Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tinakpan" poems
Lumaki akong namulat na may pagkakaisa, Pagkakaisang hindi dapat ipinagsasawalang bahala. Kahit mailap man noong pagbubuklurin ang kapwa, Nananaig pa rin ito kasama ang pagkakawang-gawa. Isang simpleng salita, malalim naman ang kahulugan. Maihahalintulad sa bigkis ng laksa ng magigiting na sandatahan. Sama-samang lumalaban para sa kapakanan ng bayan, Upang maisulong ang kabutihan, hatid ay kapayapaan. Ngunit bakit ngayon, pagkakaisa ay kay ilap? Parang ilaw sa kabaret, bihira **** mahapuhap. Takot na ang iba, kinalimutan pang mahagilap, Dahil nakaharang ang mga buwaya, tinakpan ang pangarap. Huwag nating hayaang ito ay tuluyang maglaho. Alisin ang pangamba, buhayin ang karapatang pantao. Magkaisa sa isang diwa ng maka-masang pagbabago, Nang mailigtas pati ang mga inosenteng bilanggo.
0
Feb 18, 2016
Feb 18, 2016 at 8:56 AM UTC
Pagkakaisa
Kasabay ng patak ng ulan Ang luha kong umaagos nang marahan Damdamin ay nasasaktan Panibugho kong di tumahan Bakit ako'y pinagpalit Palagi naman sa iyo ay mabait Minahal kita nang higit pa sa iyong nalalaman Pagmamahal na iyong pinabayaan Ikaw ang aking pinipintuho Kahit sasalungatin ng bagyo Di ako mapapadaig Delubyo man ang maging dulot nito Ang putik sa mga paa kong dumidikit Ay parang pumipigil sa paghakbang Kahit mabubuwal sa daan Patuloy pa rin sa paglakad Sa tuwing iniisip ka Nalulungkot ako't humihikbi Ang pait ng dagat At ang alon ay sampal sa pisngi sapagkat iba na sa iyo ang nagmamay-ari Matalim ang bawat pagaspas ng mga dahon Ang mabanayad na awit ay nagdadagdag ng sakit Habang sa silong nag-iisa Nalulumbay ako nang inaalala ka Ipikit ko man ang mga mata Ay hindi tinakpan na bituin sa gabing maulan Sapagkat maaliwalas gaya ng batis Ang kagandahan mo na nagniningas Kaya pagkatapos ng ulan Sa silong ako'y pabayaan Iniwan mo sa akin ang awitin ng damdamin kong umiibig
0
Jul 16, 2019
Jul 16, 2019 at 9:46 PM UTC
Kasabay ng Patak ng Ulan
Maligamgam na hangin halina sa mukha ko'y magdampi, Nag-aantay ng pagbukas ng kalawakan kasama ang pusong sawi. Ngunit walang na bang liwanag sa aking b'wan? Mga maswerte kong bitwin, hindi na rin mahanap kung saan. Tinakpan na ng maiitim na kaulapan. Nagbabadya na nga siguro ang taglamig na panahon Nililimot ang mga bakas ng kahapon May mga araw na dapat pa atang bilangin Tanging kasama, natatanging maligamgam kong hangin.
0
Nov 17, 2018
Nov 17, 2018 at 7:50 AM UTC
Init sa Iyong Lamig, Kintab ng Aking Gabi
Ang luhang pilit na kinukubli, bumuhos, parang talon Sa mga pisngi kinikimkim, hanggang sa pusong humihinahon Mga kamay halukipkip, ang bibig ay takip-takip Sariling Hikbi, ayaw marinig ang nais, habang buhay na maidlip Ngiti nga'y naglaho, maskara'y nawala Masasayang halakhak, bulaklak na nalanta Pusong pinilit mabuo, maging bato Nadurong sa isang pagkakataon... Sa ala-ala mo Ang malayang paglalakbay ay sinubok kong mag-isa Inilayo ang puso ko, sa iyo ng aking mga paa... Pinilit na wag lingunin ang nakaraan Mga mata ay tinakpan, sarili'y piniringan Tainga'y pinilit takpan, madiin, madiin Na kahit bulong ng puso, di ko na kaya dinggin Ngunit ang damdamin, sumisigaw, humihiyaw Maliwanag, malinaw, malakas na bulong ay ikaw Ngayon gabi, sa pagtulog, halika sa panaginip ko Sa panagip baka doon, tayo magkatotoo Halika, mahal, halik sa tabi Tulungan mo akong palayain ko ako...
0
Dec 13, 2013
Dec 13, 2013 at 2:52 AM UTC
KUBLI
Tulad ng duling, di kayang magbilang Wala na makadugtong sa pangarap Nanlimos sa kanto sadyang naulila Sa bayang sinisinta nawawala Talagang kumakapit ang mga nagawang kamalian Sa muling pagdilat ng mata ay di mapalagay Lahat ng bisala ng mga bagay ay nahahanap ng wari Sa isang kisapmata, laging nauulit Sining ng pagbabalatkayo Magpakalabis ng konting katuwaan Tinakpan ng panlabas na ekspresyon Naanod sa kasayahan At nalungkot ang nagsidatingan sa piging Ang nagtago ng tunay na damdamin Sa bandang huli, bumaybay ng mga hinaing Sapat na masilayan ang paghati ng abot-tanaw sa lagablab ng araw na unti-unting naparam at sa karagatan na nag-iwan ng pamana
0
Dec 21, 2018
Dec 21, 2018 at 6:36 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #22
#112915 #12:28PM Naglisawan ang mga katauhang nakaputi At siya’y mistulang diwata Sa kanyang putong at pamato. *“May kuwit ang Langit * Siyang puspos sa pangako – Pangakong may habilin Sa naudlot na pagtatapat. At sa pagniningas ng simboryo’y Ako ang ‘yong katipang sabik, At may bantayog na pagsinta.” Paimpit ang tibok ng puso Habang sayad ang telang puti sa lupa, Mistulang palamuti ang mga rosas Sa pulang salawal ng papag. “Naging maselan ang puso Sa tagal ng paghihintay. Bagkus ito’y maiksing ihip ng hangin, Tanging hiram sa Tagapagbigay ng Buhay. Hindi mahinuha Ang bigkas ng bawat pintig, Ako’y Kanya bagamat inilaan sayo.” “Paumanhin, pagkat minsa’y naging duwag, Duwag akong sa bangin ng pagsuyo Pagkat baka ang huli’y maging pauna. At hindi sapat ang pagsinta Kung wala ang basbas ng Ama.” “O tamang panahon, salamat sa Kanya! Ito’y ipinagtirapa nang ilang ulit. Kung ang pagtugon ay plantsado, Ilang butil ang buhos ng Langit, Sagot sa nakaluhod na pagnilay. Siyang Barandila sa pusong tigang – Sumuyo sa’ki’t bulong iyong ngalan.” “Anumang dagok sa nakaraan, Ang ngayo’y walang katumbas. Minsan hinayaang magpatibuwal Ang pangakong laan sayo. Pagkat pag-ibig Sinta’y Hindi pa hitik sa bunga. Kaya kahit anong pagpalahaw ng damdamin, Tinakpan ito’t di nais na magkayabag.” “Dalpak man ang mga paa, Damdamin ko nama’y tiyak. Kanyang isinulat ang pag-iibigan natin, Siyang patotoo sa tunay na nakapaghihintay.” Yayariin ang detalye’t estilo Ang dunggot ng tuldok, Doon lamang sa ikalawang pagbabalik. Mula sa Langit na Siyang Tagapagkatha.
0
Dec 18, 2015
Dec 18, 2015 at 8:03 PM UTC
Telegrama sa Altar

Continue reading...
50
Tatlong salita. Labing dalawang letra Pasensya ka na Pasensiya ka na hindi ko masasabi Sikretong iyong pinakamimithi Marami akong tinatagong saloobin ‘Di tulad **** bukas na bukas sa akin Ikaw na lang ang hindi nakakaalam Ng sikretong kay tagal kong tinakpan Masasabi ko pa ba sa’yo Nang hindi nag-aalala sa reaksyon mo Hindi sa hindi ko pagtitiwala sa ‘yo Kung hindi dahil sa natatagong damdamin ko Ito’y mananatiling nakakahon Kaya sana maintindihan mo ang rason Tatlong salita. Labing dalawang letra Pasensya ka na Kay tagal na panahon na Simula nang mahalin kita
0
Jun 3, 2017
Jun 3, 2017 at 12:47 AM UTC
Pasensya Ka Na
Ang panukala ay itinago sa lihim Lihim na nakakubli sa isang malalim Na talinhaga na di kayang unawain Nang isipang tinakpan ng takip-silim Tila yata walang naka-uunawa Kung ano ang mga panukala Na nagkukubli sa anyo ng Salita Na nariya'ng kasama natin at nakatala Sino nga ang nakakikilala ng May-akda Na nagpapahayag at Siya ring nagtakda Nang mga kaganapang walang patda Na Siya'ng tumpad din ng mga Itinakda? Sino nga ba itong Salita Na nagkukubli sa anyo ng mga salita Na tinatawag ding Mabuting Balita Na inyo nga'ng ipinamamalita? Sino nga ang marunong at nakauunawa Ipahayag iyon sa isip, salita at gawa Ipakita ito sa kanyang kapwa Upang may buhay ang kanyang mga salita
0
Jun 18, 2021
Jun 18, 2021 at 4:04 AM UTC
Salita