang nag-aalab na kaluluwa nawa'y iyong marapatin, inuhin, sapagkat pumanaog na itinulak ang sarili, ngayo'y nahuhulog na
0
Apr 21, 2020
Apr 21, 2020 at 9:28 PM UTC
balon