"usal" poems
Paglisan
Pinangangambahan kong lubos na malaman
kung meron nga bang pangalawang buhay,
saan kaya ako tutungo?
gagala kaya ang aking diwa
o baka makukulong ito sa naaagnas at walang
buhay kong katawan habang buhay.
ang dinanas na sakit kaya ay lilisan na parang
alikabok na hinipan sa mesa?
, o magiging tanikalang bakal na nakagapos sa aking kaluluwa.
Sa pagkakahimlay ko, may dadalo kaya?,
kung may dumalo man,ano ang pakay nila?,
narito kaya sila upang pintasan ang aking kasuotan?,
o pintasan at hamakin ang halaga at disenyo ng aking kinahihigaan?
Narito kaya sila upang lumasap ng kape at
tinapay kasabay ng pagpitik ng baraha sa mesa?
o sadyang dadalo lang upang patagong magdiwang sa tuwa sa aking pagkawala?,
Natatakot akong malaman.
Nangangamba ako sa hindi pagiging handa sa pagdating ng araw na ito,
hindi sa panghihinayang sa aking mga maiiwang mahal
kundi ang pagsisisi na aking dadalhin
sa bigong pag-usal at pagpaparamdam
kung gaano sila kamahal at masabing ako ay lilisan na
sapagkat ang pinakamasakit na paglisan
ay ang mga pagpapaalam na hindi nasabi at
hindi naipaliwanag.
Jul 2, 2015
Jul 2, 2015 at 12:16 PM UTC
Galit na galit ang asawa, anak at kababayan ni Pepe
Pano nga naman, ang napulot ni Pepeng tatlong daang libo ay ibinalik sa may-ari...
"Kung di mo ibinalik sana ay di na tayo magdidildil ng asin"
ang may galit na sambit ng kanyang asawa...
"Kung di mo ibinalik sana ama ay di na ako araw-araw maglalakad patungo sa eskwela"
ang may paninising salita ng anak...
"Kung di mo ibinalik sana Pepe di hindi na kayo maghihirap"
ang may panghihinayang na usal ng kanyang mga kababayan...
Tumingin sa kanila si Pepe at nagsalita
"Aking asawa, aking anak, aking kababayan
Hindi ang ganyang ugali ang nais kong inyong matutunan
Dahil higit sa lahat nais kong inyong malaman
Na hindi lang tayo sa lupa... nag-iipon ng YAMAN"...
Written: November 30, 2011 @ 11:00 am
Nom de plum: Mysterious Aries
Sep 25, 2015
Sep 25, 2015 at 11:04 AM UTC
Tirik na tirik ang araw nang mga sandaling iyon. Nakatingin ka lamang sa isang direksyon. Hindi ka lumilingon. Ni ayaw **** tumingin sa kaliwa o sa kanan habang naglalakad.
Lutang na lutang ang iyong isipan. Nakatingala ka pa sa nakasisilaw na kalangitan habang binabagtas ang bawat sementado at konkretong daan sa iyong harapan.
Hindi mo rin pansin ang mga taong nakakasabay mo sa iyong harapan, likuran, at tagiliran.
Wala ka na sa wisyo.
Manhid.
Walang pakiramdam.
Hindi mo man lamang narinig ang sipol ng nakatokang alagad ng batas trapiko. Hindi mo rin naririnig ang mga sigawan ng mga taong sumisigaw sa iyo na tumigil ka sa paglalakad maging ang mga busina ng mga sasakyang iniiwasan kang mabangga.
Nakatuon pa rin sa isang direksyon ang isipan at mga mata mo. Hindi mo na napansin ang isang itim na kotseng sumalubong sa iyo, Sa gitna ng kalsada, doon ay tumilapon ang iyong katawan.
Tirik ang mata.
Duguan ang noo at mukha.
Bago ka panawan ng ulirat ay tumulo pa ang mga luha sa magkabilang pisngi mo at nag-usal ng mga kataga sa iyong isipan ng...
"Mahal na mahal ko kayo, mga kapatid ko."
Aug 24, 2017
Aug 24, 2017 at 12:46 PM UTC
Ang kape ay buhay
ipinantawid-gutom
kasabay, kaunabay
ng unang subo ng kanin,
sa murà kong isipan -
nilililok ng maalagang haplos
ng katam ng mga pangaral
at talim ng pait ng nakadaupang
mga dospordos ng karanasan,
bawat lagok ay nagbigay
ng iba ibang kulay,
ng alay
Alak ng paglimot ay tinagay
ng kapitbahay
na maingay
sigaw ng inipong luha’y
kakambal,
ngunit ang kape
-
sa Pilipino'y sawsawan
ng tinapay na inaasam:
paimpit ang napilayang pag-usal
sa binging patron ng pandesal
taimtim ang piping dasal
:
“bigyan mo po kami
ng aming kanin
miski walang ulam
basta may kape
,
pero mas maigi na rin po
pag may bulanglang”
"salamat po sa kape
ngay'ong kami'y buhay
at sa burol
kung kami'y mamatay
na kalul'wa'y pasal,
tirik ang namumuting mata
Inaykupu Nanay!!!"
May 1, 2018
May 1, 2018 at 3:26 AM UTC
Shade Pines Mental Vacillty.
The room was packed the press ravenous waitting for the return of the madman of the place in which we cannot speak of.
How could it be were the rumour's true shock treatments torture had Gonzo finally sliped over the deep end?
The press was dead silent as he was walked into the room
but the man in front of them looked nothing like the man they once knew no wild turkey in front of him no sunglasses even worse no bloodshot eye's
The person that we cannot speak of spoke in the high almost like a cross between Brittney spears and Borat accent.
To which the press all laughed yet the person that we could not speak of did not get the joke as usal.
Cause he was a word we cannot say.
I pressent to you my friends the new and improved Gonzo.
Now I shall let the man himself speak.
The man who resembled gonzo drooled slightly leaned into the mic
Hello im Gonzo.
And after a bit of a awkward pause like when a alter boy cuts a **** they realized that was pretty much it for his deep speech.
The press astounded finally came to life like a seventy year old man who found a secret stash of ******
Gonzo is this a joke ? Gonzo wanna drink hey what about a ***** joke?
Im fine thank you im so happy to be here and be in your company
And I no longer drink well just water that is.
And may I say im so happy to be a changed man no bad jokes from me.
Nope just good wholesome fun no ***** words well I gotta go to my bible study folks it sure was nice to talk to you all.
The press werent buying it the one female repoter stood befor the shell
of a man and must have had a fashion mishap cause some buttons were missing from her top.
Um you sure you wanna leave?
Well miss im really sorry but I gotta be there on time there having cookies today.
And we gotta go over plans for the bakesale and you really need to fix your top miss cause your gonna catch a cold.
The woman stunned felt as if she had spoken to a alien just what had they done to the man once known as Gonzo.
And had they really lost the madman to this bizzar strange human who now did reside in his body.
Was it the end of ********** and wild turkey?
Would Sanity set in and leave things as fun a watching paint dry?
Would ***** jokes and madness be lost forever.
Tune in next week kids to read the next spine tingling chapter
in this drawn out weirdness known as the new Gonzo.
Nov 6, 2010
Nov 6, 2010 at 11:48 AM UTC
Pabalik balik
Urong sulong
Tila hindi umuubra ang usal at salita
Kapag nag isip ay lalo lang nagiging kawawa
Nakakabalisa ang kawalan ng gawa
Dahil sa takot ay nagpapakumbaba
Kumbaga ang tamis at tawa ay isinugal at isinawalang bahala
Sapagkat ang hindi pagharap sa takot ay masama
Pinilit kong humakbang palapit
Sinabayan ko ng dasal
Ngunit minsan mas mabilis ang paghakbang palayo o pagtakbo kaysa patungo sa tarantang nararamdaman ko
Sila nga ba ay mga pader na dapat kong banggain o sila ba'y mga haligi na nagtatanggol sa akin?
Gusto ko silang paslangin kahit na parang bahagi rin sa akin na mamamatay rin
Katakot takot ang pagkakatulad netong aking damdamin sa hindi pagiging malaya, sa pagiging mahaba lamang ng tanikala
Kinakain na ko ng aking isip at katawan,
Kahit na tiyan ko'y walang laman kundi kape at init ng laman,
Paano nga ba magsisimula?
Unti untiin o isang biglaang awitin, pag aklas sa panginginig,
Pagtuklap sa mga matang gising na nagkukunwaring sa pagtulog ay mahimbing,
Dahil totoo ang panganib kaya't natatakot ka sa maaaring mangyayari o sa hindi mo ginawa,
Ngunit sa pagitan ng sarili mo at takot na naninirahan sa iyong isip sino nga ba ang mas totoo at mas mahalaga,
Ang daga sa iyong dibdib o ang kaluluwa **** maga?
Wag isaalang alang ang bait sa ating mga sarili dahil ang hindi paggalaw kahit na ang diwa mo'y pagal ay pagtaya sa isang maling sugal.
Jul 1, 2020
Jul 1, 2020 at 1:56 AM UTC
Umaalingawngaw pa rin ang mga putok
tila tatlong tilaok ng tandang sa madilim na sulok
Ilang supot ng pilak kaya ang kapalit
May pagbati pa ang mga Hudas, tila pataksil na halik.
Magdamag na at maghapong pumapatak
ang mga butil ng dalamhati mula sa mga ulap
kasabay ng daloy ng aming
walang katapusang pag-usal
ng “Bakit? Bakit?
Bakit? Bakit? Bakit?”
at impit na buhos ng mga luha
mula sa mga dinurog na puso.
Kahit si Mariang Makiling ay nakatalukbong
ng malungkot, makapal na ulap –
mistulang tinabunan ang mga pangarap
wala ni pipíng kasagutang maapuhap.
Wala, wala, wala . . .
Wala akong mahagilap na sagot
Tumitibay lamang ang aming paniwala
ang bayan ay patuloy ang pagkapariwara
ang daluyong ay nasa laot, lumulubog ang bangka
Katarungan ay mailap
Hinipan man ang kandila
Naroon pa rin ang iyong liwanag
Madilim man ngayong gabi
Gagabay ka sa aming paglalayag
Kami na rin ang lumikha ng sagot
At iisa lang ang aming alam
Pagmamahal mo sa ating bayan
kailan man ay hindi malilimutan
Lagi at lagi kang pasasalamatan
At ang lahat ng iyong marami
at magagandang sinimulan
Ipagpapatuloy para sa kinabukasan.
Dec 4, 2020
Dec 4, 2020 at 8:56 PM UTC
It's always when the magic hits that blissful ****** up buzz I'm alone in the bar putting up the stools up closing down as usal.
I always have one behind the bar light a cigar just soak in the silence .
It's then when it all comes back in a flood to me .
The faces of those passsed my brothers.
I pour a shot of borbon for them each.
Always making mine a double .
I imagine there laughs the bad jokes and great conversations we no longer share .
William always playing the jukebox that trademark laugh that could light a room.
Bob Warren cracking people up hitting on the women he was a one man sideshow and a old vet.
Bone .
My closest brother the guy who ****** everyone off and always made me laugh .
We'd talk for hours kick back the drinks and torment everyone around us.
Cause if we didnt **** with you.
We truly didnt give a **** about you.
I had burried them all as alone now i stand .
The smoke hung in the air as i saw them all and for a moment i wasnt alone.
It always hit hardest on nights like these .
The women will all leave you .
Love is a fire that burns beyond are control.
But the memories are the tressure bury them deep only to dig them up when you are alone .
I drank each shot as one by one they vanished from sight.
I do not believe I can bury another .
I guess in all truth I hope the next is me..
I closed the door locked it behind me the air outside was frozen.
My breath shown on the walk home.
I was alone .
Sometimes the page is far more simple than reallity of this existence.
I'm glad to have shared one last round with friends .
We can write the ending.
But life always seems to see it a different way.
Cheers
Gonz
Jan 19, 2017
Jan 19, 2017 at 2:28 PM UTC
Ni singulal ni plujal
En la islaj linguiticaj.
Nadie puedentendel na
Hablando asi
Boca floja del trópico
Llena de pernil
Se oye dede laamaca
Sumelgida en Malta Goya
Rebalando en la chojera
Fumando en el cajo
Encantao cantando
En el coro
Con el patol
Eperando
La huracán
Peroigan:
Utede debe usal maj
Lo muculoj
orale y maxilofaciale
Paablal...
Onadietevaentendel
Sep 4, 2019
Sep 4, 2019 at 9:39 AM UTC