Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tono" poems
Minsan gagamit ng payak na salita Ngunit ito'y uusigin ng iilan; Minsa'y sisisid at muling hihinga Ngunit tatadtarin ng masasakit na salita. Kung ang pagsusulat ay pagmulat Ba't hindi na lang maging simple sa pagpili ng bawat salita't parirala? Ba't hindi diretsahin nang ang punto'y maging kalma? Kung saan walang tensyon, ayos pa't plantsado. Minsa'y wala namang nais ipahiwatig Tanging ang letra'y nilalaro't nagiging bukambibig Wala nga bang dahilan? O ayaw mo na lamang lumaban? Sa mundong ginagalawan Hindi lahat makaiintindi Hindi lahat makikiayon Pagkat hindi iisa ang bida May iilang ekstra sa eksena Kaya marapat na handa ka. Ang pagsulat ay malaya Kaya naman hindi tugma ang bawat kataga Ganyan ang nadudulot ng demokrasya Malaya ka nga, pero hindi na maganda 'pag sobra. Kung babasahin, minsa'y nakapapanting ng tainga Ano ba ang ipinaglalaban sa pagtaas ng tono niya? Ang pagsulat nga'y musika rin Kung mali ang basa sa tono'y hindi maganda ang himig Parang kapeng depende sayo ang magiging timpla't panlasa. Isang simpleng mamamayan sa magulong pamamalakad Dagdagan pa nang nagsisipagsalipadpad na dungis ng bayan Hindi ka nag-iisa, ganun din ang pakiramdam ko. Ngunit ang bawat Pilipino sumasabay sa himig ng Lupang Hinirang Nasaan nga ba ang sinasabing "alab ng puso?" Tila ang bahaging ito ng liriko'y walang saysay sa iba Ang pluma ng ila'y wala palang tinta Ngunit patuloy pa rin, walang nagagawa Walang ginagagawa, walang nais na pagbabago. Ganoon kahalaga ang pagbitaw ng bawat salita Sa bawat punto, bawat espasyo, tuldok at kama Mayroong layong nakapag-iisa Mayroong sentimyentong ipinangangalandakan Mayroong uusbong na himagsikan -- Mabuti man o masama. Abstract/ abstrak Mabuti pang ganyan ang pagsulat Nang hiwatig ay pansarili lamang Ngunit ang leksyo'y hindi manganganak Hindi aabot sa mga apo ng bagong henerasyon. Bale wala ang salita Kung ang mga ito'y walang aksyon; Bale wala ang salita.. Kung ang puso'y wala namang direksyon. (6/28/14 @xirlleelang)
0
Jun 28, 2014
Jun 28, 2014 at 4:46 AM UTC
Ang Payak na Kasulatan, Pag-usbong rin ba ng Himagsikan?

Continue reading...
52
Ang monasteryo ay pugad ng dasal ng maya Nasa tono ang plawta, umiirog na nota Ang natatanaw na inakalang bukang-liwayway  ay magandang kasintahan Harana ng kalawakan, nakakabinging bulong alulong ng multo na nanahan Sundin ang pagkabigo Sapagkat ang harmonya'y bihasa sa pagbibilanggo Ang kinikimkim na rosas ay lumulubo Ngunit nakagapos ang mga ugat Nakapanlulumo man ito'y totoo Nabubuhay ang bulaklak sa hardin na nakatago Itigil ang kahibangan ng bahaghari Pagkatapos ng pag-iyak ng kalangitan puso'y nagdadalamhati Kahit gaanong tingkad ng kulay sa himpapawid Malaking imahinasyon lamang ang makisabay sa pana ng anghel Iwaksi ang pagtitibok Ang mga konstelasyon ang patunay Guhit ng relasyon sa hangin ialay Papalayo, hindi mamamatay paulit-ulit na mabibigo Ang samyo ng damuhan ay may kaluwalhatiang hatid Sa paraiso nakasandal ang mga balikat at pighati Malayang pag-iisip, paglalakbay ng diwa Lunas sa damdaming mahapdi
0
Dec 3, 2018
Dec 3, 2018 at 8:05 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #3
Sa araw na’to haharanahin kita Kahit ‘di ako marunong kumanta. At ako’y madalas laitin ng iba. Ayos lang sa akin, basta ikaw ang kasama. Makita lang kita tumawa Buo na ang aking umaga. Magkakantahan tayo Kahit pareho tayong sintunado. Ang mahalaga ay sumaya tayo Kahit na madalas, sablay sa tono. Magtatawanan at maghahagikgikan 'Yan ang ating kaligayahan. Sa paglubog ng araw, parehong naluha. Dahil tapos na naman ang araw At ako naman sayo’y mangugulila. Ika’y lilisan na, Magtutungo sa Amerika. Nagyakapan ng mahigpit, At binigay ko ang aking gitara. Dahil ito lang ang magpapa-alala Sa ating masasayang alaala.
0
Jan 3, 2015
Jan 3, 2015 at 2:35 AM UTC
Gitara
#110316 #Libis Sa ruta kong di malaman Kung pakaliwa ba o pakanan Doon ka naman naglaho, sinta At tanong ng puso'y nasaan ka na? Sa ulap na walang dalang ulan Di mawari kung maghihintay ba Sabihin mo, hanggang kailan? Sa hangin na hindi umiihip Tila sa ikot ng mundo'y naiinip Nasaan ka na? Sa araw na walang ilaw at sinag Tagos sa puso't damdamin ang pagkabanaag Kakagat ang dilim Pero bubuksan mo ang liwanag Ito ang ating takipsilim Bangon, itapon ang kumot na buhat sa dilim Sasabay ako sa agos mo Kung yan naman ang nais mo Sasabay ako sa pag-ibig mo Mamahalin kita hanggang sa dulo ng mundo Sasabay ako sa ihip mo Bawat letra'y siyang mensahe mo Sasabay ako sa pag-ibig mo Mamahalin kita magunaw man ang mundo Hanap-hanap kita Sa eskinitang may mga tagong kwento Sa mga tagpong hindi nagtatagpo Sa mga lirikong walang tono Sa mga pagkakataong di nagkakataon Sa mga luhang tiyak ang emosyon Sa mga ngiting nakabibitin Sa mga kulay na pinipintang may buhay Narito ka pala, narito ka pala.
0
Nov 2, 2016
Nov 2, 2016 at 7:50 AM UTC
Sabay
Kailanma'y hindi ako nagsawa Hindi ako magsasawa Na titigan ang masaya **** mga mata Tingnan ang labi **** tumatawa Pakinggan ang boses **** musika sa aking tainga At tanawin ang nakabibighani **** mukha Hindi ako magsasawa Ilang araw man ang dumaan Patuloy pa ring ikaw ang nasa aking isipan Tila nga nalulusaw na ang kisame Kakatitig ko, at ang mahahalagang bagay ay isinasantabi Malaanan ka lamang ng oras Kahit man lang sa isipan ko At ang pananatili ng iyong mga bakas Ay ang hindi mo paglisan sa puso ko Dahil kung merong pagkasugat Kasunod agad nito ang peklat Na mananatiling sa aki'y nakatira At hindi na ito mabubura Pero mahal, hindi pa rin ako magsasawa Hindi ako magsasawang kabisaduhin ang iyong bawat paglingon Ang iyong mga di pagtugon Kabisado ko na ang iyong mga galaw Kagaya nang kung paano ko laging naaalala Ang iyong pagtanaw Pagtanaw mo sa akin kasabay ng iyong ngiti Kabisado ko ang iyong mga "hindi" Kabisado ko na kung saan kita makikita Sa mga lugar na minsan sa aki'y naging mahalaga Alam na alam ko kung kelan tumitibok ang aking puso Tuwing nakikita ko ang sapatos mo Itim at pula Ang kulay kung saan lagi kitang naalala Rinig ko na ang malakas na pagtibok At agad akong nagtatago sa sulok Hindi ako magsasawa Magpapatuloy ako At kahit nasasaktan ako sa mga pagbitiw mo Oo, ramdam ko ang pagbitiw mo Kahit pa hindi mo kailanman hinawakan ang mga kamay ko Oo, masakit Nasasaktan ako Pero pasensya na, magpapatuloy pa rin ako Lumipas ang mga buwan Sa aking puso ka pa rin nanininirahan Sa dami ng unos na aking naranasan Nahihirapan akong tumahan Hanggang sa napagtanto kong pagod na ako Hindi ko alam kung paano nangyari ito Biglaan nalang Kagaya ng paglaho mo Pagod na ako Pagod na akong intindihin ang aking nadarama Pagod na akong umasa Pagod na akong maghintay sa wala Ang umasa sa mga bagay na kailanma'y di mangyayari Mga bagay na hindi ko mawari Pagod na akong paniwalain ang sarili kong magugustuhan mo rin ako Paniwalain ang sarili kong may dadalhin ka sa pagbalik mo Pero nagkamali na naman ako Dahil nakalimutan ko Na hinding hindi pwedeng maging "tayo" Dahil iba ang gusto mo At hinding hindi mangyayaring magiging ako ang tipo mo Dahil hindi tayo talo Pagod na ako sa mga bagay na di pwedeng ipilit Pagod na ako sa pagkapit ko na dati'y mahigpit Pagod na akong kumapit Pagod na ako sa sakit Ngayon, gumagawa na naman ako ng tula Para sa taong iba ang nilalaanan ng kanyang mga salita Pero bago matapos ang tulang ito... Pakinggan mo ako Pakinggan mo ang bawat salitang aking sambit Pakinggan mo ang liriko ng aking awit Pakinggan mo ang tono ng aking tula Damhin mo ang bawat pagbigkas ko ng mga talata Dahil maaaring ito na ang magiging huli Ito na ang bagay na hindi ako magsisisi Sa huling pagkakataon, ramdamin mo ang aking pagkapit Ramdamin mo sa huling pagkakataon ang aking bait Dahil, sobra nang pait Ayaw ko nang damhin Ang mga sugat na dinulot nito Dahil ngayon, nagdurugo ang puso ko Habang tinitingnan ang mga sugat sa kamay ko nang dahil sa patuloy na pagkapit sa'yo Ako lang pala ang kumakapit Kaya tatapusin ko na Ako'y bibitiw na Nang sa gayo'y maging malaya ka na
0
Nov 13, 2017
Nov 13, 2017 at 6:54 AM UTC
Hindi Magsasawa

90
Asa labas ng inyong bahay ako'y haharana Lumabas ang iyong angkan ikaw nalamang ang hinihintay halina Lumabas ka na diyan sa iyong bintana aking dalaga At pakinggan ng mabuti ang aking aawitin kong kanta Na naka paloob ang tamang sukat at tugma Itong pag ibig ayokong masayang at pumanaw Hindi naman sa nagmamadali at uhaw Sadyang binigay lang ang simpleng babaeng mamahalin ko sino pa ba iyon kundi ikaw Kaya't hindi na magpapaligoy pa dahil ayoko ng may kaagaw Ito na haharanahin na kita na masarap pakinggan Huwag kang umalis at makinig ka lamang Pasensya kahit sintunado ako Ang mahalaga ay payagan ako ng magulang mo at ikaw na maging tayo Marami na naka silay nagmumuka na akong tanga Itutuloy ko parin ang pag awit sa isang dalaga Siya lang naman kasi ang rason ng aking pag gising tuwing umaga Tatapusin ko ang pag harana Sa isang napaka marikit na salita Na tatatak sa utak nila Na aking sinta, mahal kita. Bawat sukat at tugma Ng aking kanta Ikaw ang aking inspirasyon na pinagmulan ng aking harana Na siya naman nagtulak sa akin gawan ng tono at musika Kaya pagdating ko sa dulo ng kanta Sa aking hinaharana hindi ka mapapahiya Dahil hindi ko sasayangin ang pagkakataon na magmahal ng katulad mo aking dalaga
0
Mar 30, 2020
Mar 30, 2020 at 4:44 AM UTC
Harana
Ang buhay nga naman, Puno ng lungkot at kaligayahan, Subalit wala tayong magagawa, Tiisin nalang kung ano ang mapapala. Diyos ko, ako'y tulungan nyo, Sa aking landas na tinutungo, Landas na puno ng sagabal, Mga sagabal na susubok kung ako'y mapapagal. Dahil ang katotohanan ay di ko maitatanggi, Katotohanang ikinubli sa mga tawat mga ngiti, Ang katotohanang ako rin ay nasasaktan, Dahil sa damdamin kong nanlalaban. Minsan di ko maiwasan, Na masabi ang tunay na nilalaman, Ng puso at di ng isipan, Kaya minsan, ginagawang katatwanan. Ika'y kasapakat ko sa gawaing ito, Ang sinasabihan ko ng mga naturang biro, Ang nakikisabay sa aking mga kalokohan, Kalokohang minsang ginusto kong maging katotohanan. Sa kasamaang palad, ito ang katotohanan, Ang minsang inisip matapos magtawanan, Ang di ko naman maipagkakailang nakakatawa nga, Ngunit di ko inaasahang puso ko pala'y mapipiga. Ang binansagan nating pinakamagandang biro, Ang sa mga luha ko'y nagpatulo, Tumulo dahil sa kakatawa, Tawang may kasunod na pagdurusa. Pagdrusa dahil masakit, Tawa't halakhak nga ba'y sapat na kapalit? Ngunit masasabi ito'y panandalian, Dahil pagkatapos nitoy masasaktan, Para bang ang gusto ko'y ibinigay, Na para bang nagkusa at di na ako pinahintay, Ngunit alam ko sa sarili ko na ito'y huwad, Ako na mismo ang unang naglahad. Subalit nakakatawa naman talaga, Sabihan ba naman kita ng "mahal kita", Tono palang kalokohan na, Masasai **** baligho ang ideya. Aminado akong iyo'y kabilaghuan, Ngunit wala na akong magagawa dyan, Kasalanan ko na kung ako'y nasaktan, Dahil alam kong ako'y nagkamali at may kakulangan.
0
Jun 9, 2017
Jun 9, 2017 at 3:13 PM UTC
Baligho

44
Salamat sa'yo, kaibigan Pagkat ikaw ay laging nariyan Kung dumating man galing kung saan Laging magpapapansin, magpapatipa Humihingi ng dispensa Kung minsa'y hinahayaan kita na makulong sa iyong tirahan na parang walang ng pakinabang Pasensya muli kung minsan Nasa kalagitnaan tayo ng pagsasaya Ay aking kitang bibitawan At ako'y titingin sa iba Salamat kaibigan dahil kahit na ganito't ganito ang nangyayari sa akin, handa mo akong paligayahin Salamat sa musikang iyong ibinahagi, ating ikinasaya Mga lirikong naisulat ay may sariling tono na Salamat kaibigan pagka't ikaw ay laging nariyan magpakailanman.
0
Jan 28, 2016
Jan 28, 2016 at 6:29 PM UTC
Para Sa Malaking Kahoy Na May Anim Na Kwerdas, Tumutunog Kapag Tinitipa
#052716 Sining ang hampas, kumpas ng sandali. Artikulo ng Langit, kristal ang pagbahagi. Luha ni Katipan, sasayuri't iigibin. Sisikat ang Araw, Pagsusumamo, kanyang babawiin. Kanyang pagbango'y Siya ring pagkitil ng mga buhay. Siya'y saklob ng bughaw na kumot, Sinta'y haharanain ng paglimot. Aakmaan ng tono ang pagtinging hindi lihim, Maglalaro ng bangka't eroplano, Magsasabuyan ng tubig na kumikislap, Maghihintay bagkus hindi magtatagpo.
0
May 27, 2016
May 27, 2016 at 7:25 AM UTC
Ocean-Sky Love Affair
"Tao po?" unang beses akong naglakas ng loob, Pero walang kibo ang nahihimbig na bantay. Kinakatok ko gamit ang barya ang kahoy na bintana, May rehas na yari sa metal pero madali namang masira. "Tao po?" pangalawang pagsuyo Habang pinagmamasdan ang dekorete sa bawat sulok, Pero tila ba walang pakikisama ang may-ari, Kaya't naisipan ko na lamang ibulsa ang pambili. Halos maka-dalawang hakbang na ako Nang bigla kong narinig ang kakaiba nyang tono, "Ano yun?" magaspang ang boses niya Kaya't napalingon akong bigla't niyari ang sarili pabalik. Kinapa ko ang bulsa at kinuha ang barya, At tinuro ang nakabalot na pangarap. Dali-dali ko itong binulsa habang panakaw ang tingin. Hanggang napansin niyang nakatitig ako. Apat na hakbang buhat sa bintana ng pagsusuyuan, Tinawag niya ako, pero hindi ko sya pinansin. Puno ng kaba ang puso ko, At kakaiba ang daing ng pag-iisip ko Buhat sa pagtawag niya sa akin, Hindi ko rin makalimutan Ang malamlam niyang mga matang Parang may nais ipahiwatig. Sa pag-uwi ko, Napatingin ako sa sariling repleksyon At doon ko napagtagpi-tagpi ang lahat, "Nakakahiya, may tagos pala ako."
0
Jul 9, 2016
Jul 9, 2016 at 1:07 AM UTC
Tao Po, Pabili Po
#042416 Pumipiglas sa kadena, Nagwawalang may pagbubusina. Walang-wala siya sa datus Ng iskandalong panglaman-tiyan. Kilay ay naagnas Bunsod ng galit na mapagmataas. Mag-iiskandalo ang ugat sa magaspang na balat, Siyang bulkan pala ng naghihimutok na alamat. Lambat ng kahapon, isasaboy sa dagat Huli'y kaawa-awa sa dinamitang kagat-kagat. Sisisid kahit di akma ang tono ng tubig, Lulusong muli't paghihiganti'y bukambibig. Gamit ang sinulid ng tinapyas na bungangkahoy, Matutukso ng talim, siya nga palang abuloy. Istoryang tigang, nginuyang may malasakit, Paru-paro't bulaklak sa kutsilyo ang kapit. Kalawang ang uubos sa kadena, Sa ilang pagpihit ng litratong may ordinansa. Patay-sindi kaya't pondido ang ilaw, Pipihitin ang kable't ahas ang tutuklaw. Ang trono'y walang manggas at naantala, Pinilihan ng mga oportunistang kanya ring katiwala. Sapilitang makikipagniig sa kaharian, Batas ay iluluklok, pantawid sa katuwiran. Siya'y naghihimagsik sa haliging walang sabit, Langis ay tagas ng sikmurang kumakalabit. Gaya ng kahapong titulado ng dilim, Babagsik ang leong minsang karima-rimarim.
0
Apr 25, 2016
Apr 25, 2016 at 12:54 AM UTC
Selda
ang huling pagkikita ay hindi mo man lang napansin. minsan kang nasilayan sa ilalim ng mga bituin. ilang buwan naghangad na ika'y makapiling; kailan ka kaya mapapasaakin? ang nais ko lang naman ay magkakilanlan - magkita, magka-usap, maging magkaibigan. limutin mo na ang iyong nakaraan, gawing ako ang iyong kanlungan. sa bawat gabi na ika'y pinapakinggan, pagsidhi ng damdamin ay 'di maungusan; sakit at pagod ay maiibsan kung hanggang sa pagtulog ay ikaw ang pinagmamasdan. pagmamasdan ang mga matang hapo, ang mga gitarang sira ang capo, ang amoy ng kape mula sa hininga mo, pati ang paghilik **** nasa tono. ang iyong damit na babad sa pawis, at ang iyong sapatos na kumikinang sa kinis; kung sa umaga'y bubungad ang ngiti **** kay tamis ay hindi ko kailanman gugustuhing umalis. at sa lahat-lahat ng kaya kong ilista, habang ang lapis sa papel ay nabubura na; sisimulan ko sa pangalan **** may pitong letra hanggang sa kung paano ka tumatawa. isusunod ko ang mga singsing sa iyong daliri, habang ang buhok mo'y hindi na mahawi. sa bawat galaw **** aking tinatangi, at ang ala-ala mo'y patuloy na mananatili pagkarupok ng puso ay lalong sumisidhi. kapag ika'y nakikita, kulang nalang ay tumili, maraming nagtataka kung bakit ikaw ang napili, ngunit mahal, alam kong hindi ako nagkamali. ang pagmamahal kong lubus-lubusan, tila apoy na sinilaban; sa'yo inialay ang bawat laban, ngunit umuuwi akong laging luhaan. kung gaano ko man gawing mahaba ang tulang ito, mayroong ibang nagsusulat para sa'yo. kahit ipilit ko pang gandahan ito - hindi ko matutumbasan ang gawa ng nanalo. at kahit magbilang pa ako ng bawat patak ng ulan, na maaari namang bilangin nalang kung ilang beses akong luhaan; dahil sa katotohanang hindi ako ang lulan ng puso **** kay sarap sanang gawing tahanan. oo, alam ko. hindi ako nagkamali. dahil patuloy akong magmamahal kahit sa iba pa ako maitali; patuloy kitang sisintahin sa bawat gabi na ika'y natatanaw mula sa aking mga hikbi. aking sinta, ikaw ang aking mundo, mabura man ng hangin itong monologo, mabaliktad man ito ay hindi magbabago, at kung mangyari'y sana'y ako na ang iyo.
0
Feb 22, 2018
Feb 22, 2018 at 6:14 AM UTC
pitong letra

Kung ako ang siklab Tiyak ikaw ang dagitab Na buhay na buhay sa pinakamadilim na karimlan Na siyang nag-aangat sa mga anino na kay pino at may likas na talino Kung ako ang ningas Nararapat lamang ikaw ang hangin at simoy Hindi nabago at malaya na naging tanggulan... Dinuduyan ang kasanggulan. Para lamang malinang at kalingain Upang sa gayon ang naturang ningas ay magliyab at maging isang apoy ! Kung ako ang pagpapalitan at pagkakaisa At halos nga ay kapwa pawiin... Ikaw dapat ang gabay at kamay Na may tangan ng tiwala at paniniwala... Naghihintay ng sandali at tiyempo Upang maihanay ang iyong sarili sa ritmo at tono Nang sa gayon magagawa nating... Maipagpatuloy ang Pagputok ng sulong sinindihan hanggang sa maging ilaw. At muli magagawa nating... Balikan ang sinimulang paglalakbay pasulong kalakip ang tatag at tibay Mula sa gitna ng kadiliman Tayo nawa ang maging malinaw Gaya baga ng dulot ng kinabukasan. Hawak-kamay tayo, iyan ang kailangang mangibabaw... Sapagkat sa ating pagsusukob... At tanging sa ating pagsusukob, Tayo ay.... maliwanag na maliwanag . Manigong bagong taon sa lahat!!! *ryn's incandescent translated to tagalog by: solEmn oaSis
0
Jan 31, 2020
Jan 31, 2020 at 12:25 PM UTC
_-_-_-_-_- walking ryn _-_-_-_-_-
Paano ko nga ba sisimulan ito? Dahil ayokong malaman ninyo. Kahit na ako’y pilitin Hindi ko pa rin sasabihin. Nakapagtataka, Naku! Nasabi ko na ba? Hindi ko talaga mapigilan. Subalit hulaan niyo na lang. Walang amoy ngunit napakabango Hindi nag-iingay ngunit may tono. Walang lasa ngunit aking inaasam Hindi ko makitta ngunit kulay ay di kailangan Pero ang bagay na ito Ay nararamdaman ko Alam kong pati rin kayo Namamngha sa isang sinestetiko Kaya hahayaan kong kayo ang maghusga Iiwanan sa inyo ang pasya Pero hindi ko sasabihin sa inyo Na pag-ibig ang tinutukoy ko.
0
Jan 18, 2014
Jan 18, 2014 at 3:06 AM UTC
Sinestetitko
#030217 Nakulob na ata ako Anong silbi ng mga patlang at espasyo? Nagagalit tayo sa tono ng pangungusap Ngunit kung may kuwit nama'y Magtataka tayo bakit may paghinto -- Baka kasunod na'y pagkitil ng talata. Hindi natin alam ang takbo -- Kung saan hihinto ang nasimulan na. Pero nakikipagsabayan pa rin tayo. Hindi natin alam ang takbo Eh baka naman kinaligtaan lang talaga Tapos, nakaalis na pala Tapos, tapos na pala. Bibigyan kita ng blangkong papel Di para dungisan mo ng tinta Di para guhitan mo ng sari't saring parirala *Hayaan **** magkusa ito* Na parang pagpipinta sa napakalawak na pader Na parang wala kang nais gawin Kundi maging isang malayang sining at katha. Hindi sya makasarili Pero mabubuhay siya nang kanya.
0
Mar 2, 2017
Mar 2, 2017 at 10:33 AM UTC
May Boses ang Papel
Noong  bata pa ako Gustung-gusto ko kapag malamig Iyong tipong hindi ko na kailangan ng electric fan At hindi rin ako pinagpapawisan Pero noon 'yon Nang wala pa akong ibang depenisyon ng lamig Nang hindi ko pa alam kung ano ba ang pakiramdam kapag may nanlalamig Akala ko kasi dati ang taong malamig lang ay iyong patay Akala ko kasi dati ang lamig ay dulot lang ng malakas na hangin, paparating na bagyo o kaya ng amihan Akala ko kasi dati hindi darating sa punto kung saan unti-unti ka nang magpapaalam Unti-unti mo na ako iiwan unti - unti mo na akong kinalimutan bakit? bakit kung kelan na magiging pamilya na tayo bakit kung kelan maroon ng laman ang sinapupunan ko bakit kung kelan may tatawag na sayong "ama ko" bakit mo kami binitawan at pinabayaan ng anak mo Malamig Hindi dahil sa amihan o sa kung ako pa man Maayos ang panahon ngunit bakit ganoon Dati naman kapag malamig ay kuntento ang tulog ko Ngunit simula ng manlamig ka Nakakatulog ako matapos ang pagbuhos ng mainit na likidong nanggagaling sa mga mata Simula nang manlamig ka hindi ko na alam kung ano ba ang kaibahan mo sa yelo Simula nang manlamig ka hindi ko na alam ang gagawin ko Hindi ako sanay ng ganito Sanay ako sa mainit **** yakap Sanay ako sa mainit **** pagtanggap Pero sa lamig ng iyong tono'y naninibago ako Bakit ka nagbago? Ikaw pa ba iyan? O ang katauhan mo'y in-abduct na ng mga yelo Pero hindi ko matanggap Na sa pagbitaw mo sa aking mga yakap Sa hindi mo pagpaparamdam Sa hindi mo pagpansin May iba akong nalaman Kaya pala Kapag pala nanlamig na May nagpapainit na palang iba
0
Feb 27, 2018
Feb 27, 2018 at 5:16 PM UTC
Malamig

39
Ito na ang aking huling awitin, Awiting sa iyo'y kakantahin, Sa tono ng mga alaalang kinalimutan, Kandirit ng mga luhang pinakawalan, Sa langit, sa lupa, sa ilog, sa sapa, Sa araw araw na ako'y naghahanda, Sa bawat gabing aking inaalay, Sa bawat umagang ika'y hinihintay, Pasan ko sa bawat yapak, Ilang galon ng alak na nilaklak, Upang limutin ang ligaya't galak, Ang babaeng ibang landas ang piniling itahak, Na kahit saan pumunta'y di na mahanap, Lumingon man kaliwa't kanan di mahagilap, Tuwing pipikit naaalala mata **** kumikislap, Ngunit wala ka rin, sayang lahat ng pagsisikap... Sa ganda ba naman ng ating simula, Sino ba naman ang mag aakala? Na sa ilalim ng punong aratilis kung san tayo unang nagkita, Dito ngayon ako nama'y pasintonadong tumutula? Sa dami ng mga nangyari mula nang tayo'y nagkakilala: Saya, Lungkot, Ligaya... Hanggang sa ika'y nagsimulang humarot, Pagdududa, T4ng*, di na dapat pa akong sumagot! Nag-kaaway-- Upang magkabati lahat inialay, Ngunit muli nanamang nagpasaway, Hanggang nagdesisyon kang tuluyan nang maghiwalay... ... Kamusta ka na? Pasensya kung nasaktan kita, Patawad sa mga galos at pasa, Ngunit ang kaya ko lang gawin ay awitan ka, Sana marinig mo huli kong mga nota, Kahit sintonado kong kinakanta-- Kung maglaho na ako, babalik ka ba? Maaari bang sa takipsilim na lang tayo magkita? Di ko naman sinasadya... Na ika'y bigla na lang mawala. Tulad mo rin ba akong nababalisa? Wag kang mag alala, makakasama mo uli ako mamaya--
0
Apr 19, 2018
Apr 19, 2018 at 6:50 AM UTC
Habulan
111322 Sa mga lirikong wala pang tono Ay aking ipamamalas ang Iyong Kagandahan — Kagandahang ni minsa’y hindi pa nasulyapan Bagkus kusang hinahanap-hanap. Ang matatamis **** Salita Ang aking baon buhat agahan hanggang hapunan. At mauhaw man ako o magutom sa daan Ay alam kong Ikaw ang sagot Sa bawat katanungan at kakulangan. Ang pagdampi ng bawat lubid sa aking mga daliri Ay katumbas ng paghehele Mo sa akin sa gabi — Sa gabing palaging puno ng bituin ang kalangitan Na pahiwatig ng maigting **** pag-ibig At walang katapusang pag-iingat Sa puso kong puno ng galos sa bawat araw. Ang likidong sining sa aking mga mata’y Palatandaan na ako’y isang mahinang nilalang Na nagnanais ng Iyong pagkalinga’t pag-aaruga. At ako’y uhaw pa rin sa katotohanan Bagamat ilang beses ko nang nilisan Ang mga baitang ng edukasyon Na isang panimula lamang Sa yugtong ito ng sarili kong kasaysayan. Takpan ko man ang aking pandinig Ay hindi ito balakid sa paghirang Mo sa aking ngalan Na tila ba Iyong hayagang binabanderya Na ang pagkatao ko’y may halaga Bagamat ako’y may hindi sapat na pananampalataya. At sa katunayan pa nga’y Ikaw ang humihila sa akin pabalik Sa mga lirikong akala ko noong una’y Ako ang may akda Ngunit maging ang hininga ng mga letra’y Tanging Ngalan mo ang isinisigaw - Syang salamin sa'king Tula.
0
Nov 14, 2022
Nov 14, 2022 at 2:42 AM UTC
Komposisyon
Tumutugtog sa iisang saliw Buhay na gustong ipabatid Imbis na magbigay ng saya at aliw Kalungkutan at pighati ang siya nitong hatid Mga tonong nagbibigay buhay Sa kanta ng ating buhay Na sabi nila, isang uri ng tagulaylay Ngunit parang hindi ito tunay. Sabi nila ang tono ng isang kanta ay iba-iba, May mataas at mayroong mababa Ngunit para bang ang kanta ko ay iba Lagi na lamang nasa mababa Nasa mababa nga ba talaga O sadyang ang boses ko’y sintunado lang talaga Baka naman kailangan ko lang talaga Itono ang boses kong tunog lata Para maramdaman ko ang tunay na ganda Ng kantang iyong nilikha Binuo mo kasama ng tuwa at ng luha Para maramdaman ko ang iyong mga salitang: “Anak, Mahal na Mahal kita”. Kaya nais ko sanang iparating sa iyo, aking Sinta Salamat sa Iyo, o aking Ama
0
Dec 17, 2018
Dec 17, 2018 at 1:57 AM UTC
"Kanta"
Igorot Lovers. (lifetime) May mga letrang mahirap ilapat sa mga salita, Mga pariralang mahirap ikabit sa pangungusap Mga tugmang mahirap ipasok sa taludtod At mga taludtod na mahirap buuin sa isang saknong. Mga pangungusap na mahirap ilapat sa talata. At mga talatang mahirap gawing kwento. Mga awit wala sa tono at ritmo Indak na wala sa tyempo Parang mga tanong na walang saktong sagot. Makakaramdam ka ng kung anong di mo maipaliwanag, mahiwaga. Dahil ang totoong makabuluhang bagay sa mundo at hindi makikita Hindi mailalarawan ng mga salita Hindi maarok ng malalim na kahulugan ng tula Hindi maipaliliwanag ng mahahabang talata. Pagmamahal. ❤️
0
Feb 2, 2021
Feb 2, 2021 at 9:39 PM UTC
Mahiwaga
***** Tu voz llena de una suplica Y ella abrazando sus rodillas Agachaba su cabeza. ***** Mírame. Pensaba en que jamás había escuchado Tu voz con ese tono Tierno, un poco adolorido, desesperado. Por lo menos dime algo. Que podría decir, Se preguntaba, Si de todos modos Estaba ya decidido. La tomas de la mano, Y solo notas que esconde su cara Pero no ves el nudo en su garganta, Las lagrimas a punto de brotar, El temblor que la sacudía por dentro. Sabes que así es mejor. Menea la cabeza que si. Pero siente tu mano Tibia Enlazada entre sus dedos, Y piensa que no se resignara A no tenerla otra vez así. La tienes abrazada, Y contemplas un rato Las nubes Que cubren las estrellas. Pasa un señor de edad y se sonríe Al mirarlos así, Parecía una señorita apenada De la mano De su novio enamorado Contando luceritos. Algo la despierta, Desenredandose, Reclama su mano Y despeja su mente. No entiendo. Su voz, aun un poco ronca, Te sorprende por decidida. Tu mano queda destendida En forma de sus dedos Y al mirarla te quedas helado, Tal vez un poco rechazado. La enrollas mientras habla, Y te abrazas a ti mismo Y ella cruza sus manos, Mirando al suelo. Como era posible Que deshacías su amor de la misma manera Que la enamoraste, Tomándola de la mano, Y en tus brazos? No. Decidiste hacerla sufrir, De una vez entonces. No hay adiós fácil, No hay adiós apiadado, Si uno no quiere decirlo. Que crueldad, Piensa con coraje. Y tu, tal vez pensando Que siempre te pudo sorprender.
0
Jan 8, 2013
Jan 8, 2013 at 1:07 AM UTC
*****

66
Ang pag-ibig ay parang himig Na parang hangin na malamig Kaysarap pakinggan sa tenga Na para bang ika’y kinakalinga Kahit di alam ang ibig sabihin nito Ika’y napapaindayog at napapasabay rito At pilit na sinasabayan kahit na wala sa tono Na umaalolong na parang aso kahit sintunado Tulad sa pag-ibig kahit na di ka gusto Pilit mo parin sinisiksik ang sarili mo dito Kahit na sobrang sakit, tinitiis mo parin ito At sunod-sunuranan ka na para bang aso Ganoon talaga ang mundo, di perpekto Mahirap ngunit masarap mabuhay rito Sadyang mahiwaga at puno ng sopresa Kaya wag kang mawalan ng pag-aasa Dahil may tamang kanta para sayo Siguradong masasabayan mo na ito Maiintindihan pa ang mga liriko nito At higit sa lahat di ka magiging sintunado Ganoon din sa pag-ibig may laan para sayo Nandiyan siya anu man ang iyong gusto Siguradong sasama siya sa bawat trip mo At hinding-hindi ka pa iiwan sa ere nito
0
Jun 14, 2018
Jun 14, 2018 at 6:15 AM UTC
“Musika ng Pag-ibig”
Napakadaya nang buhay,Kanya-kanyang palusot para tumakas at maglakbay Nagsinungaling ang tadhana ganun nga ba ang dahilan kung bakit sarado ang bintana Tunog lang ang iyong naririnig , dahil hindi mo pedeng husgaan ang nasa loob ng kanyang bibig Nagtataka ka dahil wala kang ebidensya sa mga narinig , Subalit umaatake padin ang mga daga sa dibdib Nanginginig , dahil di ka sigurado sa tono , tama nga siguro ang hinala ko Nakakalungkot lang isipin sarili nating kaibigan,kamag-anak,kapatid Ay nagsisinungaling upang makamit ang kasiyahang dapat talagang ilihim Ang daya naman dito , gusto ko nalang tumakas dito at ipunas ang mga luha ko na hindi mo makikita dahil nakatago sa dilim Balang araw dudungaw nalang ako sa isang butas na gawa sa abaka, At tatakasan ang ilusyong mundo at maglakbay sa reyalidad
0
Feb 19, 2018
Feb 19, 2018 at 12:53 PM UTC
Ah Baka ? Bintana
walang maisip walang magawa walang salita na makapagpapaliwanag ng nararamdaman blangko ang isipan walang laman ang mga tibok ng pusong dati'y bawat kabog merong mas malalim na pinapahiwatig tinig na wala ring patutunguhan mga salitang walang tugma mga himig na tila'y wala sa tono blangko walang laman at kahit ano pang mensahe ang gustong ipadaan mawawalan ng kahulugan dahil ang lahat ay blangko walang laman
0
Jan 12, 2021
Jan 12, 2021 at 8:52 AM UTC
blangko
yung isang lalaki asawa mo dati kasi siya ang tatay ng mga anak nyo yung isang lalaki nobyo mo iba iba siya hindi siya kahawig ng aking asawa dati kong asawa sa muling babaero Hudas malandi makapal na mukha. Nokia ko mabait sya pag mahalin siya ang lakas ng tuyo niya patas na babae sa tono nya ang isip nya lagi iba-iba Iyon ang dahilan kung bakit, mahal ko siya. Siya ay walang katulad ng aking dating asawa.
0
Jan 21, 2019
Jan 21, 2019 at 10:45 PM UTC
dalawang lalaki sa buhay mo