Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"umayon" poems
Nakalimot ka siguro na masungit sa iyo ang tadhana Nang ikaw ay nagmahal sa isang tao at nagpahalaga Maikling ngiti lang ang kanya ngang hatid Ngunit habang buhay nasa iyong panlasa ang pait Tuwing iidlip siya ay na riyan Tuwing paggising siya ang hanap Maging sa panaginip ikaw ginagambala ng iyong maling desisyon Hanggang sa langit ang paghingi mo ng solusyon Ikaw lamang naman ay nakinig sa tibok ng damdamin Wala ka naman talagang sala sa harap ng iyong salamin Siya ay dala ng nanlamig na hangin Sa iyong paghinga iyo siyang nakuha Kalaunan tanging hindi umayon ay tadhana
0
Dec 24, 2018
Dec 24, 2018 at 8:47 AM UTC
Malambing na Kaibigang Tadhana
Sa panaginip anaki'y nagliwaliw nakahanap ng pansamantalang aliw Lumikmo sa tumba-tumba Pikit ang mga mata, nag-iisip na kung ano ang mangyayari kapag ang lahat ay umayon Sa madilim na sulok ay inaalala mukha na walang bahid ng hapis ang hagap malaya't may kumpiyansa Wala sa huli ang susuyuin pagkatapos niya Kapag lumagpas na sa kabataang edad ang mga buhok ay mangamuti ang labi'y lumitak buti pa ang pagka-ulyanin ang unang gumanap sapagkat sa hilahil ay hirap Di-pangkaraniwan ang diwa Labas sa katotohanan huminggil ang wika ng isip Tulad ng hari sa luklukan pumapatnugot sa mga kabanata Ito'y kalutasan ng pagpapanibugho Tumataghoy sa loob, luha'y bumabalong Sa init ng dugo sa ugat ng puso, ang buhay nadudugtong Ang imahinasyon na tila sapala - walang limitasyon
0
Mar 14, 2019
Mar 14, 2019 at 11:33 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #65
Sa susunod kong iibigin Hindi ko nais ng mga larawan Nakasabit sa mundo upang maarawan Dahil hindi ito isang bulaklak sa halamanan Tubig ang kailangan ng mga bakawan At ang kuwadro ng bulalakaw ay sa kalangitan Hindi ko nais ng mga larawan Hindi mapurol ang lente ng aking mga mata Upang palitan ang pagsulyap ko sa'yo ng isang shot ng camera Nais kong tingnan ang mga labi mo't makita Ang kurba nito't pula, Taingang nag-iinit kung bibiruin kamo kita Sa tuwing sasabihin kong ikaw ay maganda Hindi ko nais malaman nila Hindi sa inaangkin kong akin ka Dahil ikaw ay sa mga tala, kailanma'y hindi ko pag-aari ka Hindi ko nais malaman nila Dahil ang nasa labas ay madalas ipinapakita lamang ay maganda At ang larawan kung minsan ay imahe ng hindi totoo Ng saglit na pagtipa kung 'aayon ba sila dito?' Maikling pagtatagpong hindi itinadhana Hindi ko nais na sa loob ng kwadrong ito ka maalala May kwento ang bawat larawan At madalas sa mga ito ay pulos pighati lamang Hindi ko nais na umayon sa lipunan at kung ano ang kanyang idinidikta Hindi ko nais dumating ang araw na tatanungin kita kung totoo ka ba
0
Jun 14, 2017
Jun 14, 2017 at 5:45 AM UTC
Potograpiya
Pinilit **** bumangon sa umagang mapanghamon mula sa isang gabing hindi mo nakuhang managinip pinilit **** kumilos sa mundong hindi umayon sayo ngayon ang iyong tadhana ay tila nagtatampo pinilit **** lumipad papunta sa malayong malayo ngunit pinipigilan ka ng iyong puso pinilit **** pumikit nung sandaling ika' y masasaktan pinilit mo lahat yun, pinilit mo lahat yun pinilit **** tanggapin ang lahat ng nangyari sa paglipas ng panahon hindi mo namamalayan na hindi mo na pinipilit ang mga bagay handa ka na, tanggap mo na, malakas ka na.
0
Oct 22, 2019
Oct 22, 2019 at 8:35 AM UTC
Pinilit
PAANO BA GUMAWA NG TULA PAANO ba gumawa ng magandang TULA TULA na may tamang sukat at TUGMA TUGMAng pantig mabulaklak na SALITA SALITAng dapat umayon sa SIMULA SIMULA ng tula dapat may tamang BAYBAY BAYBAY ng panitik dapat saktong BILANG BILANG ng patinig minsan pa ay KULANG KULANG sa diwa tula pa’y walang BUHAY BUHAY na dapat laman ng iyong KWENTO KWENTOng aakit sa bumabasang TAO TAO na minsa’y paghuhugutan ng LAKAS LAKAS upang sa tula’y MAIBULALAS MAIBULALAS katagang HAHANAPIN HAHANAPIN sa balong ubod ng LALIM LALIM ng salita’y dapat PAKASURIIN PAKASURIIN salitang BIBIGKASIN BIBIGKASIN mga kataga ay SAPAT SAPAT na mauunawaan ng LAHAT LAHAT na babaybaying pantig may SUKAT SUKATan ang lalim ng ilog at DAGAT
0
Mar 26, 2025
Mar 26, 2025 at 1:38 AM UTC
Paano Gumawa Ng Tula
Sa mga taong patuloy na lumalaban kahit na mag isa, kahit na mahirap, kahit na masakit. sa susunod na panahon, sana sa atin naman umayon ang pagkakataon. 🖤
0
Jul 17, 2023
Jul 17, 2023 at 6:05 AM UTC
Sana sa atin naman