Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"unos" poems
“Mahirap na daw turuan ng bagong laro ang matandang aso”, siguro nga totoo ito. Pero may mga bagay na nalalaman ang matandang aso na hindi alam ng mga kabataan ngayon. Alam ng matandang aso ang sagot sa maraming talinghaga at hiwaga na taglay ng buhay. Nakita n’ya ang mga paliwanag na nagbibigay ng liwanag; nakita n’ya ang mga katotohanan at kasinungalingan na nasa pagitan ng mga sulok-sulok ng buhay. Alam n’ya na hindi lahat ng kumikinang ay ginto, na hindi porke kalmada ang dagat ay wala nang darating na unos. Hindi ibig sabihin na kapag komokak ang palaka ay tag-ulan na. Alam n’ya na ang kamatayan ay hindi talaga kasawian kundi isang bagong yugto, isang bagong pagsisimula at isang bagong anyo ng buhay. Alam ng matandang aso ang pagkakaiba nang tunay na umiibig sa nalilibugan lang. kaya natatawa s’ya kapag nakikita ang mga kabataan na inaabuso ang salitang “pagibig”. Mahina na ang katawan ng matandang aso subalit nananatiling malakas ang kanyang isip; malabo na ang kanyang mga mata pero malinaw parin ang kanyang puso at pandama. Marami na s’yang naisulat at marami na s’yang binigkas na mga talumpati, alam n’yang hindi lahat ng nagbabasa at nakikinig ay natututo. Marami sa kanila ay nananatiling mga ungas at gago. Alam n’ya na ang karunungan ay hindi agad-agad na tinatanggap ng mga hanagal na nakikinig, na hindi ang talumpati at panulat ang talagang nagmumulat kundi ang mga karanasan at mga pinagdadaanan. Malalim na ang gabi pagod at inaantok na ang matandang aso pero hindi s’ya makatulog. Dahil alam n’ya na sa bawat pagkahimbing ay laging may naka-abang na bangungot. Na ang bawat bukang-liwayway ay hindi laging may dalang pag-asa. Na, ang maghapon madalas ay isang tanikala na iyong kailangan na hatakin. Hindi naging masaya subalit hindi rin naman naging malungkot ang buhay ng matandang aso, pero hindi s’ya nanghihinayang sapagkat alam n’ya ang ibig sabihin ng kasabihan na “ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw ka minsan naman nasa ilalim ka”.
0
Nov 30, 2017
Nov 30, 2017 at 7:32 PM UTC
ANG MATANDANG ASO

Continue reading...
3
Puso may nasugatan, maghihilom din ito Sugat na dala ng pait ng paghihiwalay, ibaon mo na sa limot Ba't di nalang isipin mga maliligayang alaalang iniwan Ng taong minsan **** minahal Mahirap mang bumangon, kakayanin pa rin Dahil sa bawat unos na pinagdaanan Kalinawan ng damdamin ang nakaabang Na siyang magbibigay lakas sa iyong muling pagbangon Mabigat man ang mga paa, kaya pa ring igalaw Kung may determinasyon, kaya mo rin umusad Ito'y mahirap pero 'di imposible Magpursige ka lang, makakaraos ka rin Kapag ikaw ay nakabangon na, Umusad mula sa kinatatayuan, Pagkatapos ng mga luhang lumunod sa'yong mga mata Bagong mundo ang iyong matatanaw. Mas maliwanag, mas kaakit-akit, maganda At mas nararapat sa iyo. Nasaktan ka man, 'di titigil ang mundo upang ika'y hintayin Kaya tahan na, dahil ang buhay ay patuloy pa rin.
0
Jun 2, 2015
Jun 2, 2015 at 5:17 AM UTC
Patuloy pa rin (Tagalog)
Ang pagpapakahulugan mo sa kahulugan na animo'y unos ng kataga, sukat, at tugma, ay sapat nang saplot sa hubad na siniphayong talinghaga ng isipan at libingan. "Namnamin mo ang damdamin ng Wika," ang wika ng mangingibig na makata.
0
Sep 29, 2013
Sep 29, 2013 at 11:43 PM UTC
Makata
Hindi na natapos ang bagyo At muling bubuhos ang ulan Hindi na natapos ang araw Hanggang masunog ang kalangitan. Walang patid ang hangin Lahat ng bagay ay kayang liparin Rumaragasa ang tubig Ngunit walang luhang kayang pawiin. Hinahanap pa rin ang umaga Kahit tanghali ay lipas na Hinahanap pa rin ang liwanag Humupa man ang sakuna. Gumuguho pa rin ang lupa Tinatabunan ang nakaraan Gumuguho pa rin ang bundok Gumuguho rin ang kapatagan Gumuguho ang mga burol Gumuguho ang mapupurol Matalim man ay guguho rin Pasusukuin ng suliranin. Gumuguho ang lahat Gumuguho sa bandang huli. Hindi na natapos ang pagkawasak Bumabagsak ang tulay na puno ng bitak. Hindi na natapos ang paglisan. Basa pa ang libingan, May ihahatid muli sa himlayan. Hindi na natapos ang unos Delubyo sa gitna ng buhawi Lindol sa gitna ng tagtuyot Hinagpis sa gitna ng pagkamuhi. Panaghoy sa dulo ng pagkasawi. Dito na lang ako sa lilim Kung saan nag-aagaw ang liwanag at dilim Magkukubli sa isang sulok Hanggang lamunin ng alikabok. Hindi na natapos ang gabi At tumigil ang orasan Hindi pa tapos ang bagyo Ay bumubuhos muli ang ulan.
0
Aug 12, 2018
Aug 12, 2018 at 5:31 AM UTC
ALIK(ABO)K
Dito sa Lungsod ng mga siksikang tren sa umaga at sa gabi ng paglubog sa mga makinarya, Ang sentro ng pabrikang papel at usok, na buong bilis sa inaliping katapatan at tapang ay naninirahan palagi sa piling ng mga madaming mga ipis at daga. May nalilimutan na mahalaga tungkol Sa tahimik na hele ng mga flourescent na ilaw, kaalwanan ng mga matatayog na pangako ng condo't bagong mga kainan, magagarang mga pabuya. Mga panibagong mga tagisan ng lakas sa mga makabagong Coliseum ng Roma, sa bawat amoy ng dugo at bagong silang. May tipo ng sukal na wala sa mga gubat, at tunog ng mga malalakas na putok ng baril na wala sa digmaan. Tila sa kahit anong panahon, mag-alsa man mismo ang Kalikasan at magpadala ng Tsunami, magpalindol at magpaputok ng bulkan sa panahon ng kakaibang asul at pula na buwan sa pagkakabuwal ng bagong bilang ng mga magsasakang sa mga mass-suicide mula India, Korea, at Pilipinas dahil sa di-pantay na mga batas kalakalan: Ipadala man ng mga makata't hukbong gerilya ang kanilang pinakamatikas at pinakamatatapat na mga bilang sa mga pagsubok ng panibagong mga pag-aaral at pagsasapraktika, maaaring Puting Elepante din ang hindi sasapat ang kabayaran para sa mga utang na dapat matagal nang nabura at naigpawan. Mula sa lakas at pwersa hindi lang ng mga diyos ng mga sari-saring pampulitikang mga pormasyong nagdidirehe sa mga kilos ng mga taong kapit na sa patalim, Kung hindi mula din sa lakas ng mga nangahas mabuhay at lumikha ng mga paraan para makapagpatuloy na makapagaral ng sariling pagkamulat: Ang kaaway na papel na salapi o papel na tigre ay nilikha din ng tao para din lamang maunawaan ang mga sariling kahinaan, mamulat sa mga repleksyon ng mga nagbabagong sarili sa gitna ng unos, upang matiyak ang yapak at mabuo ang mga hanay at kahandaan ng mga unang hawan, at huling mga walis. Ang mga kalabisan ay para lamang mapatingkad ang kahinaang dala ng kasaysayang nagluwal, ang kawalan ng pagpapahalaga sa binubuhay na mga palitan.#
0
Sep 8, 2018
Sep 8, 2018 at 2:26 AM UTC
SIYUDAD (City: Bones of the Jungles)

45
Kasabay ng ulan, bumubuhos ang ganda Buwan at araw ang ating saksi Ikaw ang dulo, gitna at panimula Sa maamong mukha at maaliwalas na umaga Walang katulad boses **** humuhuni sa tuwa Bakas man ang pagod sa mga mata Nangingibabaw ang ganda at kapayapaan Sa mga dahon na sumasayaw; Sumasabay din ang bawat galaw Nais kapang makilala Gaya ng kalikasan Unti-unting matutuklasan Pag-ibig na gustong maasam Dagat na walang katapusan Sa init man o lamig Ikaw lang ang sasamahan Walang hirap basta’t magkakasama Anumang daan nais kong malagpasan Sa’yo ang direkyson, saan man patungo Gusto kong manatili Sulitin ang lahat Bago ang araw ay sumapit Gaya ng kalikasan Nandoon ang nais makita Magsasama hanggang langit Kay gandang pagmasdan Mga puno’t halaman Hindi ko alam kung hanggang kalian Wala sanang unos o kalamidad Gaya mo ay kalikasan Nais protektahan Nais alagaan
0
May 23, 2018
May 23, 2018 at 8:50 AM UTC
Ikaw at ang kalikasan
Sinubukan kong bihisan ng titik at tugma Ang ilang mga bagay-bagay na iiwan ko Sa'yo sa oras na pumailanlang na ang diwa Ng aking mga tula. Ngunit gaya ng dati, Unos na dumatal ang aking luha, linunod Nito ang mga kataga, muling nabalot ng Hiwaga ang bawat saknong na dapat sana'y Malaon nang yumabong sa iyong pang-unawa. Gayun pa man, manatili kang manampalataya Sa kahulugan ng kawalang kahulugan ng daigdig Na ito. At nawa, sa pagpagpag mo sa tarangkahan ng Kahapon, buong pagpupugay **** idambana Ang paulit-ulit ng siklo at sigwa ng ating pag-ibig.
0
Jan 27, 2014
Jan 27, 2014 at 4:35 PM UTC
Tag-araw
Paano nga ba sinusukat ang pag-ibig? Ito ba'y depende sa tagal o oras nay ginugol? O kaya'y sa dami ng regalong Natamo? Ibig sabihin ba'y di mo ako minahal kahit paano? Pinili kitang mahalin sa lahat ng nilalang Hindi naman Ito isang karangalan Kung titignan Ginusto kita kahit walang kasiguraduhan Ginusto kita kahit pagtingi'y saakin lamang Tama,oo sayo ito' ISA lamang Laro Isang pagkakataong ang puso mo'y malibang,makalayo Ako'y walang pangambang sumugod sa apoy Sunog na tutupok sa aking puso't pagkatao Lahat ng nangyari ay aking ginusto Ang mapalapit sayo sa bawat segundo Ang makilala ka sa anumang paraang alam ko Ang maging bahagi ng buhay kahit saglit lamang Ito Alam kong sa una, ikaw ay bukal na nagsabi Hindi ikaw yung pumapasok sa isang relasyon Na ako'y di dapat umasa sa iyong paglahok Na ang pagmamahal na aking hinandog ay maibabalik ng lubos Kahit paulit ulit sa isip ko'y sinasambit Na ako'y di masasaktan ni katiting Noong sinabi **** ako'y wag Munang mapalapit Ang puso ko'y tumigil ng paulit ulit Pinilit kong ngumiti Gaya ng pangako Na ang iyong sagot ay matatAnggap ng lubos Kahit pa ba ang luha ko'y dumadausgos Ang aking puso ay hinawi ng unos Gusto kita gusto kita bakit ba di mo makita Matulungan lamang kita ako na ay masaya Kundi man ako ang sayoy magpaligaya Kung alam kong ikaw ay masaya puso ko'y panatag na Bakit di mo ako pinayagan na sa iyoy umalalay Ako'y gamitim **** saklay na gagabay sayong paa Matulungan lang kita sukdulan na ang ligaya Ngayon lahat ay wala na ako mgayoy nagiisa
0
Jan 23, 2012
Jan 23, 2012 at 9:31 AM UTC
AKO ANG MAY GUSTO

36
Tulala sapagkat walang ginagawa, sa maghapong oras ay nagdaraan Tulala sapagkat napapagal, buong araw sa trabaho ay inilalaan Tulala sapagkat sawi, puso ay humahangos at puno ng pighati Tulala sapagkat nabigla, may gantimpala, sa mukha nakapinta ang ngiti Ito nalang marahil ang tanging pahinga ng isip, panahon na walang alintana Masasabi mo nalang ang “bahala na” na nagmula pala sa pariralang “Kay Bathala na” Ang pagtingin sa kawalan ay para ring mahimbing na tulog sa gabi- Gabing mga suliranin na ninanais mo nalang kitilin at itago ang labi At kahalintulad din nito ang bagong umaga na ang hudyat ay ang sikat ng araw- Araw **** pagpapaalala sa iyong sarili na matapos ang unos, bahaghari ay lilitaw Libu-libong berso at pangungusap na ang nagawa para gunitain ang pag-ibig Ngunit bakit bihira ang para sa isip na hindi ito naiisip, isip na puno ng ibang ligalig Ang literatura ba sa kanila ay sadyang mailap? Hindi inilaan sa kundiman Kung hindi man, ay para saan? Iwaglit na ang mga sapantaha, sapagkat ang tulang ito ay nagawa na Tula para sa mga tulala, tula para sa akin, sa iyo, at sa kanila At hayaan **** ang isip ng isang tulala ay maglayag Bagamat tahimik, tiyak na marami itong ipahahayag
0
Oct 18, 2017
Oct 18, 2017 at 3:18 PM UTC
Tula·Para·Sa·Mga·Tulala
Kailanma'y hindi ako nagsawa Hindi ako magsasawa Na titigan ang masaya **** mga mata Tingnan ang labi **** tumatawa Pakinggan ang boses **** musika sa aking tainga At tanawin ang nakabibighani **** mukha Hindi ako magsasawa Ilang araw man ang dumaan Patuloy pa ring ikaw ang nasa aking isipan Tila nga nalulusaw na ang kisame Kakatitig ko, at ang mahahalagang bagay ay isinasantabi Malaanan ka lamang ng oras Kahit man lang sa isipan ko At ang pananatili ng iyong mga bakas Ay ang hindi mo paglisan sa puso ko Dahil kung merong pagkasugat Kasunod agad nito ang peklat Na mananatiling sa aki'y nakatira At hindi na ito mabubura Pero mahal, hindi pa rin ako magsasawa Hindi ako magsasawang kabisaduhin ang iyong bawat paglingon Ang iyong mga di pagtugon Kabisado ko na ang iyong mga galaw Kagaya nang kung paano ko laging naaalala Ang iyong pagtanaw Pagtanaw mo sa akin kasabay ng iyong ngiti Kabisado ko ang iyong mga "hindi" Kabisado ko na kung saan kita makikita Sa mga lugar na minsan sa aki'y naging mahalaga Alam na alam ko kung kelan tumitibok ang aking puso Tuwing nakikita ko ang sapatos mo Itim at pula Ang kulay kung saan lagi kitang naalala Rinig ko na ang malakas na pagtibok At agad akong nagtatago sa sulok Hindi ako magsasawa Magpapatuloy ako At kahit nasasaktan ako sa mga pagbitiw mo Oo, ramdam ko ang pagbitiw mo Kahit pa hindi mo kailanman hinawakan ang mga kamay ko Oo, masakit Nasasaktan ako Pero pasensya na, magpapatuloy pa rin ako Lumipas ang mga buwan Sa aking puso ka pa rin nanininirahan Sa dami ng unos na aking naranasan Nahihirapan akong tumahan Hanggang sa napagtanto kong pagod na ako Hindi ko alam kung paano nangyari ito Biglaan nalang Kagaya ng paglaho mo Pagod na ako Pagod na akong intindihin ang aking nadarama Pagod na akong umasa Pagod na akong maghintay sa wala Ang umasa sa mga bagay na kailanma'y di mangyayari Mga bagay na hindi ko mawari Pagod na akong paniwalain ang sarili kong magugustuhan mo rin ako Paniwalain ang sarili kong may dadalhin ka sa pagbalik mo Pero nagkamali na naman ako Dahil nakalimutan ko Na hinding hindi pwedeng maging "tayo" Dahil iba ang gusto mo At hinding hindi mangyayaring magiging ako ang tipo mo Dahil hindi tayo talo Pagod na ako sa mga bagay na di pwedeng ipilit Pagod na ako sa pagkapit ko na dati'y mahigpit Pagod na akong kumapit Pagod na ako sa sakit Ngayon, gumagawa na naman ako ng tula Para sa taong iba ang nilalaanan ng kanyang mga salita Pero bago matapos ang tulang ito... Pakinggan mo ako Pakinggan mo ang bawat salitang aking sambit Pakinggan mo ang liriko ng aking awit Pakinggan mo ang tono ng aking tula Damhin mo ang bawat pagbigkas ko ng mga talata Dahil maaaring ito na ang magiging huli Ito na ang bagay na hindi ako magsisisi Sa huling pagkakataon, ramdamin mo ang aking pagkapit Ramdamin mo sa huling pagkakataon ang aking bait Dahil, sobra nang pait Ayaw ko nang damhin Ang mga sugat na dinulot nito Dahil ngayon, nagdurugo ang puso ko Habang tinitingnan ang mga sugat sa kamay ko nang dahil sa patuloy na pagkapit sa'yo Ako lang pala ang kumakapit Kaya tatapusin ko na Ako'y bibitiw na Nang sa gayo'y maging malaya ka na
0
Nov 13, 2017
Nov 13, 2017 at 6:54 AM UTC
Hindi Magsasawa

90
Iligaw ang tukso ni Lusiper sa diwa na siyang naghari Magmuni-muni sa ibaba ng mundo Sampung beses pagtimbangin ang mga gawi Lampas sa katotohanan ang layon Anyo ng mundo ay di magkatugma sa panaginip Ikumpay sa apoy hanggang sa lumaki Tiwala sa sarili, magtiwalag man sana'y di lumayo Sa labas ng sanlibutan ay nagmasid May mga dagim na nagtabon sa buwan Nang nasilayan ang diklap sa alangaang na sumambulat sa noo ay sumingaw ang depresyon Mapagkunwaring uwak na dumausdos sa ere Simpleng kilos niya'y nakakaaliw Humapon sa troso para magpahinga Sa kanyang aparisyon makikita ang unos na dinadala ang dahilan ng pagdarapa Naglaon na kuwento ay nagparinig ng alingawngaw noong unang pag-usbong ay umani ng kahihiyan Naging balat-sibuyas na tubo humihikbi nang patago
0
Dec 17, 2018
Dec 17, 2018 at 5:55 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #14
Kay tamis ng iyong ngiti Sadyang kay ganda ng iyong labi Ika'y lubos na nakakahumalig Sayo ako'y tunay na umiibig Mata mo'y kumikinang na parang bituin Ikaw ang anghel ng aking panalangin Regalo ka ng Diyos aking sinta Sayo ang puso ko'y napapakanta Kislap ng iyong mata saakin ay nagpapatunaw Pagmamahal ko sayo'y lubos na nangingibabaw Ika'y rosas sa hardin ng Diyos Tatawirin ka sa kahit anong unos Mahal ko, bahaghari ka sa pagdaan ng ulan Kasing ganda ng pagsikat ng araw sa silangan Pagmamahal ko sayo'y inspirasyon sa aking Buhay Tayong dalawa'y kailanma'y di mawawalay
0
Feb 28, 2017
Feb 28, 2017 at 10:42 AM UTC
Aking Iniibig
Bakit wala kang kaibigan Wala ka bang maibigan? Huwag kasi ugali ang titignan Hayaang tangayin ka sa dalampasigan Malawak ang karagatan Marami kang kaibigang matatagpuan Tayo'y maglalayag hanggang katapusan Halika na't ating simulan Paa'y hayaang mabasa sa tubig Matutong ibuka ang bibig Hiya ay kayang madaig Kung ito ang iyong ibig (Sandali! mapanganib ang karagatan Walang tiyak na papupuntahan Papatayin ka ng tinatawag mo'ng kaibigan Kapag binaba mo ang iyong pananggalang Kaibigan ay di ko kailangan Nariyan lang sila pag mayroong kailangan At kung nasa bingit ka ng kabiguan Tiyak ka nilang kalilimutan Ang sumugal ay di ko na kailangan Walang lumalapit ng walang kailangan Ang lahat ay may hangganan At ang akin ay nasa sukdulan!) Tanggapin mo ang katotohanan Tulad ng isda di lahat ay mapakikinabangan Ang maliliit ay kailangan **** pakawalan Upang lumaki pa at magkalaman Mali na isisi sa iba ang kamalian Nang mga hindi tapat mo'ng kaibigan Ang bawat unos ay tumitila din naman At ang araw ay sisikat din naman
0
Feb 15, 2019
Feb 15, 2019 at 2:15 PM UTC
Karagatan
#112715 #4:25PM “Banaag ko ang Wikang tugon; O Giliw na siyang inaapuhap, Sayo ang bituing salin sa tatsulok Sayo ang kambal ng Langit at Dugo.” Mala-unos ang bungang may diin. Salawal ng kataga’t tugma’y banderitas na puti, Doon nabuo ang Kasaysayang hindi makasarili. May iilang Juang Hudas, Bumalasubas sa Bayang itinakwil Kaya’t suwail ang makabagong talinhagaMay lalim sa pag-unawa Bagkus ang isip ay libingan ng mga diktador Na siyang puspos sa paghihikahos. “Paumanhin, Giliw Pagkat ang puso’y may gitgit.”
0
Nov 27, 2015
Nov 27, 2015 at 3:46 AM UTC
Philippine Judas
*Halina kayong lahat at makinig! Magdikit-dikit at magkapit-bisig! At sabay pakiramdaman ang tahimik na unos ng isang dakilang puting kandilang upos.* Dito sa ating liblib na barrio Nakatago ang isang kandilang puti Labis na mahaba; ang pasensya na tila kayang hintayin ang walang hanggan. Ngunit labis na manipis; na kaybilis tablan at lapitan ng hinagpis. Dumating ang araw na kinailangang sindihan ang dakilang puting kandila sapagkat nawala at napundi na ang ilaw ng tahanan. Nang idinikit ang posporo sa kanyang mitsa ay hindi sadyang nakapaso ang kandila subalit ang nagsindi ay 'di napigilang magalit, pilit na pinutol ang kandilang puti sa gitna at ito'y nangalahati. Walang nagawa ang kandilang mayumi kundi iiyak ang mainit nitong pagkit ngunit ang tanglaw nito ay kayliwanag buong barrio'y mararamdaman ang kanyang sinag. Ilang araw nangyaring muli ang pagpasong hindi minimithi ang kandilang puti'y patuloy pa ring nangangalahati ngunit ang liwanag sa barrio'y sa kanya pa rin nanggagaling. Dumating ang araw ng kandila na hindi na maaring kalahatiin. Unti-unting sumuko na rin ang mahaba nitong mitsa. Sa huling sandali, ay hindi na nakapagpigil ang mapanghimok na nagsindi. Buong lakas na nag-ipon nang hangin Buong pwersang sumigaw sa kandila. Ang kandila'y 'di na nanlaban at nagtuloy nang manghina. At sa huling bulong ng nagsindi, ang liwanag ng kandilang puti ay napundi. *Halina kayong lahat at makinig Magdikit-dikit at magkapit-bisig sabay pakiramdaman sa walang kibong katahimikan ang umaalulong na hagulgol ng dakilang kandila.*
0
Sep 16, 2016
Sep 16, 2016 at 1:12 PM UTC
Hagulgol ng Kandila

49
Ipanligo ang luha Gawin basahan ang damit na pamunas sa sugat na di gumagaling Hulug bituin ba na matutupad ang mga hiling o bagay na tinatapon ng langit Ano ang susundin Naduhagi sa buhay Nabubuwal sa kapalarang sinapit Kagustuhan ng loob o ang ikakaunlad ng Maharlikang angkan Sa basbas ng langit Iniusal ang dasal Sapat na ang saya nang masilayan si dessa Walang dusa't unos na nanaig Anyong Diyosa, diwata ang kawangis Kinang ng perlas Kagandahang nang -aakit Marupok na ang silya Habang ang damit ay tagpi-tagpi Naluoy na ang labi Mata'y nangamuti Inilalarawan  na ang mukha sa salamin ng bukas Natatangi man ito ang sa isip Ang kabiguan ay tinitiis Pa isa-isa man ang balahibo idinidikit na para pumagaspas sa hangin Makakalipad nang mataas Bubulusok nang mabilis
0
May 29, 2019
May 29, 2019 at 1:33 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #68
Everything was out of control, kumbaga kung ihahalintulad sa daan ay lubak-lubak, kung itutulad sa isang kwento ay palpak at kumbaga parang isang ibon na walang pakpak. Umikot yung mga nagdaang araw sa mga bagay na inakala kong bubuo sakin, sa mga bagay na akala ko ay totoong kukumpleto sa akin, sa bagay na inakala kong tootong magpapasaya sakin. In short umikot yung sem na to sa akin. Inakala ko na sa pagtalikod ko ay makikita ko ang sagot, ngunit sa kasamaang palad para akong isang lubid na nalalagot. Patuloy na nilalagot ng mga poblema at mga unos na masalimoot. Mistulan akong isang tupang nawawala. Walang direksyon at sobrang naghahanap ng atensyon. Yung mga tawang humahagalpak ay unti-unting nawawasak. Tumalikod ako sa Kanya kase sabi ko hananapin ko lang yung sarili ko, time, days, weeks passed by pero para bang hindi gusto ng tadhana na makita ko ang sarili ko, hindi gusto ng tadhana na makita ko ang hinahanap ko kaya nagdesisyon ako na bumalik sa dating tinalikuran ko. Sa pagbabalik ko yung init nang yakap Nya ang unang sumalubong sakin, yung mga kataga Nyang sobrang nagpabalik ng mga ngiti na nawala sakin. Mga kataga Nyang nagsasabing “ Anak, mahal kita. Sagot kita, wag kang mangamba kase ako yung sagot sa yong mga problema” sa pagbabalik natagpuan ko mga sagot na kaytagal kong hinanap. Nasaksihan ko kung paanong naging patag ang lubak-lubak, kung paanong ang kumplikadoy naging payak, kung paanong lumipad ang ibong nawalan ng pakpak, kung paanong nagtagumpay ang dating palpak, kung paanong naging ngiti ang mga iyak, at lalong higit kung panoong nabuo ang dating wasak. Saksing saksi ko kung paanong ginantimpalaan ng Panginoon ang mga paghihirap ko. Kung paanong hinanap nya ang nawawala akong at tinanggal yung mga luha sa mga mata ko. Kahit na I turned my back to Him, never nya akong iniwan, sinukuan o kaya ay sinumbatan sa halip ay pinakita Nya kung paanong lumaban, kung paanong manindigan. Sobrang sapat na sapat na yung alam **** kahit na pumalpak ka, tanggap ka Nya. Yung tipong kahit na lumayo ka hahanap hanapin ka Nya. Kase ikaw ay anak nya at ikaw ay mahal na mahal nya.
0
Oct 19, 2016
Oct 19, 2016 at 1:39 PM UTC
Ang Pagbabalik

1
Maari ko bang masabing, iniiwasan ko ang pag-ibig? Para bang sinasabi kong pinipigilan ko na ang huminga? Lumanghap ng buhay at magtaboy ng karamay? Sinasabi ko ring araw-araw na ang aking lamay Hindi ako sumusulat ng tula ng poot Pawang pag-ibig lamang na sa dugo'y nanunuot Pagkahalina sa pag-iisa at paglalakbay Pag-ibig na lamang ang sa tao'y bumubuhay Iniibig ko ay hindi ang tinubuang lupa Kundi sa mundong unos na ang sinagupa Hinati ng porma ng pag-ibig sa sarili at kapwa Nang bakuran, tinatawag nating ngayong mga bansa Kung ang ideya ng mga tao'y di magkakapareho Paanong lahat tayo'y magkakasundo? Pag-ibig na dalisay sa pagtanggap Hindi huwad, malinis at di nagpapanggap
0
Oct 24, 2016
Oct 24, 2016 at 10:29 PM UTC
Bakuran
Kinakanlong mo ang Hiwaga at kahulugan ng Isipang sumisipat sa Walang kapares na Alindog ng paralumang Itinatangi ng engkantasyon. Tumila ka man, tila ang Unos na tangan mo ay Bitbiting papasanin ng Agam-agam at gunita. Lisanin man ng ulap at Ikubli ng bahag-hari ang Nagbabadyang pangamba, Ang iyong pagdatal ay Lumbay at ligaya na sa puso'y ikinintal.
0
Oct 11, 2013
Oct 11, 2013 at 7:11 AM UTC
Ulan
Circundada por selvas, bajo el cielo Siempre azulado, nuestra casa era Algo como el plumón y el terciopelo: Un tibio corazón de primavera. Se hablaba quedo en nuestra casa; Cierto que cobijaba tantas aves, Que nos salían las palabras suaves Como si las dijéramos a un muerto. Pero nada era triste: la dulzura Poníamos tan dócil armonía Que hasta el suspiro tenue presentía En sus patios sombreados de verdura. El mármol blanco de los corredores Parecía dormir un sueño largo. Las fuentes compartían su letargo. Soñaban las estatuas con amores. Cedían los sillones blandamente, Como un pecho materno, y era fino, Muy fino el aire, así como divino, Cuando filtraba el oro del poniente. ¡Cómo me acuerdo de la noche aquella En que entré sostenida por tu brazo! Moría casi bajo el doble abrazo De tu mirada y de la noche bella. ¡Moría casi! Me llevaste tierno Por largas escaleras silenciosas Y ni tuve conciencia de las cosas: Era un cuerpo cansado y sin gobierno. No sé cómo llegamos a una estancia. La penumbra interior, los pasos quedos, Tus besos que morían en mis dedos Me tornaron el alma una fragancia. Abriste una ventana: allá, lejano, Plateaba el río y el silencio era Dulce y enorme, y era primavera, Y se movía el río sobre el llano. Caminaba hacia el mar con tal dulzura Que parecía una palabra buena. Iba a darse sin fin; la quieta arena Mirábalo pasar con amargura. Y mi alma también rodó en el río, Se hundió con él en perfumadas frondas, Siguiéndolo hasta el mar cayó en sus ondas, Y suyo fue el divino poderío. Se curvó blanda en el enorme vaso, De allí se desprendió como un suspiro, Ascendió por los buques y el retiro De otras mujeres sorprendió de paso. Subió hasta las ciudades de otro mundo; Dormían todos, todo estaba blanco, Luego vio cada mundo como un banco De arena muerta en el azul profundo. Y desde aquel azul que todo abisma Miró en la tierra esta ventana abierta: ¿Quién era esa criatura medio muerta? Y se bajó a mirar. ¡Y era yo misma! Cuando volvió del viaje, envejecida De tanto haber vagado unos instantes La esperaban tus ojos suplicantes: Se hundió por ellos y encontró la vida. ¿Recuerdas tú? La casa era un arrullo, Un perfume infinito, un nido blando: Nunca se dijo la palabra cuándo. Se decía, muy quedo: mío y tuyo.
0
5.6k
La casa

64
Sa tuwing hahapon ka't Tanaw ng matá, paglao'y Aagawin ng jeep palayo, Paulit-ulit kong hinahanda Ang kilometrong di man Kalayuan, animo'y madalim Na ulap pa ring lumulukob Sa'king kaligiran. Hihintayin Ka't papayapain, sa pagitan Ng pangitain at pag-asa, na Ilang ulit mang ulitin ang Saglit na paglayo, walang Makakahadlang, tayo ay Sasagpang at kukubli sa lingid Na daigdig upang maging Mangingipon ng oras, ng rosas. Ngayon: bagyo sa labas, unos sa Loob. Sa tuwing hahapon ka't Tanaw ng mata, paglao'y aagawin Ng jeep palayo. Ngunit hindi ang Puso, hindi ang pagsuyo.
0
May 19, 2016
May 19, 2016 at 3:50 AM UTC
CROSSING TAMBO
Malamig na ang hangin Na dumadampi sa pisngi Ang usok na umiimbulog Sa langit Ay lumalamlam na sa paningin Ang tunog ng mga instrumentong pansaliw Sa tula na ginawang awit Ay di na naririnig Ang pagkalugami sa nakaraan, Ang bakas ng kahirapan Ay di na nagpapaligalig, Nagpapasimangot nang magunita sa sandali Kung noon sa bawat araw ay masigasig, Sa kinabukasa'y nananabik Di na ngayon Sapagkat sa dapithapon nahuhumaling Ang nagpupuyos na liwanag Sa dakong silangan Na dati'y mainam pagmasdan Ay nakakasilaw Ang takipsilim sumisimbolo ng kalumbayan Ay isa na na tanawin Para sa kagalakan ng kaluluwa Ang unos at karimlan Pag nasa luklukan Ay isa lamang pangkaraniwan Pag may lampara Na hindi ka iiwan
0
May 25, 2020
May 25, 2020 at 11:41 PM UTC
Lampara
Gusto kong hawakan ang mga kamay mo sa mga oras na natatakot ka sa ideyang baka mapagod ako sa'yo, gusto kong hawakan ang mga ito upang iparamdam sa'yo na mapagod man ako, mahal, magpapahinga lang ako pero babalik at babalik ako sa'yo. Hahalikan kita sa mga oras na nalulungkot ka pagkaraan ay ngingitian kita upang masiguro ko na magiging ayos lang ang lahat dahil hindi ka nag-iisa. Kasama mo ako sa bawat saya, sa bawat lungkot, sa bawat hinagpis, sa bawat araw, sa bawat oras, mahal, tutulungan kita sa bawat problemang maaari **** pagdaanan. Hayaan **** yakapin kita sa mga oras na para bang hindi mo na kayang hawakan sa mga palad mo ang mga problemang dinadala mo. Hayaan **** yakapin kita, gusto kong nasa mga bisig kita habang tinutulungan kitang dalhin sila. Mahal, lagi **** isaisip na hindi ako bibitaw gaano man kabigat ang mga dalahin na maaari **** ibigay sa akin. Hahaplusin ko ang mukha mo at sasabihin sa'yo kung gaano ka kaimportante sa buhay ko. Problema lang sila, magkapareha tayo na nangakong kahit na anong unos, kalamidad, delubyo ang magdaan, hindi tayo susuko. Mahal ko, kayang-kaya nating pagdaanan ang lahat ng ito.
0
May 4, 2016
May 4, 2016 at 6:01 AM UTC
MESM, s01e04
Itong tulang ito ay para sa mga taong hanggang sulyap lang sa kanilang mahal Na kay raming gustong sabihin Ngunit di masabi sabi Pagkat hanggang sulyap nga lang sila Isa, dalawa, tatlo Ikaw Oo ikaw nga Ohp ohp oho Wag ka ng lumingon pa at wag ka na sanang lilingon pa Hayaan mo akong sambitin ang bilis ng pagkakahulog ko sayo Yung tipong Parang kahapon magkashare lang tayo ng libro Tapos ngayon mahal na pala kita Lungkot sa aking mga puso Sana'y matapos na At iyo na sanang marinig sigaw ng aking puso Para sa ganun ako ng iyong pansinin Pagkat ngayon hanggang sulyap lang ako sayo Sulyap lang ayos na Kasi ang masilayan ka sa araw araw Buong maghapon ko ay kumpleto na Pasalamat ako sa Maykapal Hayaan mo sana akong banggitin ang bawat letra na aking dinugtungan upang makabuo ng mensahe Mensaheng aking ginawang tula Tulang aking inaalay para sayo Tulang aking pinamagatang ABAKADAE IKAW Simulan ko na ba? A- ako nga pala ang matagal ng may gusto sayo at pinapangarap sa sana'y BA- balang araw ika'y makapiling KA- kaso mukhang wala yatang pag asa DA- dahil may mahal ka ng iba at kahit nagmumukha na akong tanga E- ewan ko ba at hanggang ngayo'y mahal pa rin kita GA- ganito sana tayo ngayon kaso HA- hanggang dito lang pala ako pero kahit ganon I- iibigin kita hanggang sa huli LA- lalambingin ka hanggang sa pati lang langaw, tutubi, aso, pusa, at iba pang hayop ay dumikit na sa sobrang tamis ko MA- mamahalin kita hanggang sa aking huling hininga dahil ako'y NA- nangangakong andito lang ako lagi para sayo at sa NGA- ngalan man ng lahat ng santo ako'y mananalangin na ang O- oo mo'y akin ng makamtan PA- para magkaroon na ng tayo at matapos na ang ikaw at ako lang RA- ramdam mo sana ang lahat ng aking sinasabi SA- sa hilaga man o sa timog o sa silangan o sa kanluran man TA- tapat at totoo ang aking pagmamahal sayo U- umuwi man ako ng luhuan ngayon WA- wala akong pake at wala akong ibang gugustuhin kundi ang YA- yakap **** mainit saakin ay sumalubong Sa dami ng aking sinabi baka di mo matandaan lahat ng yun Ngunit sana iyo man lang naintindihan Gayunpaman itong aking huling sasabihin Sana'y iyong itaga sa puso at isip mo o maging sa bato man Na ito! Itong lalaking nasa iyong harapan Umulan man o umaraw Kumulog at kumidlat man Daanan man ako ng matinding unos Isa lang ang sinisigaw ng puso ko Yun ay "IKAW"
0
Aug 18, 2017
Aug 18, 2017 at 11:44 AM UTC
ABAKADAE IKAW

58
Ang matinis na tinig ng isang libong nagkakalampagang bakal na maninipis ang tumili mula sa gilid ng 'yong ulunan, Umaga na naman. Mauuna ang pagbangon mo mula sa kama kaisa sa pagmulat ng iyong mga mata't pag-gising ng iyong diwang pagal sa 'di maalalang panaginip. Ang hangin ay umihip-- Mula sa bintanang kumakaway gamit ang mga kurtinang bughaw sa paglisan ng gabi sa pagkamusta ng masalimuot na umaga. Pumipihit na naman ang oras. Pinanonood mo ang pagputok ng bawat bulang nabubuo mula sa pag-ugong ng kaldero buhat ng initsigan, Bagay na 'yong kinaiinggitan. Ang natatanging paraan para mapainit mo iyong umaga ay ang paglaklak ng kapeng 'sing pait ng pagiisa. Tapos maliligo ka, Pipihitin mo ang gripo para bumungad sa'yo ang nagyeyelong tubig na kumikitil sa 'yong kakayanan makaramdam. Sana kumukulo rin yung tubig. Pinanonood mo ang pagdating at paglaho ng mga pangitain ng isang 'di makatarungang siyudad ng maralita't dukha. Paano pa nila nagagawang ngumiti? Ika'y naririndi sa malalim na pag-ungol ng mga sasakyang minamaneho ng mga diwang humihiyaw sa pagkakakulong, Sa pagkaubos ng oras. Sinusulit mo ang ilang saglit na ang tanging suliraning iyong sinusumpa ay ang pagkahuli sa klase't mga responsibilidad. Pagkakataon na naman ng buwan. Huminga ka ng malalim bago mo nilapat ang 'yong palad na 'sing gaspang ng gasgas na pinto ng iyong bahay, At dahan-dahan mo itong tinulak. Nilanghap mo ang kulob na amoy ng hanging 'di magimbala sa segundong umapak ka sa loob ng yung 'di maturing na tahanan, Isinara mo ang pintuan. Kasabay nito ang pagsara mo ng iyong sarili sa buong mundong tanging inaalala lamang ang kanilang mga sarili. Bumuhos ang iyong mga luha. Ang iyong katawan ay nanginginig, ang isip ay nangingimbal at ika'y nangingimi sa kawalan ng katotohanan-- Ng 'yong pagkatao. Maririnig **** umuugong ang iyong bulsa't napagtantong may nangangailangang marinig ang iyong boses, Tumatawag si Mikoy. Sa pag-sambit niya ng iyong pangalan ay napawi ang bumubagyong luha't naglaho ang unos ng 'di maintindihang lungkot. Sa pagkakataong iyon, saka mo lang sinabing nakauwi ka na.
0
Aug 2, 2017
Aug 2, 2017 at 5:04 AM UTC
Shirley

30