Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tumutulo" poems
Malamig nanaman ang gabi Ipipikit ko na ang mga mata ko Para siguro hindi ko maramdaman Na wala ka sa aking tabi Para siguro hindi ko maisip Na siya ngayon ang nasa bisig mo 11:11 na pala Ipipikit ko muli ang aking mata Pagkatapos ay titingala At kakausapin si bathala Maaari bang siya'y saakin ay ibalik? Maaari bang siya'y saakin ay muling masabik? Maaari bang matupad ang aking hiling? Maaari bang siya'y muling makapiling? 11:12 na Mga mata ko ay nakasara Habang humihiling ng himala Habang tumutulo ang mga luha Heto parin ako, umaasa Pero sino bang niloloko ko? *Kahit ilang 11:11 pa ang dumating Hindi na siya mapapasakin*
0
Nov 6, 2016
Nov 6, 2016 at 11:32 AM UTC
11:11 pm
Itong tulang ito ay para sa mga taong nag mamahal pero pagod na dahil nabigyan sila ng motibo na bumitaw o lumayo "Mahal kita, pero pagod na ako" Mahal, naalala mo pa ba kung paano tayo nag simula? sa kung paano tayo napapangiti sa mga kwentuhan nating dalawa, sa mga masasaya nating ala-ala, yung malulungkot nating ala-ala, yung mga ngiti mo na pati mata mo napapangiti na rin, Pero naalala mo pa ba ang una kong pag laslas dahil nag selos ako? nakita mo ba yung mga dugo na tumutulo galing saaking kamay na tila parang gripo na walang tigil sa pag daloy? nakita mo ba yung mga luha na tumulo sa aking mga mata na tila hindi na kayang tumigil, nakita mo ba sa mga mata ko kung gaano ako nasaktan nung nakita kang masaya sakaniya, kahit magulo tayo? Naguguluhan ako, naguguluhan ako dahil sabi mo mahal mo ako, pero hindi ko ramdam, hindi ko ramdam yung mga salitang binitawan mo, hindi ko ramdam yung "I love you" mo, hindi ko ramdam na mahal mo ako, Naalala mo pa ba yung mga pangako mo saakin? yung pangako mo sakin na tayo lang? yung pangako mo sakin na ako lang? yung pangako mo na hindi mo ako iiwan? yung pangako mo sakin na hindi mo kayang mawala ako? yung mga pangako mo na pinako mo lang, Alam mo? para kang bubble gum, sa una ka lang matamis, para kang asukal, matamis nga mabilis naman mawala, para kang bula, ang bilis **** nawala, para kang anino, sa liwanag mo lang ako sinusundan, Mahal, Mahal na mahal kita. Pero.. Pagod na ako. Paalam na, Mahal. Ayoko sana itong mangyare, Pero binigyan mo ako ng motibo. Paalam, Mahal.
0
Mar 3, 2017
Mar 3, 2017 at 7:37 AM UTC
Mahal kita, Pero pagod na ako

Continue reading...
33
Dugong kumukulo Luhang tumutulo Katawang nabalot sa pagod Isipang nasakop ng lito Pero Ang ating mga puso ay patuloy Na lumulusong Sumusulong Sa gitna ng nagbabagang apoy. Pinapatatag ng pag-ibig Pinapatakbo ng dangal. Wagas at lubusan Ang ating alay Para sa ating tungkulin at pangalan Para sa layuning pagbabago sa lipunan Para sa masa Para sa isa’t-isa. Maraming salamat, Sanghaya.
0
Dec 25, 2014
Dec 25, 2014 at 7:36 AM UTC
Sanghaya
I. Ang ganda ng panahon Naalala ko pa noon, Tumatakas ako sa pagtulog Para lang makipaglaro tuwing hapon. II. Habang ginugunita ang nakalipas Napatingin ako sa mga batang sa labas. Habang sila'y naglalaro, May mga patak na sa kanilang ulo'y tumutulo. III. Inangat ko ang aking ulo, At pansin kong dumidilim ang mundo. Tila may paparating na malakas na ulan, Pero bakit naman ito'y biglaan? IV. Hindi magkanda-ugaga ang mga ale, Sa pagkuha ng mga sinampay sa kable. Kinukwestyon din nila ang kalangitan, Bakit daw biglaan ang buhos ng ulan? V. Minuto lang nakalipas. Haring araw ay muling nagpakita. Nakakapikon ang sinag nitong dala, Akala mo'y walang taong naperwisyo. VI. At bigla kong napagtanto Para rin pala siyang biglaang ulan, Dumating ka nalang bigla, Kahit hindi naman kita kailangan. VII. Buti sana kung maganda ang dulot mo, Sa nanahimik kong mundo. Akala mo ba'y masaya ako sa'yo? Pero ang totoo isa ka lamang hamak na perwisyo!
0
Jul 19, 2016
Jul 19, 2016 at 5:01 AM UTC
Ang Perwisyong Dulot ng Ulan
Simula sa araw na ito, Hindi na kayo pwedeng tumawa, magalit at malungkot, Hindi na kayo pwedeng makadama ng kahit ano mang emosyon, Emosyong nagpapakita ng kahirapan, kahinaan, pagkatanda at pagkapagod, Huwag kang magsasayang ng hininga sa mga letrang alam **** wala namang makakarinig, At kapag nilabag mo ang isa sa aking mga utos, Tumayo ka sa sulok, Ipikit mo ang iyong mga mata, At harapin mo ang dilim na sa iyo’y lumalamon, Patungo sa apoy ng impyerno, At kapag naramdaman mo ang init ng apoy na sayo’y sumusunog, Pinapayagan na kitang sumigaw, Sumigaw sa taas ng iyong mga baga, Palabas ng apoy na nagbabaga, Patungo sa mga tenga ng mga taong sabi mo’y iyong mga kaibigan at kakilala, Ngunit huwag kang aasa na ika’y aming sasagipin, Hindi ka namin aangatin, At mas lalong hindi ka namin ililibing, Sa mga lupaing, Pati ang mga damo ay ayaw kang tanggapin, At kung ayaw **** maging tulad ng taong iyan, Bumuo ka ng bahay, Gamit ang mga bagay na iyong natutunan, Bumuo ng bahay, Gamit ang mga bagay na naiwan ng mga mananampalataya, Ang mga mananampalataya na nagpasabog ng mga bomba, Upang ingud-ngod sa aming mga mukha, Na kami’y mga anak ng mga makasalanan, Pinanood naming maging abo ang aming mga ari- arian, Sa isang pitik ng kasinungalingan, Pinanood namin ang mga pinto, mga libro, mga litrato na masunog at madurog, Nadurog sa sunog ang lahat ng aking minamahal, pinapangarap at hinahanap, Inalis nila sa aming mga mukha ang kasiyahang panandalian lamang nadama, Tinanggal nila sa aking katawan ang pangalang minsan na sa akin ay kumilala, "Ako ay taong makasalanan, sige, eto na lang, totoo naman, kaya sapat na," At kung ayaw **** maging tulad ng taong iyan, Magtrabaho ka nang mabuti, At kapag naramdaman mo ang dugo na tumutulo mula sa iyong ulo hanggang paa, Ipunin mo ito sa isang timba, At ibuhos mo doon sa nayong nagbabaga At kapag wala ka nang malanghap kundi ang usok at ang masangsang na amoy, Hanapin mo ito sapagkat ito raw ang amoy ng mga patay na pangarap at sigaw ng mga bata, Na sabi nila, ikaw raw ang may sala, Ikaw ang may sala, taong makasalanan, Taong makasalanan, “Mahal Kita, Tutulungan Kita, Pangako, Patawad, Paalam,” --- Dagdag na utos sa paaralan: Huwag kang maniniwala sa mga salitang inuulit- ulit pa, Sa mga salita ng sumasamba sa kasinungalingan, Dahil sa oras na mabuhay ang mga patay, Hindi ikaw ang una nilang papapasukin sa pinto... --- Ang pagpapalit ng administrasyon ng paaralan: Iguhit ninyo sa inyong mga palad ang inyong mga hangad at pangarap, Gamitin ang dugo na lalabas sa tenga at mga mata, Gamiting pang pinta ang kada hibla ng iyong patay na buhok, At kapag ubos na ang likido mo sa iyong buong katawan, Ngumiti, Tumingala, Buksan ang pinto, Kasabay ang pag sabi ng mga katagang: “Ang makabagong paaralan ng mga nawawala’t hinahanap”
0
Mar 14, 2022
Mar 14, 2022 at 11:07 PM UTC
Ang Paaralan ng mga Makasalanan (2017/18)

72
Gusto ko ng bumitaw dahil sa sakit na aking nadarama Pero hndi ko pa kaya kasi mahal na mahal pa kita Hanggang kelan ko to titiisin? Hndi ko na kc madama ang pagmamahal mo sa akin Hndi na ikaw ang taong minahal ko noon Asan na ba siya? Mali, hndi ko siya hinahanap. Nakakapagod, Nakakapagod talaga, hndi mo mn lang ako tinulungan. Grabe ka! Nakakapagod din kcng intindihin ka Hndi ko alam kung anong problema kc hndi ka naman nagsasabi ng totoo **** nadarama Para bang itinatago mo sa iyong bulsa Bahala na, sabi mo nga sa akin "Bahala ka" Bahala na talaga. Bibitawan na kita. Sa wakas, Ang pagmamahal ko sayo'y matatapos na. Ang sakit na aking nadarama ay matatapos na. Matatapos na talaga. Ito na, ito na ang huling sasabihin ko para sayo na kasabay ng mga luhang tumutulo sa akin mga mata.
0
Apr 18, 2016
Apr 18, 2016 at 10:20 PM UTC
Bitaw na
Lumuha ka aking / lumuluhang puso! Iluha mo'ng lahat ng kanyang larawan, / pagkasi't pagsuyo. Lumuha ka dahil / nawala't naglaho ang minsang nilasap na pag-ibig niyang / may samyo at samo. Lumuha ka puso, / lumuha ka puso! Dahil siya'y huwad na umibig sa'yong / kay raming pangako. Iluha mo'ng lahat / ng kanyang napako at hindi natupad na pangakong puro / sa lalang at biro. Lumuha ka puso, / lumuha kang lalo! Lumuha kang ganap dahil puso niya, pala'y pusong tuso. Lumuha ka aking / lumuluhang puso... Ngayon ka umiyak habang marami pang / luhang tumutulo.
0
Jul 31, 2016
Jul 31, 2016 at 1:22 AM UTC
Luha
Hindi nagpasabi sa tunay na mithiin Ngunit kalauna’y mahahalata din Laro ang tingin sa damdamin Pwedeng pagpasa-pasahan Pwedeng paasahin Bakit palagi na lamang taya Tatakbo’t hahabol Laging madadapa? Masasaktan Ang tawag ay lampa Samantalang sa una pa lang Hindi naman ito ang gusto niya? Titigil na sa pagtakbo Titigil na sa paghabol sa’yo Hinihingal na’t Pawis tumutulo Bumibilis ang tibok ng puso Pinagod ang sarili Nagkasugat, nahirapan At sa huli iyong sasabihin atin na itong tigilan Sineryoso ko pero Nilaro mo lang pala
0
Feb 16, 2016
Feb 16, 2016 at 8:24 AM UTC
Laro.
Nasanay ako sa iyong salitang kay tamis Nasanay ako sa iyong mga yakap na kay higpit Nasanay ako sa iyong mga kwentong kay haba Nasanay ako sa mukhang pinagmanahan ko Nasanay ako na laging nasa iyong tabi Nasanay ako na di mo iniiwan Nasanay ako na laging **** inuuna Nasanay ako na mahal natin ang isa't-isa Yan yung nga nakasanayan ko ngunit dahil sa isang pagkakamali lahat ng ito'y nagbago Dahil sa isang pagkakamali mo ang lahat ng nakasanayan ko ay nag-iba Kung noon nasanay ako, ngayon sanay na ako Sanay na ako sa lagi **** pag-alis Sanay na ako sa lagi **** pag-iwan Sanay na ako sa mga pangakong di mo natutupad Sanay na ako sa mga pangakong lagi **** binabali Sanay na ako na laging may kulang Sanay na ako na ako nalang ang umiibig Sanay na ako sa mga luhang tumutulo Sanay na ako na iba na ang mahal mo Sanay na nga ako pero paano bang masanay na di na nasasaktan? Paano bang masanay na wala nang pakialam? Paano nga bang di nalang makialam? Dahil oo kahit sanay na ako, nagtitiwala at nagmamahal pa rin ako sayo
0
Sep 1, 2017
Sep 1, 2017 at 9:33 PM UTC
Nasanay
Bakit sa una'y halos sumakit na ang tiyan kakatawa At maya't maya'y tumutulo na ang mga luha sa mukha? Napapaiyak na lamang sa sulok Unti-unting kinakain ng maitim na usok Namamanhid na't halos di makilala ang sarili Nais ko ulit bumalik sa panahong wala pa akong alam sa mga nangyayari Ang mga ngiti ko noong kay tamis Mga tawang walang halong lumbay at hapis. Pilit kong kinakalimutan ang aking mapait na nakaraan Ngunit bumabalik balik pa rin lahat ng ala-ala sa aking isipan. Ang sabi nila'y tigilan ko na ang mamuhay sa nakaraan at iwasang magkaroon ng galit sa kapwa, Paano maaalis ang galit sa aking puso Kung ang dahilan nito ay ang taong nag-iwan ng masakit na marka sa aking pagkatao? Sa tinagal tagal ng panahon, para bang naging bato ang aking puso Bawat pintuan ay may kandado Bawat bintana ay sarado Ibang-iba na sa dating ako.
0
Jun 10, 2020
Jun 10, 2020 at 1:43 AM UTC
PUSONG BATO
Ikaw ay isang pambihirang hika na hindi mailarawan sa anumang wika; Ang pagnais sayo ay tulad ng ubo, Sa pagsikip ng dibdib ikaw ay tumubo. Ang pagtanging naganap ay bukod tangi at mainit, tila isang pagsibol ng lagnat. Pangalan mo ay pahirap sa aking lalamunan daig pa likidong apoy sa matinding inuman. Tila ako'y nawalan ng panlasa, sapagkat napaibig sa irog ng masa. Na-abisuhan man lamang sa idudulot na sakit ng hamak at panandaliang pagkaakit. Walang manggagamot ang nakakilala sa kaso nitong nakakawalang-hiyang trangkaso. Walang mabuting dinulot sa katawan: sinumpaang pangangailangan lamang ng laman. Nawa'y ang pagkalalin ay hindi nakahahawa sapagkat sa ngayo'y mag-isang tumatawa dahil sa pagtangkilik lamang ng mga alaala. (Isa sa mga sintomas na talagang lumala.) Sa kabila ng pagkilala na ito'y sakit lamang sa ulo; ipinatili hanggang sa luha ay tumutulo. Itinuloy ang pananabik sa tuwina, kunwari ang gawain ay ligtas na bitamina. Ang ibubunga ay malalaman lamang sa wakas kung sasapat pa ba ang natitirang lakas upang sugpuin ang delikadong damdamin at ang sariling katinuan ay panatiliin. Sa kabila nga ba ng mga dinanas, may matatagpuan bang ganap na lunas? Upang lahat ng aspeto'y manatiling malusog at sa karapat-dapat na lamang ang loob ay mahulog? Masakit na uri ng pangangalaga, ang payapang makakamit ay mahalaga. Wala lamang ito sa sapat na distansya; kailangan rin ang pagpaparaya.
0
Jan 23, 2021
Jan 23, 2021 at 12:38 PM UTC
Karamdaman
Pag-ibig kong tunay, sayo inialay o irog kong mahal na siyang aking buhay pag-ibig ko Sayo ay di maglalaho sapagkat minamahal kitang totoo. Ngunit bakit mo ako sinaktan ng lubos kulang ba ang pag-ibig na ibinuhos? Ngunit bakit kailangan mo aking iwanan, Saan nagkulang at ika'y nagkaganyan? Puso ko'y nagdurusa at umiiyak Dahil sa sakit na aking kaakibat Nasan ka na upang punasan ang luha, Na tumutulo dahil sa sakit na nadarama Nais kong ibalik lumipas na taon Upang hilumin ang sugat ng kahapon ngunit maibaalik pa ba ang noon Kung baon na sa limit ngayon?
0
Jun 18, 2018
Jun 18, 2018 at 1:38 AM UTC
Sugat ng Kahapon
Habang minamasadan mukha sa salamin, Aninag ang lungkot, ngiti'y alanganin, Luha'y tumutulo di ko napapansin, Itong puso kasi puno ng pasanin.
0
Apr 16, 2021
Apr 16, 2021 at 6:38 PM UTC
MASAYA ANG NOON
ang mga salitang nais **** sabihin natutunaw na lamang sa dulo ng iyong mga labi natutunaw na lamang sa dulo ng iyong mga daliri na tila'y kandila tumutulo sa sahig habang ang ilaw ng apoy nito'y sumasayaw sa hangin lumalaki, lumiliit at sa huli ay mawawala.
0
Mar 25, 2020
Mar 25, 2020 at 1:40 PM UTC
wala
Naaalala ko pa ang sandaling sinigaw mo sa mundo pagmamahalan ay kailanman di magbabago Sabay hawak sa aking mga kamay Habang nanonood sa paglubog ng araw sa Pagsapit ng dilim patuloy na humihigpit ang iyong pagkapit at hindi bumibitiw Sa gabing mga bituin ay nagniningning na kayang kaya kong ikumpara sa iyong mga ngiti na kailanman di mo pinakita sa kanila na tanging akin lamang at hindi maaagaw ng iba Naaalala ko pa Ang mga pangakong narinig ng aking mga tenga sa harap ng dambana na tanging kamatayan lamang ang makakapaghiwalay sa ating dalawa at nakita mo ang mga tumutulo kong luha na labis na di makapaniwala na ang babaeng nasa harap ko ang babaeng mahal ko ang babaeng hinintay ko ang babaeng pinangarap ko ay ang babaeng pakakasalan ko Maaalala mo pa kaya kung sakaling isigaw ko ulit sa mundo na patuloy ang pagmamahal kong di magbabago kahit wala na ang kamay na minsa'y humawak sa akin ng mahigpit kung bakit bumitiw mga gabing dadaan na magpapaalala sa iyong ngiti kung gaano kahapdi at kung gaano kasakit na ang babaeng mahal ko ang babaeng hinintay ko Ang babaeng pinangarap ko Ang babaeng nangako at sumigaw sa mundo Na ang pag ibig natin ay walang hanggan pero bakit andito tayo sa dulo mararamdaman mo ang kaba at lungkot sa puso ko ang isip kong di magkandaugaga kung paano ko ipapahayag ang aking nadarama simula sa unang pagkikita sa pagsambit ng mahal kita At mamahalin kita kahit abo na lamang ang pinanghahawakan ko sinta
0
Oct 24, 2018
Oct 24, 2018 at 6:43 AM UTC
Walang Hanggan
Tumutulo ang dugo mula sa itaas Napatingin sa salamin na bubog na Ang sugat at peklat muling bumukas Image ko sa salamin ay bigti na
0
Sep 20, 2017
Sep 20, 2017 at 12:25 PM UTC
Bigti
nagsimula ako sa kung paano mo pinakita ang mundo kung gaano kakulay ito at namangha ako sa kulay mo pagkat sa mundo ko walang katulad mo ninais ko manatali sa piling mo dahil walang sakit at parang akoy nasa tahanan ko kung saan lalagi **** iingatan ang puso ngunit heto ibinalik mo ko sa mundong walang tayo sa mundong ako ang laging talo nasaktan ako na halos lisanin ko na ang mundo pagkat akala ko kasalanan ko at ang lahat ay pagkakamali ko naramdaman kong di ka mananatili dito sa mundong ginagalawan ko humiling ako habang tumutulo ang mga luha ko maaring bang ikaw na ang tadhana ko pero iba ng tugon ng lagit sakin may iba pa lang laman ang puso mo at ako'y ginamit mo lang ng panandalian habang wala pa siya habang meron pa siyang iba habang wala pa ang salitang kayo sa mundo mo habang wala pa siya sa piling mo
0
May 1, 2018
May 1, 2018 at 7:44 AM UTC
sana bukas
Nakadungaw ako ngayon sa bintana. Umiihip yung hangin papasok, nag-iingay, tila binubulungan ako ng kalawakan: “Handa ka ba sa paparating na katapusan?” Subalit walang hanggang nakikita ang kalungkutan na ito. Sa umpisa palang, noong sinimulan natin ‘to, talo na agad ako. Hinihintay ka na niyang bumalik. Ako din, mayroong nag-aabang sa aking pag-uwi. Hindi nila alam na nagpapakapasaway tayo. ‘Di nila alam kung gaano tayo kasaya. Naaalala mo pa ba yung gabing bumyahe ako pa-kyusi para lang makita ka? Kahit ngayon, habang ako'y nagsusulat, pinapakinggan ko yung kantang tinugtog mo nung pagdating ko. Nasa pinaka-likod ako noon ng inuman, pero nahanap mo parin ako. Tapos buong gabi, pasilip-silip ka na — akala mo di namin nahahalata, pero yung titig mo’y sumunog ng landas patungo sa akin. Halos binahagi mo ang buong madla. Sa umagang sumunod, unang beses mo akong ihatid pauwi, at unang beses mo rin akong hagkan. Habang ako’y nagsusulat ngayon, napapaisip, hindi ko alam kung kailan tayo magkikita muli — Pero sapat na sa akin ang kaalaman na yinayakap ka niya tuwing tumutulo ang iyong luha. Sapat na sa akin ang makita ang pangalan mo sa telepono kahit na wala ka namang mensahe. Sapat na sa akin na naaalala mo ako, kahit na paminsan-minsan lang. Sapat na sa aking ika'y magligaya kahit na sa dulo ng lahat, ako yung talo. Kaya sa ngayon, maninigarilyo muna ako dito sa bintana, maghihintay nalang sa susunod na minsang maalala mo ulit ako.
0
Oct 8, 2022
Oct 8, 2022 at 10:03 AM UTC
Lihim, isang liham
ang pawis na tumutulo sa aking pisngi tumutulo sa aking mukha tuwing kumakanta sa ilalim ng tinding init ng araw hinihintay ang sikat ng buwan sa gabi at nananaginip habang gising.
0
Mar 23, 2020
Mar 23, 2020 at 8:57 AM UTC
gising
Nandito ako sa tabi mo Pinupunasan ang mga luhang tumutulo Mga luhang tumutulo dahil sa pang-iwan nya sayo Gusto kita bakit hindi pa kasi ako Nandito lang naman ako sa tabi mo Hindi kita iiwan gaya ng pang-iwan nya sayo Asahan mo mahal ko Kapag ako'y minahal mo Wala ng luha pang tutulo sa mga mata mo
0
Oct 30, 2018
Oct 30, 2018 at 10:58 PM UTC
Ako nalang