Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tutuldukan" poems
Elementarya ako nang pinangarap kong maging manunulat, Kaya't nagsikap ako at natutong magsulat Ikatlong taon ko sa hayskul nang isulat ko ang kuwento nating dalawa Kuwentong pinangarap ko pang maipa-imprenta Kaya't pinaghusayan ko ang paglikha at pagdetalye 'Straight to the point' at walang mga pasakalye Maraming natuwa sa bawat tulang alay ko sayo, Pero sa lahat ng yun? Kritisismo at pangungutya ang isinusukli mo Ngunit hindi ko inintindi iyon at patuloy akong sumulat, Baka sakali.. isang araw,malay ko? mata mo'y mamulat Mamulat sa pag-ibig na ibinibigay ko, Baka isang araw,makita mo rin yung halaga ng mga regalo ko, Baka isang araw, masuklian mo rin yung pagmamahal kong buo Baka kasi wala ka lamang barya, At nahahanap ng panukli kaya ka abala, Kaya naghintay ako ng ilang taon,nagpakatanga.. Pero mukhang di na yata ako masusuklian pa Kaya naisip kong makuntento sa kung anong meron tayong dalawa Pagkakaibigan. Pero di ko maiwasang masaktan Sa tuwing magkukuwento ka o nagtatanong tungkol sa kanya, Hinahayaan ko na lang at least nakakausap kita! Kahit na yung paksa natin madalas,tungkol lang sa musika Ayos lang! Basta nakakausap kita. Kahit nagmumukha na akong tanga Okay pa rin! Basta nakakausap kita. Ngunit nakakapagod din maging tanga Kaya mahal, ako'y magpapaalam na. Sa paglapat nitong panulat sa aking kwaderno Ay isusulat ko na ang huling bahagi ng ating kuwento, Tutuldukan ko na ang mga huling pangungusap At puputulin na ang mga ilusyon ko't pangarap Dahil kung hindi'y lalo lang akong mahihirapan Lalo lang akong masasaktan. Makapal na ang libro,paubos na ang mga pahina Nakakaumay ang kuwento na pinuno ng mga luha Panahon na sinta ko upang mag umpisa akong muli, Hindi ko na hihintayin ang hinihingi kong sukli Pagkat panahon na rin upang sumaya akong muli. Salamat sa lahat ng alaala At pasensya na sa mga abala Mahal ito na ang huli kong regalo - Hindi ko na ibabalot pa Pagkat alam kong wala ka rin namang pagpapahalaga At sa huling pagkakataon,gusto kong malaman mo, Na may isang AKO na minsang nagmahal sayo. Ito na ang huling pahina ng ating libro At sa pagsara ko dito,kasabay ang paglisan ko sa mundong ginagalawan mo.
0
Jan 24, 2018
Jan 24, 2018 at 9:18 AM UTC
Huling Pahina

Continue reading...
48
Masikip o maluwag Stressed o relaxed Maikli o mahaba Nakakainis o nakakatuwa May bayad o wala Ibat ibang mukha Ibat ibang lugar Ibat ibang daan Ibat ibang sasakyan Minsan nag-iisa Madalas may kasama Minsan nakatayo Madalas nakaupo Minsan naiinip Madalas naiidlip Anuman ang pagdaanan Makakarating din sa kalaunan Parang pangungusap na tutuldukan Tulad ng buhay na may katapusan Ang byahe ay may hangganan.
0
Dec 2, 2015
Dec 2, 2015 at 12:35 PM UTC
biyahe
Hawakan mo ang kamay ko Sasama ako kahit saan patungo Sa piling mo labis ang kaligayahan Susugal paulit ulit at handang lagyan ng kuwit ang ating kwento Huwag lang tutuldukan Huwag muna Dudugtungan pa natin ng madaming masasayang alaala Magkwentuhan tayo at magtawanan sa sarili nating mundo Balutin mo ako ng iyong mga bisig kung saan mas ramdam ko na ligtas ako Magtitigan tayo may malisya man o wala At sa mga sandaling tayo ay tahimik Ibulong natin ang mga salitang "mahal kita" Hayaan ang mga puso natin ang mag-usap.
0
May 8, 2019
May 8, 2019 at 11:43 PM UTC
Kuwit at Tuldok