"tingalain" poems
kung ang tula ay di akma
sa paksa ng may akda
ano pang talim meron ang talinghaga
kung wala nang talas sa bawat talastasan
nitong nagbabagang hidwaan ng tugmaan
sa palabigkasan ng huwarang balagtasan
meron pa nga bang halaga ang mga rima
sa tuwinang wala namang ka-eskrima
ang taludturang may tatlo-hang tugma
manapa'y pakinggan itong aking mga tagong himig
bagkos nga ako ri'y gawaran ng batikos sa aking hilig
sapagkat mayroong hiwa ang susunod kong pahiwatig
meron akong ikukuwento
mga saknong na naimbento
ito'y mula pa sa " KONTENTO "
sa una niyong bahagi
ano daw ang sinabi?
heto't muli kong ihahabi
ang hadlang at paslang
na kapwa pumailanlang
sa makatang may lalang
1) " may saboy ang liyab kapag naidadarang " (fire)
2) " sa simoy at alimuom na hindi pahaharang " (wind)
3) " anomang sisidlan, tining ay iindayog kapag umaapaw " (water)
4) " gaano man kalalim hukay, pagtapak sa lapag mababaw " (earth)
5) matapos ang pagyuko
,,,,tingalain ang Kaitaasan
....Ika-limang KONTENTO (love)
---walang hanggang mararanasan!
1) APOY
2) HANGIN
3) TUBIG
4) LUPA
5) PAG-IBIG
Jan 7, 2016
Jan 7, 2016 at 8:09 AM UTC
Hindi ka ba nalulungkot diyan
Sa kalawakang iyong kinalalagyan?
Baka nais mo ng kasama minsan
Nandito lang ako, nag-aabang
Sabagay, sino nga ba naman ako
Isang hamak na nilalang
Na walang magawa kung hindi tingalain ang mga katulad mo
Pero kahit ganoon
sana pakinggan ng tadhana
itong munting hiling ko...
Taong nasa buwan
Pansinin mo naman ako kahit minsan...
Hayaan **** tabihan kita diyan sa kawalan
Yayakapin ka nang mahigpit
Hindi bibitawan
Kaya sana, taong nasa buwan
Pansinin mo naman ako kahit minsan...
Dec 3, 2017
Dec 3, 2017 at 8:48 AM UTC
060624
Hindi ako nangangambang
Tabunan ng dilim ang liwanag ng araw
Na sa kanyang pagsilang ay manlalabo rin
Ang aking pananaw.
Pagkat mananatili ang Langit
Hanggang sa aking huling Lupang Hinirang.
At wala akong ibang nais na gawin
Kundi pagmasdan ito
At tingalain ang yaman nitong kagandahan.
Sa aking paggayak sa tabing dagat
Ay tatawagin din ako ng Kanyang mga alon.
At ang tanong ko’y Kanyang aakuin.
“Gaano nga ba kalawak ang Iyong pag-ibig?”
Wari ko’y ilang dipa pa ba
Hanggang sa marating ko Siya.
Ngunit ako’y aakapin ng sumisipol na hangin.
At ‘yan na marahil ang tugon Niya.
Sa aking pagsuyod
Maabot lamang ang Kalangitan,
At sa aking pagsisid
Matiyak lamang ang lalim ng Karagatan —
Walang ibang kasagutan
Kundi ang natatangi **** Ngalan.
Jun 6, 2024
Jun 6, 2024 at 7:40 AM UTC
Habang ako'y naka tayo, ika'y naka upo.
Hindi mo ba napansing sayo'y nakayuko?
Hindi mo na nga pala ako kayang tingalain.
Hindi mo na nga pala ako kayang mahalin.
Kaya pala hindi na kayang pansinin,
Sa iba ka na pala nakatingin.
Tang ina, daig ko pa lumuhod sa asin.
Ang sakit sa damdamin.
Aug 12, 2015
Aug 12, 2015 at 11:54 AM UTC
parang sobrang lapit lang ng lahat kanina. napakarami rin na bituin na matatanaw kapag tumingala. sa tuwing sisilip din ako para makakita ng mga tao halos naririnig ko ang mga tinig ng boses nila na para bang ang lapit ko lang para maintintindihan ang pinaguusapan nila, miski ang pagbagsak ng mga kubyertos. paglapag ng plastik na may lamang pagkain, musika na ipinatutugtog nila at ang buwan na para bang napakadali lang abutin, kitang-kita ang liwanag na ibinibigay nito. sapat para makita ko ang mga gusali na nababalot ng dilim. sa isang iglap, naisip kita. naalala ko ang mga maikling pag-uusap natin. lahat ng naramdaman ko nuon ay parang kanina lang sa sobrang eksakto ng nararamdaman ko. hanggang sa mapaisip ako ulit. ganoon ka kalayo saakin. na para bang mas malayo pa sa katotohanang malayo ang buwan at ang mga bituin na nakikita ko sa langit. ganito ka kahirap tingalain at abutin.
Apr 12, 2020
Apr 12, 2020 at 4:14 PM UTC