"titiisin" poems
ilang buwan na ang lumipas,
ngunit damdamin ko sayo'y di pa kumukupas.
ikaw pa rin pala talaga
ang gusto ng puso kong tanga.
kahit ano pang sukat ng sakit
na sa buhay ko ay sasapit,
ito ay aking titiisin;
kahit hindi mo pa mapansin.
alam kong hindi ko na ito mababago,
kaya ang damdamin ko nalang ay aking itatago;
kung sa iyo parin ay nahuhumaling,
tungkol diyan ay hindi na ako magsisinungaling.
kahit na ako'y iyong pinaasa
at sayo'y walang natamasa,
ㅡ kagustuhan ko sa iyo
ay kailanma'y hindi magbabago.
Jul 7, 2018
Jul 7, 2018 at 11:24 AM UTC
Mahal, tanda mo pa ba yung araw ng ating pagkikita?
Kung saan lahat ay ating ginawa upang kilalanin ang isa't isa.
Mahal, tanda mo pa ba kung paano mo ako kantahan sa mga gabing tumatawag ka?
Kung saan bawat salita natin ay nakakapagpakilig sa buong sistema.
Mahal, tanda mo pa ba ang mga araw na tayo ay magkasama?
Kung saan ang presensya ng bawat isa ang sa atin nakapagpapasaya.
Mahal, tanda mo pa ba ang mga araw na punong-puno tayo ng problema?
Kung saan pilit natin itong kinakaya kahit ang bigat bigat na.
Kay sarap isipin, kay sarap balikan.
Ngunit paano ko ito babalikan kung ako'y iniwan mo ng nag-iisa at luhaan.
Naniwala ako sayo.
Nagtiwala ako sa mga pangako mo.
Hindi ako tumigil kahit nasasaktan na ako.
Nanatili ako kahit alam kong lokohan nalang ito.
Ginawa ko lahat para sa relasyon na ating binuo
Pero mahal, bakit ka sumuko?
Nasan ka na? Nasan na ang mga binibitawan na mga pangako?
Yung pangakong ako lang ang nasa puso mo.
Yung pangakong ikaw lang at ako.
Yung pangakong hindi ka maglokoko.
Yung pangakong kakayanin natin ito.
Yung pangakong tayo lang dalawa hanggang dulo.
Wala na. Naglaho ng parang bula.
Wala na. Dahil may iba ka ng sinisinta.
Sabi mo mahal na mahal mo ako.
Ngunit anong nangyari at nagkaganito?
Akoy iyong ginago at paulit-ulit na niloko.
Ika'y biglang nagbago at unti-unting naglaho.
Bakit mo hinayaang magkaganito?
Pero mahal, alam mo ba?
Mahal na mahal parin kita kahit mukha na akong tanga.
Mahal na mahal parin kita kahit may iba ka na.
Mahal na mahal parin kita kahit alam kong wala ng pag-asa.
Mahal na mahal parin kita kahit tinalikuran mo ako at pinili mo siya.
Pero mahal, pasensya kana dahil ito ay sobra na.
Pagod na pagod na ako kaya pinapalaya na kita.
Ito na ang panahon para piliin ko ang sarili ko.
Ako na nagpakatanga sayo.
Ako na kinalimutan ang sarili ko.
Sarili ko na napabayaan ko dahil sa labis na pagmamahal sayo.
Sana sa araw na ika'y pinalaya.
Hinahangad ko na seryosohin ka niya.
Sana pasayahin mo siya sa araw na kayo'y magkasama.
Sana mahalin mo siya gaya ng pagmamahal ko sayo
Pagmamahal na hindi mo naibigay sa isang tulad ko.
Kaya naman mahal hanggang dito nalang tayo.
Kahit mahirap kakayanin ko.
Kahit masakit titiisin ko.
Paalam mahal, dahil ito na ang huling araw ng pagpapakatanga ko sayo.
Oct 16, 2017
Oct 16, 2017 at 2:27 AM UTC
Ako’y modernong karpintero
Sa henerasyong baon sa utang,
Hindi pa man isilang,
Ang kamalaya’y limot at simot na.
Puros kalyo ang latay
Sa pares na kamay
Na ang sigaw ay pagbabago
Diktahan man kahit demokrasya pa,
Lahat tila may mantsa’t tatak pulitika.
May direksyon ang pagdisenyo
Pahalang sa kapwa-tao,
Samantalang ang kabila’y
Ang labi’y eksperto sa pagsayad sa lupa
Patungo sa ulap at bituin
Kung saan naroon raw ang Maykapal.
Narito ako sa kanilang tagpuan
Tatawid sa kalyeng hindi masilayan
Bingi sa sanlibutan
Minsang pinaligua’t sinabunan ng kadiliman.
Narito ako,
Sa sentro’y may hanap-hanap
Kilabot ng pagtahi sa sugat ay titiisin.
Pagkat ang latay, hindi man nasaksihan
Ramdam maging sa tadyang
Na akin daw ay pinagmulan.
Kung mararapatin lamang
Ng lupang minsa’y naging gintong bayan
Na pang-habambuhay siya’y lisanin
At sa pagbukang-liwayway, tatakbo sa Liwanag.
Walang karapatan ang takipsilim na uminda
Pagkat ang Haring Araw
Sisikat at yuyupakan ang kanyang dangal,
Siyang isang pobre’t salat sa Katotohanan.
Niyapos ko ang buhok
At pinahid sa mansanas, sa mangga’t
Maging sa dagat na sagisag ng kalayaan.
Ako’y tumakas
Tangan ang sandata ng buhay;
Pakuwari ko’y walang himagsikan
Ang siyang muling sisiklab
Pagkat ang laban ay tapos na noon pa man.
Puting papel at plumang walang tinta
Ang iniwan sa akin ng Ama
Hindi ko mawari sa paanong paraan ba
Maililimbag ang isusulat nitong pluma.
Ngunit ang tukso
Na madungisan ang pahinang puti
Ang puro’t walang bahid ng itim at kulay bahaghari,
Alam ko, balang araw
Mapupunan ito, hindi ng salita
Bagkus ng larawang sa sansinukob
Ay hahagkan ang bawat nilalang
Itatas muli ang bandila -
Silang puro ang tiwala sa Pintor ng Pagbabago.
(5/23/14 @xirlleelang)
May 28, 2014
May 28, 2014 at 1:04 AM UTC
*Ilang bundok pa ba ang aakyatin
Ilang tuhod pa ba ang dudurugin
Ilang guide pa ba ang kikilalanin
Ilang litro ng tubig pa ba ang iinumin
Ilang hugot lines pa ba ang sasambitin
Ilang magandang panahon pa ba ang hihilingin
Ilang packed lunch pa ba ang lulutuin
Ilang tao pa ba ang sasabihan ng "Good Mornin"
Gusto ko lang naman limutin
Na sa puso ko ikaw pa rin
Hirap na kasi itong damdamin
Hanggang kelan pa ba titiisin*
Sep 15, 2015
Sep 15, 2015 at 3:16 AM UTC
Nalulungkot ako...
Nalulungkot ako kasi hindi kita nakasama
Nalulungkot ako kasi hindi kita nakita
Nalulungkot ako kasi namimiss kita..
Nalungkot ako nung nawala ka. Nung araw na iniwan mo ako at humanap ng iba.
Nalungkot ako nung nag sinungaling ka sakin kung san ka talaga nag *****
Nalungkot ako nung hindi ka na nagpakita.
Minahal,pinasaya, at pinatawa kita. Pero bakit mo sakin 'to ginawa. May nagawa ba akong masama na hindi mo nagustuhan? Sana sinabi mo para naayos ko. Hindi yung bigla ka nalang mawawala at hindi na nagpakita. Masaya ako pero nalulungkot kasi namimiss ko ang mga yakap mo. Nalulungkot ako kasi naalala ko nung sinabi **** mahal mo ako.
Titiisin ko nalang ang lungkot at pipiliting ngumiti kapag kasama mo siya
Nov 28, 2015
Nov 28, 2015 at 11:50 AM UTC
Paano kaya?
Mahal ko ang pilipinas. Sobra.
Mahal ko ang bansang aking kinalakhan.
Mahal ko ang aking pinanggalingan. Kung saan ako nag aral, san tumira, saan nagsisimba. Kung saan naliligo, umiihi, tumatae, Mahal ko!
Pero paano ko kaya matatanggap ang nangyayari sa aking bansa?
Paano ko kaya tatanggapin ang mga basura sa daan.
Ang mga binebentang damit na sinuot muna nila.
Ang mga piniritong fish ball na kahapon pa ang mantika.
Paano kaya?
Sa jeep, na para na kayong sardinas na pinagkasya sa isang lata.
Sa lrt, natumaas man ang bayad. Dama mo parin ang mga pagong na kumikilos at mga amoy na gugustuhin mo na lang amuyin.
Sa paaralan, titiisin ang sira sirang mga silid aralan para sa pangarap na mahirap abutin.
Paano kaya?
Sa pilipiling lugar, na kapag nakakita ng umiilaw na iphone ay parang hokage na mabilis na mang aagaw.
Sa ilalim ng tulay, kapag napadaan kay makikita ang pamilyang walang makain na nakahiga sa kamang matigas at ngunit hindi mabigat dalhin kung saan saan.
Paano kaya?
Ang mga kalsadang pinipilit tapusin kahit mas una pang tinapos ang perang inilaan ng sang katauhan.
Paano kaya?
Ang mga taong halos mamatay sa pagod na tila butas ang bulsa at hindi malagyan ng laman.
Paano kaya?
Sinubukan kong alamin kung saan ito nagsimula. Kung sino ang gumawa? Kung kailan? Kung paano? Kung bakit nandito?
Hanggang napatunayan ko, na kahit ganito ang tinuturi kong bansa.
Alam kong katangi tangi parin ito.
Hindi man kami tulad ng iniisip nyong bansa.
Ang bansang ito ang pinaka mapagmahal ra lahat.
Kayang makipag kaibigan sa kahit sinong tao. Kayang umintindi ng kapwa. marunong makisama. Mapagbigay.
Higit sa lahat sa kabila ng mga nangyayari sa amin, kahit wala nang kakainin, kahit nag aaway na kayo, kahit madami ng problema at kahit may taning na ang buhay.
MASAYA pa rin. Ang mga ngiti, galak, at tuwang ito ang hindi nila matutumbasan ng iba.
Jul 6, 2016
Jul 6, 2016 at 1:39 AM UTC
Muling hahanapin ang ningning ng bituin
At ipapanalangin sa langit
Na sana'y may gintong rosas
Sa likod ng kulimlim
At may katiwasayan sa alapaap
Para doon humimpil
Ang mga pagod na bagwis,
Ang hangarin na pinagbubuntunan ng pag asa
Nanaisin na mamahinga sa disyerto
Kaysa lumanghap ng samyo
Ng mga dawag
Sa paraiso sa ibabaw ng lupa
Kung may araw na sisikat
Sa silangang kong mahal
Kapag nang aakit na ang yaong liwanag
Tatalikod at magtatago
Sapagkat madaling mabulag sa kanyang kasikatan,
Mahumaling sa kanyang kariktan
Maglulumbay din sa wakas
Kung saan ililihim ang kapanglawan
At titiisin ang kahapdian
Kung mabanayad na ang pakiramdam
Ay dadalawin naman ng kahapisan
Talastas ng mga mata
Ang anyong nakikita
Ngunit di matatarok
Parang ang kati ng lawang malinaw
Susuungin ang daloy ng ilog
O magpatangay sa alon
Ang buhay na pinag iingat ingatan
Ay nililisan ng katatagan
Kaya ang bawat pag ngiti
May luhang sinusukli
Ang kaginhawaan may pawis na pinupuhunan
Sinasagap ng paningin
At ng nasa ang pagpahinuhod ng
Sandali
Sa kapalaran na pinaglilikatan ng mabuting halimuyak
Maglalakad na tangan ang lumbay
Tungo sa lugar na pinagmulan
Sa alabok babalik
Ang hiningahang buhay
Di na lilingon at mag alalala
Sana'y di na mabubuwal sa pag alis
Sa maluwalhating pagsalubong ng hangin
Mananahan sa likod ng mga ulap
Aug 17, 2019
Aug 17, 2019 at 7:29 PM UTC
Gusto ko ng bumitaw dahil sa sakit na aking nadarama
Pero hndi ko pa kaya kasi mahal na mahal pa kita
Hanggang kelan ko to titiisin?
Hndi ko na kc madama ang pagmamahal mo sa akin
Hndi na ikaw ang taong minahal ko noon
Asan na ba siya?
Mali, hndi ko siya hinahanap.
Nakakapagod,
Nakakapagod talaga, hndi mo mn lang ako tinulungan.
Grabe ka!
Nakakapagod din kcng intindihin ka
Hndi ko alam kung anong problema kc hndi ka naman nagsasabi ng totoo **** nadarama
Para bang itinatago mo sa iyong bulsa
Bahala na, sabi mo nga sa akin "Bahala ka"
Bahala na talaga.
Bibitawan na kita.
Sa wakas,
Ang pagmamahal ko sayo'y matatapos na.
Ang sakit na aking nadarama ay matatapos na.
Matatapos na talaga.
Ito na, ito na ang huling sasabihin ko para sayo na kasabay ng mga luhang tumutulo sa akin mga mata.
Apr 18, 2016
Apr 18, 2016 at 10:20 PM UTC
Mayroon akong gustong ibahagi sainyo
Isinulat ko lamang ito para sa mga interesado
Meron na kasi akong napupusuang isang tao
Pero teka lang, atin-atin lamang to
Di ko alam kung paano sisimulan
Pero alam kong gustong-gusto nyo ng malaman
Kung sino nga ba ang aking naiibigan
Kaya't heto na, inyo ng matutuklasan
Sya'y isang mananayaw
Napaka astig ng kanyang mga galaw
At talagang siya'y mahusay
Habang pinapanood ang kanyang pagganap, ako'y napapa WAW!
Ako'y lalo pang humanga
Nung nalaman kong sya'y manlalaro din pala
Pero hindi ng feelings ah!
Yung larong ang gamit ay shuttlecock at raketa
Marami-rami na din akong alam tungkol sa kanya
Syempre! Lagi akong updated sa kwento ng buhay nya
Ayokong nahuhuli sa balita, hindi naman sa pagiging chismosa
Kase baka mamaya di natin alam may jowa na pala, edi nganga!
Natutuwa lang ako dahil close na kami ngayon
Di ko akalain na magkakaganon
Kasi dati pinapangarap ko lang yon
Masaya na din, pero di na ako naghahangad ng higit pa roon
Marami na pala syang naka fling
Kaya ako naman noon, umaasa at nag fi-feeling
Nagbabaka sakaling mapapansin nya rin
Ang ganda kong walang kadating-dating
Lungkot lang dahil di nya pansin
Na ako sa kanya'y may pagtingin
Hindi ko alam kung kailangan pa bang aminin
O kaya'y akin na lamang ililihim
Pagkat tungkol dyan ay di ko kayang tapatin
Martir na kung martir, tatahimik na lamang at titiisin
Pero maiba tayo
Sa mga oras na to,
Di ko alam kung lalabas pa ba ako ng kwarto
O magkukulong na lang dito
At saka bubuksan ang pinto pag wala ng tao
Malamang nabasa na to ng mga magulang ko
Kaya't ihahanda ko na ang sarili ko
Pagkat mamaya pag nakita nila ako,
Sasalo ako ng gabot, hampas, palo
Hanggang dito na lang,
Damay-damay na to!
Nov 1, 2018
Nov 1, 2018 at 10:23 PM UTC
Tulad mo'y isang ulap
Pilit kong pinapangarap
Kahit mataas at mailap.
Pilit kong inaabot,
Mahawakan at maitago
Dahil ayaw na sayo'y malayo.
Init ng araw aking titiisin
Kahit matuyuan pa ko ng pawis.
Di ako mapapagod sa pagkakatayo
Mangawit man ang binti ko.
Di ako hihinto sa paghihintay sayo
Matusta man ang kulay ko.
Gagawin kong lahat para ika'y sumaya
Dahil ayokong makitang umiiyak ka
At maglaho na lang tuluyan
Sa paningin kong bigla.
Jun 16, 2017
Jun 16, 2017 at 10:50 PM UTC
Sa panibagong yugto
may giyera ng dugo
Mga sigaw sa kaparangan
ikinubli sa kalasag ng karahasan
Kung ang tanglaw ng sulo'y ninanais ang digmaan
sigalot sa diwa'y hinahabing marahan
Titiisin ng talampakan ang init ng apoy
babatakin ng putik, lulubog sa kumunoy
Hanggang kailan titiisin ang hilahil ng tadhana?
pagal na ang mga paa't tuyo na ang mga luha
Kung ang dahas ng dapit-hapo'y patuloy na nasasaksihan
liwayway ng bukas, kailan kaya masisilayan?
Sep 11, 2023
Sep 11, 2023 at 7:46 AM UTC
Sa tuwing naaalala,
Ako'y naluluha,
Di lubos na akalain,
Lahat ay mawawala,
Ang pag-ibig na pinagsaluhan nating dalawa,
Sadyang kay bilis limutin,
Parang inihip lang ng hangin,
Tila ganon lang kadali,
Pipilitin ko rin ngumiti,
Lalasapin ko ang pait,
Titiisin ko ang sakit,
Dahil wala ka na,
Iniwan **** nag-iisa,
Di na mababalik ang tamis,
Di na mahahagkan pa muli,
Di na mamasdan ang ngiti,
Di na mauulit pa,
Hindi na muli,
Dahil wala ka na,
Saan ba tayo nawala?
Ba't hindi ko nakita?
Di lubos na akalain,
Tatangayin pala ng hangin,
Ang pangako sa isa't-isa'y,
Babaliin lang pala,
Okay lang ako yung masaktan,
Wag ka lang mawawala,
Tila ganon lang kadali,
Ba't ang hirap pa rin ngumiti,
Nilasap ko na ang pait,
Tiniis ko ang sakit,
Tangi kong hiling sinta'y
Nakikinig ka,
Minahal kita abot langit,
Hanggang maubos lahat ng "subalit”
Jul 1, 2021
Jul 1, 2021 at 9:35 AM UTC
Malamig na salita bawat angulo,
Mapag laro talaga ang mundo,
Sa bawat paliwanag ay magulo,
Masakit makita gumuho na ang mundo
Wag mo sana maisipan tumigil,
Kahit ako nalang mag mahal,
Titiisin ko kahit nakakasakal,
Ipaparamdam ko sayo ang pagmamahal
Hindi sapat ang mga salita para iparamdam tunay mo'ng halaga,
Wag ka sana mabulag sa
Pinapakita ng aking masayang kaluluwa.
Apr 2, 2020
Apr 2, 2020 at 9:44 AM UTC
Daan, libo, sobra o higit Pa
Bilang ng mga unat na nilalapatan ng Pwersa
Init man o lamig ay titiisin'g Mag-isa
Marating lang ang destinasyon'g di pa nakikita ng Mata
Mar 4, 2021
Mar 4, 2021 at 3:22 AM UTC