Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tinawanan" poems
Sa mga nakaraan akoy madalas nasasaktan at madalas maiwan. Pilit hinahanap kung ang Mali ko ay nasaan! Kasi sa aking Pag kakaalam ginawa ko naman ang lahat para sila sa ako ay wag ng iwan. Ngunit Tadhana ay mapag-linlang,sa una ka lang Pasisiyahin at sa dulo ikaw naman ay sasaktan. Ngunit Pananaw ko'y nagbago ng makilala ko ang isang Tulad mo,na sa simula palang bumihag na sa Puso ko. Ang saya lang ng minsang mapansin Mo, Hangang sa hindi nakatiis nagparamdam na ang Torpeng Tulad ko. Anong Tuwa at tawa nating Dalawa na sa pag amin ko Sayo,Tinawanan mo lang ako, Na sa pag aakalang Pinag titripan lang Kita. Sino ba naman kasi ang maniniwala kung sa paraan ng Panliligaw ko gamitin ko pa ang Paperang Camera para mapansin mo. Napa OO kita kinilig na sana ako, kaso laro lang Pala.sayang talaga! Tumagal pa ang usapan hangang sa tayo'y nagkakapalagayan na. Naku kunting Bola na lang mapapa OO na talaga kita,Seryoso na. Sobrang sana'y ko na ata sa presensya mo na di mabubuo ang araw ko kung wala ang mensahe mo sa Inbox ko. Kulitan,tawanan at sabay magpapalitan ng kalokohan. Nasa Punto na rin ako,na hinihintay ang pag dating mo. Para tuparin yung mga plinanong bagay na tayo lang ang may alam. Puntahan ang simbahan na kung saan pinangarap kong marating muli kasama ang isang Ikaw. Akyatin ang mga bundok na ang kasabay sa paglalakbay ay Ikaw. Pagmasdan ang papalubog na araw ,sa gilid ng karagatan na ang katabi sa buhanginan ay Ikaw. O kaya mahiga sa buhanginan at sabay pagmasdan ang bilog at liwanag ng buwan. Lahat na yata ng Pinaplano ko ay Ikaw ang kasama ko pati sa pagtahak sa kinabukasan Ikaw ang nakikitang kasabay ko. Siguro hindi pa man sa ngayon pero darating din tayo sa Dulo na merong Ikaw at Ako.
0
Jun 16, 2020
Jun 16, 2020 at 8:50 AM UTC
Ikaw at Ako

Continue reading...
23
nagbabakasakali lang naman baka naaalala mo pa ako naaalala mo pa ba unang pagkikita kulay ng supil mo'y pula ganda ng iyong mata ang nilaman ng mga dati kong kanta naaalala mo pa ba ako oo sa likod ng 'yong ala-ala na minsan sa buhay mo ay hinagkan ako nilambing hinalikan iniyakan tinawanan at higit sa lahat at ang pinaka masakit sa lahat minahal baka naaalala mo pa ang pagkakulang ng 'yong mga kamay dahil hindi nito hawak ang akin kung gaano kalungkot ang 'yong mga daliri dahil hindi nakapulupot sa akin baka naaalala mo pa na ang laman ng mga mata mo ay ang mukha ko at ang laman ng utak mo ay ako, palagi baka naaalala mo pa na bago ka tamaan ng rumaragasang sasakyan na nagpawala ng memorya at ala-ala mo ay kasama kita sinasambit ang matagal na nating mga pangarap anak, pamilya at iba pa baka naaalala mo pa na bago ka mabunggo ng paparating na ilaw mula sa unahan ng rumaragasang sasakyan sa gitna ng dilim ay pinagdarasal ka na sana 'di magbago ang pagmamahal mo ngayon sa apat na sulok ng 'yong kwarto sa ospital ay di mo ako naaalala limot ang dating ala-ala ang halik ang yakap ang luha ang hikbi ang tawa nagbabakasakaling naaalala mo pa
0
Oct 19, 2019
Oct 19, 2019 at 3:42 AM UTC
headlight
Dumating na ang araw na kailangan na nating magpaalam sa isa't isa Na bukas pagmulat ng mata ay di na kita masisilayan. Yung ngiting sa pagbukas nito ikaw agad ang makikita. Ayaw ko na ring isipin na ang landas kong tatahakin ay iba ng sa iyo, sapagkat sa lahat ang pinakamasakit ay umasa. Sana kung dumating ang araw na muli kitang makita ay matandaan **** minsan sa iisang bayan tayo ay naghuntahan. Tinawanan natin ang maraming bagay at nagpalitan tayo ng kwento ng buhay. Noong panahong naiinitan ay sumilong tayo sa kubong bahay-bahayan. Naglalakad tayo ng magkasabay habang ang puso'y mabilis na tumitibok. Pusong di alam kung bibitaw o mananatili na lang. Ngunit, kailangan nating maghiwalay at magpaalam. Unti-unti dumulas ang malambot **** kamay sa akin. Kasabay ng patak ng iyong luhang lalong nagpasakit sa damdamin. Hanggang sa muli. Paalam.
0
Feb 22, 2020
Feb 22, 2020 at 9:26 AM UTC
Ysabel