Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tumagos" poems
Bakit tinuring na pananampalataya ang pagpagal sa luhuran? Hinaing na tumagos sa kaluluwa't banal hayo't di na natanggal--mantsang nakabaon 'gang hukay. Dinalangin ang sarap at ginhawa sa kahoy na nakahubad sa kapwa kahoy Tiningala nga't sinamba Binalahura nama't minura. Anu't ano pa'y pumaslang at nanggahasa Nagnakaw at nagpakasasa sa salapi at tawag ng laman Nang mahulog sa bangin ay biglang tinawagan ang minura't binalahura. Iligtas mo ako. Lumuhod ka, sabi Niya. Nakikipagusap ba ako sa patal at mangmang? Heto nga't sugat na'ng mga kamay sa kapitan lumuhod pa ang sigaw ng Dinakilang Hangal? Lumuhod ka! Ilang ulit pang sinugo ng tinig na hindi tanto ang poot sa anak na ang sungay tumubo hanggang likod. Lumuhod ka. Lumuhod ka.
0
May 19, 2023
May 19, 2023 at 11:53 AM UTC
Mga Tula at Sementeryo ng Isang Hangal
"STOP THE CAR!" hindi siya nakatingin sa akin nang mga sandaling iyon. "Please, Amira! Makinig ka naman sa akin. Please?" patuloy pa rin ako sa pagmamaneho ng sasakyan habang nagmamakaawa sa kaniya na pakinggan ako. "At ano pa ba ang kailangan kong marinig sa iyo, Auther? Sawang-sawa na ako! Stop the car!"  hindi ko siya pinakinggan. Ramdam na namin ng mga oras na iyon ang biglang pagbuhos ng ulan at kakaibang ihip ng hangin. "Hindi kita susundin hangga't hindi mo ako pinapakinggan, Amira. Please!" at dahil mapilit ako, ipinagpatuloy ko ang pagmamaneho pero bigla niyang hinawakan ang manibela. "Mababangga tayo sa ginagawa mo, Amira." "Kung ito lamang din ang paraan para sundin mo ako ay gagawin ko!" Nakipag-agawan na siya sa manibela sa akin, kaya nagpagewang-gewang ito. Pilit kong kinokontrol ang kamay niya. Inihaharang ko ang aking kanang kamay dahil inaabot niya ang manibela habang ang aking kaliwa ay sinusubukang iayos ang takbo ng sasakyan. At dahil madulas ang kalsada dahil sa ulan at patuloy si Amira sa pag-aagaw sa manibela, sa kaniya na lamang natuon ang aking paningin. Hindi namin namalayan ang pagdaan ng isang malaking truck na ilang metro na lamang ang layo sa amin. Nagmadali akong iliko ang sasakyan upang hindi kami mabangga ngunit hindi ko inasahang dederetsi kami sa bangin. Inapakan ko ang preno nang ilang beses pero mukhang nawalan yata ng preno. Bago tuluyang tumalon sa bangin ang sinasakyan namin ay agad kong hinila ang kamay ni Amira. Hindi ko na hinawakan ang manibela dahil nawala na rin naman ng preno ito. Mahigipit ko na lamang niyakap ang babaeng mahal ko. Damang-dama ko ang malakas na pintig ng kaniyang puso at hindi na rin mapakali ang isipan ko sa nangyari kaya naibulong ko na lamang ang mga katagang kanina ko pa sana sinabi sa kaniya. "Humihingi ako ng kapatawaran sa nagawa ko, Amira. Hindi ko sinadyang malaman mo ang katotohanan tungkol sa totoo kong pagkata--na bakla ako. Kahit na hindi mo alam ang buong kwento, ninanais ko pa ring sabihin sa iyo na kahit bakla ako ay naging tapat naman ako sa iyo. Ikaw lang ang babaeng una at minahal ko sa buong buhay ko. Mawala man tayong dalawa ngayon ay masaya akong mayakap ka at masabi sa iyo ang mga katagang--mahal na mahal na mahal kita, Amira." Matapos kong sabihin iyon ay naramdaman ko ang mahigpit na yakap niya sa akin. Doon na rin namin naramdaman ang paggulong-gulong ng sasakyan pababa. Hindi ko siya binibitawan kahit pa pareho naming napapakinggan sa loob ang unang tatlong linya  sa liriko ng kantang Passengers Seats ni Stephen Speaks. I look at her and have to smile As we go driving for a while Her hair blowing in the open window of my car Sa huling paggulong ng sasakyan ay nasa ibabaw ko na si Amira at muli naming niyakap nang mahigpit ang isa't isa hanggang sa isang matulis na bagay ang tumusok sa likurang bahagi ng aking puso na tumagos sa puso ng pinakamamahal kong si Amira.
0
Jul 9, 2018
Jul 9, 2018 at 3:02 AM UTC
Passengers Seat

Continue reading...
17
pakinggan mo ang ugong ng hangin ni 'di mo alam kung tanging ikaw lang ang nakakarinig mas maingay pa sa mga sigaw mo, mas maingay pa sa mga dasal sa sansinukob ngunit hindi ba iyon ang dahilan ng iyong pagbagsak ang walang habas na pakikinig sa mga boses na kayang tumagos dahil sa talim bisa ng maiging paghasa ng iyong patalim
0
Feb 3, 2019
Feb 3, 2019 at 1:57 PM UTC
Untitled
Kahit gaano katagal maghihintay ako. Dahil alam Kong walang papantay sayo. Patawad mahal sa mga araw na nagkulang ako. Mga araw na ibinibigay mo yung buong puso mo na tila wala ka nang itinira para sa sarili mo. Patawarin mo ako sapagkat ako'y huli na. Huli na ng maramdaman kong ika'y mahalaga. Patawad sa mga bawat letrang lumabas sa bibig ko Na alam kong sinaktan ka at tumagos sa puso mo. Na para bang bawat letra na nanggagaling sa mga salitang binibitawan ko Ay tumutusok at hinihiwa ang puso mo, At unti-unti **** nararamdaman ang sakit at kirot na dulot nito.
0
Feb 3, 2020
Feb 3, 2020 at 3:40 AM UTC
Patawad Mahal.